webnovel

Ang Iyong Utang Ay Maaaring Nabayaran Na, Pero Hindi Pa Ako Nagsisimula Ng Sa Akin

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Pagkaraang marinig ang abiso ng sekretarya, itinaas ni Long Jie ang kanyang kilay at tinanong si Luo Sheng, "Gusto mo bang manood ng isang magandang palabas?"

Tumingin si Luo Sheng kay Long Jie ng nagtatanong, ngunit itinango rin ang kanyang ulo pagkaraan ng ilang sandali ng katahimikan, "Uh huh."

"Kung ganon, ipangako mong hindi ka gagawa ng anumang tunog," utos ni Long Jie.

Kahit pa hindi naiintindihan ni Luo Sheng kung ano ang nangyayari, hindi na niya tinanong pa ito. Mula sa kanyang perspektibo, alam ni Luo Sheng na hindi kailanman gagawa ng kahit anong bagay na ikasasakit niya si Long Jie.

Hindi nagtagal, narating nilang dalawa ang meeting room. Nang nasa labas na ng silid, humarap si Long Jie at tumingin kay Luo Sheng, "Dito ka lang muna. Huwag kang papasok."

Marahang tumango si Luo Sheng at humilig sa pintuan.

Locked Chapter

Support your favorite authors and translators in webnovel.com