webnovel

Hindi Siya Kailanman Sa Akin Mula Pa Noong Umpisa. Paano Ito Maikokonsidera Na Pagnanakaw?

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Nang marinig niya mula sa nurse na si Tang Yichen ay pinaparusahan, tumingin si Tangning kay Mo Ting at tumawa, "Tila, ang demonyita ay nakatagpo na ng isang demon slayer."

Ngayong hindi ka na nagtatrabaho sa entertainment industry, sinusubukan mo na naman bang magpareha ng mga tao muli? panunukso ni Mo Ting habang nagtatrabaho at sinasamahan si Tangning sa silid ng hospital.

"Ang mahiga sa kama ay palagi nang isang boring na bagay na gawin, pero, kailangan ko pang mahiga dito ng ilang buwan," walang magawang wika ni Tangning. Ngunit, ng tingnan niya ang kanyang nakaumbok na tiyan, hindi niya maiwasang maginhawaan, "Ting, maaari kong ipagsawalang bahala ang ibang bagay, ngunit pag dating sa post production ng 'The Ant Queen', dapat ko iyong bantayan ng personal."

Naupo si Mo Ting sa tapat ni Tangning. Nang marinig niya kung ano ang sinabi ni Tangning, ibinaba niya ang panulat sa kanyang kamay, Hindi mahirap na gawin iyon."

Locked Chapter

Support your favorite authors and translators in webnovel.com