webnovel

Ano Ang Pakiramdam Ng Tunay Na Inaapi?

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Nang gabing iyon, si Chen Xingyan ay nakalubog sa kanyang sariling pag iisip.

Sa tuwing ipipikit niya ang kanyang mata, naiisip niya ang tungkol sa paraan kung paano siya ininsulto ng grupo ng mga lalake. Sinubukan niya ang kanyang magagawa upang pigilan ang sarili na gantihan si Annie at nagpahirap itong mabuti sa kanya. Bilang resulta, nilagnat siya sa kalagitnaan ng gabi. 

Hindi nalaman ni An Zihao na masama ang kanyang pakiramdam hanggang kinaumagahan nang maalala niyang si Chen Xingyan ay hindi kumain ng buong araw at nag aalala si An Zihao na nagugutom na ito. Nang pumasok siya sa silid ni Chen Xingyan, hinawakan niya ang kamay nito at napagtanto na siya ay nagkamali.

Si Chen Xingyan ay nanginginig na dahil seryosong kataasan ng lagnat.

"Hayaan mong dalhin kita sa hospital," inunat ni An Zihao ang kanyang braso upang kargahin si Chen Xingyan, ngunit tumanggi si chen Xingyan.

"Hindi ko kailangan magpunta doon."

Locked Chapter

Support your favorite authors and translators in webnovel.com