webnovel

Ang Aking Anak Ay Hindi Isang Magnanakaw

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Ang kapalaran ng bawat artista ay nakasalalay sa kanilang management agency…

Bagaman si Li Can ay hindi bahagi ng isang malaking ahensya, tinulungan nila ito na makaalis sa isang sitwasyon na maaaring makasira sa kanya. Paano naman si Xing Lan?

Ayon sa mga usap – usapan, si Xing Lan ay nakapirma sa isang ahensya na nagngangalang Superstar Media. Pero, walang sinuman sa loob at labas ng industriya ang nakarinig na ng pangalan nito dati. Ang tanging alam lamang nila ay may isa pang artista ang nakapirma sa ilalim ng parehong ahensya. Ang artistang ito ay ang pangalawang bida ng isang popular na drama kamakailan lamang – ang 'The Devil's Out', si Lup Sheng. 

"Tila hindi makasabay si Xing Lan. Siya ay dinudurog na ng kabilang ahensya."

"Hindi madali para sa isang bagong tayo na studio ang makagawa ng matagumpay na artista. Parang tila imposible na para kay Li Xin na baliktarin ang mesa."

Locked Chapter

Support your favorite authors and translators in webnovel.com