webnovel

Ipinanganak Ka Para Sa Industriyang Ito?

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

"Sigurado ka na gusto mong gawin ang eksenang iyon?" Tanong ni Wei An ng may bakas ng pagdududa.

"Oo," tango ni Tangning ng may katiyakan.

"Kung iyan ang iyong gusto!" kumumpas si Wei An sa kanyang assistant na ibigay sa kanya ang script. Matapos sanayin ang kanyang sarili sa eksena, sinenyasan niya si Tangning, "Mag - umpisa na tayo…"

Sa katunayan, wala siyang pakialam tungkol sa pagtupad sa kahilingan ni Tangning. Hinahamon lamang niya si Tangning na ipakita sa kanya kung ano ang maaari nitong ialok.

Kaya, umupo ito sa kanayang upuan, inilagay ang isang paa sa dummy at itinutok ang kanyang pekeng baril sa isa pa…

Si Tangning ay tumingkayad ng mga 2 metro mula kay Wei An. Nakayuko sa umpisa ang kanyang ulo, ngunit, ng itinaas niya ito, ang kanyang mata ay namumula na may mahirap unawaing pinaghalong galit, takot at pagkabigo. Agad niyang nagulat ang mga hurado!

Locked Chapter

Support your favorite authors and translators in webnovel.com