webnovel

Hindi Mo Na Ba Gusto Si Professor Gu?

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Si Gu Qingli ay mayroong detalyado at eksaktong paghuhusga, kaya binigyan niya ng ilang magaling na payo si Mo Ziyan. Ngunit, dahil dito, sa huli si Mo Ziyan ay nanatili sa lugar ni Gu Qingli ng mas mahaba kaysa sa inaasahan. Kaya, ng panahon na siya ay makabalik sa campus, ang pangunahing gate ay nakasara na.

Walang pagpipilian si Gu Qingli kung hindi ang tumalikod at ibalik si Mo Ziyan sa kanyang lugar.

"Brother Four, bakit hindi na lamang kaya ako bumalik sa Hyatt Regency..."

Hindi siya pinansin ni Gu Qingli habang naghahanap ito ng pares ng pajama at sinabi sa kanya kung nasaan ang banyo.

"Huwag kang mag alala sa pananatili dito. Bago ka pa man pumayag, kailanman ay hindi ako lalagpas sa aking hangganan."

Nakakaramdam pa rin si Mo Ziyan na may bahagyang mali. Ngunit, ito ay bahay ng kanyang boyfriend, ano naman ang masama sa pananatili niya roon?

Locked Chapter

Support your favorite authors and translators in webnovel.com