webnovel

Ikaw Ang Nagbigay Sa Akin Ng Dahilan Kung Bakit Ko Ito Gagawin!

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Alas - 10 ng gabi. Malakas ang buhos ng ulan.

Ang damdamin ni Tangning ay napatatag ng yakap ni Mo Ting at ang mag asawa ay magkayakap na natulog ng pisngi sa pisngi.

"Sinabi ko na kay Coque na ipagpaliban ang shooting ngayong gabi. Magpahinga ka muna."

Ibinaon ni Tangning ang sarili sa yakap ni Mo Ting, idiniin ang kanyang ulo sa dibdib nito, "Hindi na kailangan. Matutulog lang ako ng kalahating oras pagkatapos ay pupunta na ako sa shooting."

"Ok. Kung gusto mo munang umidlip, yayakapin kita at panatilihin kong naiinitan ka. Kung gusto mo pang pumunta at mag shooting, sasamahan kita," Hindi pinilit ni Mo Ting si Tangning na magpahinga, nais lamang niyang sundin ang bawat hiling nito. Dahil matapos marinig ang pag - uusap ni Tangning at ni Elder Tang, nagkaroon siya ng ideya na si Tangning ay nakaranas ng maraming pagdurusa noong kabataan pa niya.

Locked Chapter

Support your favorite authors and translators in webnovel.com

Next chapter