webnovel

Ako Ay Isang Linta Sa Katawan Ni Tangning

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

"Kaya, kung gusto mong makapanuod ng magandang pelikula, dapat itigil nyo na ang pang-aapi sa kanya. Maipapangako nyo ba iyon sa akin?"

Marahil dahil sa banayad na kahilingan ni Jones, ang mga repoter na nasa tabi niya ay masunuring tinango ang mga ulo.

Agad na naglabas ng mapagmahal na ngiti si Jones, tulad ng isang kaibig-ibig na ama na matagumpay na protektahan ang kanyang anak na babae.

Mula sa pakikipag-usap niya sa mga reporter, malinaw na makikita na malapit ang relasyon nila Tangning at Jones. At least, si Tangning lamang ang taong may kakayahan na magkaroon ng world class master ng Sci-Fi na aaminin na estudyante niya ito.

Iyon ay talagang astig!

"Hindi man siya nagmula sa pinakapropesyonal na background, ngunit tiyak na gagamitin niya ang kanyang katapatan para gumawa ng magandang pelikula. Magtiwala kayo sa akin."

Pagkatapos magsalita, nag okay si Jones sa mga reporter habang dumadaan sa security.

Locked Chapter

Support your favorite authors and translators in webnovel.com