webnovel

Trembling Hearts

Hindi nais ni Charlie na magkaroon ng kumplikadong buhay na mas titindi pa sa meron siya ngayon. Kaya nga ginagawa niya ang lahat ng kanyang makakaya para umiwas sa gulo ngunit mukhang may ibang plano ang tadhana para sa kanya. Ever since witnessing a certain incident that involves Alessandro Roman Gatchalian a notorious womanizer known for his complicated taste in women, Charlie’s life also takes an even more complicated turn. Despite knowing how complicated he is—it seems that she can’t stop worrying about him. Before she knows it she found herself tangled in weaves of secrets, lies and intrigues that revolve around him. To make matters worse—habang tumatagal mas lalong nagiging malinaw para sa kanya ang tunay niyang nararamdaman para sa binata. Charlie found herself falling in love. It was a ridiculous notion even for her. And she only have two options left. One is to run away while she still can or two—make him fall in love with her despite knowing that hell would freeze over before that even happens. Either way, she’ll get herself hurt. Ano bang dapat niyang piliin?

Sharelvandor · Urban
Not enough ratings
15 Chs

TAKE RESPONSIBILITY

"Mayroon lang akong bibilhin saglit sa cafeteria. Ayos lang bang iwan ko muna kayo?" ani Dra. Lulu Saavedra. Ang resident Doctor ng eskwelahan nila. Kasalukuyan silang nasa clinic para gamutin ang sugat ni Alessandro. Tumango si Charlie.

"Ako na pong bahala" nakangiting sagot niya dito.

"Alright. I'll leave you two" Bumaling naman ang atensyon nito kay Alessandro.

"Behave yourself Alex" ani doktora habang seryosong nakatingin sa binata. Nagtatakang napatitig siya dito pagkatapos kay Alessandro na nanatili lamang tahimik. She called her Alex. It felt to her like they're really close. Kaya siguro ng pagkapasok pa lang nila sa clinic at ng makita ni Dr. Saavedra ang sugat at pasa sa mukha ni Alessandro hindi na ito magkandaugaga sa pag-aasikaso dito.

"Did you hear me Alex?"

"I heard you Lulu" saad naman ni Alessandro sa iritableng boses. Right. They're really close. He just called her in her first name. Hes even close to to the school doctor huh? Mukhang totoo talaga ang bali-balita that he likes older women.

"I'm not going to do anything" dagdag pa nito habang patuloy ito sa pagdadampi ng icepack sa may pasa nito. Nagtatakang natigilan si Charlie sa sinabi ni Alessandro. Anong ibig niyang sabihin?

"I'm just making sure. I just don't want you to get in trouble. She's—"

"I get it! Just leave Lulu!" pasinghal na sansala ni Alessandro sa iba pang sasabihin ni Dra. Saavedra. Namamanghang napatitig siya kay Alessandro pagkatapos ay muling bumalik ang tingin niya kay Dra. Saavedra na nanatiling nakangiti lamang dito—with a gentle expression on her face. Nang makaalis si Dra. Saavedra ay awtomatikong bumalik ang atensyon niya kay Alessandro. Nahuli naman ng binata ang pagtitig niya dito.

"What?"

"Wala" agap na sagot ni Charlie. "Tulungan na kita baka nangangalay ka na" hinablot ni Charlie ang icepack sa binata at sinimulang dampian ang pasa nito ngunit mayamaya lamang ay muling marahas na binawi iyon ni Alessandro sa kanya.

" I can do it" Napabuntong hininga na lamang si Charlie.

"Alam ko. Pero sabi ko tutulungan kita diba? Kasi ako naman ang dahilan kung bakit nagkapasa ka. So quit being an ass and just accept my help"

"You just called me an ass and you want me to accept your help?" manghang tanong nito sa kanya na animo'y hindi makapaniwalang sinabi niya iyon dito. Charlie laughed silently. She was finally able to catch him off guard.

"Well stop acting like an ass kung ayaw mong matawag ka ng ganun. Naiintindihan mo?" muling banat niya dito.

He scoffed. "Well, stop aggravating me any chance you could get so I wont act like an ass to you" Alessandro shot back.

"Kailangan talaga ikaw lagi may sinasabi sa huli?" naiinis na naman na sita ni Charlie sa binata. Hindi sinasadyang napadiin ang dampi niya sa pasa nito. Alessandro yelped in surprise.

"Sorry" Charlie mouthed. He glared at her. Yep. Like a scary glare.

"Kailangan talaga lagi kang may pambara sa lahat ng sasabihin ko?" Charlie almost kicked him.

"Let's just stop talking. Hindi tayo matatapos sa pagsisinghalan sa isa-t isa" napapagod na suhestisyon na lamang ni Charlie.

"Fine by me" Alessandro answered in a short clipped tone.

Ang sungit talaga sa isip isip ni Charlie.

Tahimik na inasikaso na lamang niya ang pisngi ng binata. Wala na talagang nagsalita sa pagitan nilang dalawa. Medyo nangangalay na si Charlie sa pagdadampi kay Alessandro pero hindi niya pinahalata iyon. Siguradong magtatalo na naman kasi sila pag nangyari iyon. Naaaburidong inisod na lamang palapit ni Charlie ang upuan sa binata para maabot niya ng maayos ang mukha nito dahil kanina niya pa napapansin na palayo ito ng palayo sa kanya. Muli siyang umisod ng bahagyang lumiyad ang mukha nito palayo. Matangkad pa naman ito at dahil doon halos hanggang leeg lang siya nito lalo't nakaupo lang siya. Kaya't habang pilit niyang inaabot ang mukha nito palapit rin siya ng palapit sa leeg nito.

"I'll do it. Pwede ka ng umalis" nahihirapan ang boses na utos nito.

"I thought no talking" nakatikwas na ang kilay na paalala niya. Mabilis na hinablot nito ang icepack mula sa kanya.

'You're invading my personal space" Alessandro muttered almost to himself.

"Ano?"

He sighed. "It was partially my fault kaya ako nagkapasa. Kaya ayos lang na umalis ka na. Don't feel like I'm your responsibility" paliwanag ng binata sa kanya.

"Now you're telling me to just abandon you and then be irresponsible. Is that it?"

"Ang sinasabi ko lang pag-isipan mong mabuti ang mga pagkakataon na aaminin mo sa sarili mo na may responsibilidad ka sa isang tao. Hindi yung lagi mo na lang iniisip na may responsibilidad ka sa kanila kahit tutuusin wala naman"

"Ano bang sinasabi mo? Ang lalim masyado hindi ko malangoy" naguguluhan ng saad ni Charlie. Ano na namang pinaglalaban ng lalaking ito?

"Ang sinasabi ko lang--Jeez! You're a handful" iritableng bulalas ni Alessandro. "Anyway, my point is hindi mo na kailangang bawiin kay Tessa ang mga pictures namin ni Claire" pagpapatuloy nito. Natigilan si Charlie sa sinabi ni Alessandro ngunit agad din naman siyang nakabawi at nagpanggap na hindi apektado sa sinabi nito. Tumikhim muna siya bago magsalita.

"At bakit? Hindi ka ba nag-aalala na ikalat iyon ni Tessa" pabalewalang tanong naman niya dito.

"Just as I told you earlier. Identify and acknowledge your responsibilities. And I clearly know mine just as I clearly know that it's not yours. Wag mo ng alalahanin si Claire. I'll handle it" halata sa boses ni Alessandro na naiirita na naman ito. Hindi nga lang niya malaman kung sa kanya ba talaga nakatutok ang iritasyon na iyon o sa ibang bagay.

"Handle it? Seryoso ka? E parang wala kang ginagawa" natatawang biro na lamang niya dito trying to lighten up the conversation but he glared at her. Natigil siya sa kakatawa.

"Alright! Sabi ko nga e" pahinuhod ng dalaga.

Muling hinablot ni Charlie ang icepack sa kamay nito at muling nag-focus sa pagdampi sa pisngi ng binata. Napahugot muna ng isang malalim na buntong hininga si Charlie bago seryosong nagsalita "Pero kung ina-acknowledge mo na responsibility mo yun, I acknowledge it to be my responsibility too. Walang basagan ng trip. I'll try to get it back. Try to get it back too. Let's share the load. And if you keep on insisting that it's not my responsibility, e di isipin mo na lang tulong ko na iyon sayo. That even once I've been nice to you. And now, that were also in this topic, kasalanan mo nga kung bakit kita inumpog kanina dahil tinakot mo ako pero hindi ka naman nagkapasa ng mag-isa ka lang diba? Dahil inumpog kita. Ngayon pareho tayong may kasalanan. At may dahilan ako para tulungan kita. Kaya wag mo akong paulit-ulit na pinapaalis. May sasabihin ka pa?" aniya pagkatapos ay diretsong tinignan sa mukha ang binata.

Alessandro's eyes widened for a fraction of seconds but Charlie was able to take notice to it. Bigla ring namula ang tainga nito. Hindi ito naka-retort sa sinabi niya.

"Now that it's settled. Just shut up and stay still alright?" Alessandro only grunted in response but his eyes suddenly became gentler for a moment. Charlie smiled but Alessandro just glared back. She rejoiced inside. Nanalo din siya sa diskusyon nila. Tahimik na pinagpatuloy ng dalaga ang pagdampi sa pasa nito habang nagpipigil na ngumiti.