webnovel

Hindi Ako Makikipaglaro ng Larong Ito Sa Iyo

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Mauubos ang swerte!

Kung ang tinutukoy ni Ye Lan ay ibang tao, maaari siyang paniwalaan ni Xu Qingyan, ngunit ang kanyang sinasabi ay tungkol kay Tangning na nakaahon na sa maraming laban at nailagan ang napakaraming hadlang ng napakadali. Kaya, hindi maiwasan ni Xu Qingyan ang mag isip kung sino ang totoong mauubusan ng swerte.

Si Xu Qingyan ay may hawak nang alas sa kanyang mga kamay at naghihintay na lamang na maunang magpakita ng baraha ang kanyang kaaway.

...

Ang 'Originality' Charity Event ay gaganapin sa Emperor hotel sa The Netherlands. Si Tangning at Mo Ting ay nauna ng mag check in sa hotel, ngunit hindi nila nagawang iwasan ang ginawang paghahanda ni Yang Xi sa hotel; si Yang Xi ay naghihintay na sa pagdating ni Tangning.

Si Tangning ay totoong nagdadalang tao, kahit na maayos niya itong itinatago sa umpisa, ngayon na siya ay 6 na buwan ng nagdadalang tao, ito ay hindi na madaling itago pa.

Locked Chapter

Support your favorite authors and translators in webnovel.com