1 CHAPTER 1

AN: Pasensya na dito marami pa itong mga kung anu-anong mga kamalian sa buhay at hindi pa naitatama. 😂😂

__________________________________________________

DEBBORA P.O.V

Hahanapin kita Debb... Mag-iipon ako ng maraming pera, magiging makapangyarihan ako dahil sa pera..

Ryke, hihintayin kita ah....

Bigla ako'ng napumulat at pabalikwas na bumangon. Napanaginipan ko na naman ang isang bahagi ng buhay ko noon, siyam na taon na ang nakalipas. Hindi ko pa rin nakakalimutan hanggang ngayon ang batang lalaki na nangako sa akin na hahanapin ako upang magkita kaming muli. Ang batang lalaki na sa sandaling panahon at sa batang puso ko ay may kakaiba ng naramdaman.

"Debb, gising ka na ba?" tanong ni Mom na pumasok sa kuwarto ko na hindi ko naman sinasara.

"Yes, Ma." ngiting sagot ko at inayos ko ang buhok ko na nagulo dahil sa pagkakahiga.

"Aalis na kami ng Daddy mo, kumain ka na lang bago ka umalis." paalam ni Mom sa akin.

Tumango lang ako sa kanya at lumabas na ito ng pinto, parehong busy ang mga magulang ko sa negosyo namin dahil palaki na ito ng palaki. Kaya kapag naka-graduate na rin ako sa college do'n ang tuloy ko sa business nila.

Inayos ko na ang sarili ko dahil papasok pa ako at graduating na ako ngayong taon kaya naman excited na akong maka-graduate. Nineteen na ako ngayon kaya kahit paano hindi na ako hinihigpitan, hindi tulad dati dahil nga sampung taon ako ng ma-kidnap ako at tinubos ako nila Mama sa malaking halaga.

_____

Pagkarating ko sa University nakita ko agad ang mga kaibigan ko. Masayang nagyakapan kami na parang ngayon lang nagkita.

"Hey, Debb. Birthday ni Agatha tomorrow, kaya kailangan sumama ka dahil last year na natin itong magkakasama." bungad agad sa akin ni Julie.

Ngumiti naman ako. "Oo na sasama ako, saka papayagan na ako nila Mama. At isa pa dalaga na ako noh?" nakangiting sagot ko sa kanila na lumawak naman ang pagkakangiti nila sa akin.

"Yes, finally! Debbora. Exciting to dahil doon 'daw gusto ni Agatha tayo mag-celebrate sa isang sikat na bar." masayang wika ni Shara.

"Sandali nasaan ba si Agatha?" tanong ko kasi wala siya dito.

"Agatha? Nandun sa kandungan ng iba," sabay tawa ng dalawa.

Natawa na rin ako sa sinabi nila, hindi kasi lingid sa aming kaalaman ang kalandian na ginagawa ni Agatha noon pa man.

"Halika na nga pumasok na tayo," aya ko sa kanila at magkakasabay na kaming naglakad.

Parehong may sinabi sa buhay ang aming mga magulang. Kaya naman naibibigay sa amin ang lahat ng gusto namin, pero hindi kami brat mga pilya lang. At aminado ako doon.

-----

Kinabukasan ng gabi excited kaming apat na nag-uusap sa group chat about sa party na gagawin namin, para mamaya. Todo naman ang paalala sa akin ni Mommy pero si Daddy ay ok lang dahil minsan lang naman raw ito, pero kailangan ko magpasama kahit na sa labas lang daw 'yung bantay ko. Pumayag na ako matapos lang uspan namin.

At ito na nga nandito na nga kami sa loob ng bar....

Hindi ko talaga akalain na makakasama ako sa ganitong klase ng lugar. First time ko ang makapasok ng bar dahil birthday ngayon nang kaibigan namin na si Agatha. At isa pa pinayagan ako kaya naman ang saya-saya ko dahil nakasama ko rin sila. Nakapalibot kami sa bilog na lamesa at may iba't ibang klase ng alak ang nandito at pagkain.

Maingay at malakas na tugtog ng mga sound system, nakakaduling na iba't ibang ilaw na patay sindi. Akala mo na sa langit ka na dahil sa mga usok na naglalabasan kung saan, pero hindi naman siya mabaho.

"Hey! Debb enjoy ka ba?" Malakas na salita ni Julie dahil hindi kayo magkakarinigan sa sobrang lakas ng music.

Tumango naman ako ng nakangiti, habang si Agatha na may birthday at si Shara nagsasayaw habang nakatayo. Natatawa naman kami ni Julie habang tumutungga ng alak. Sanay naman akong uminom pero mas masarap palang uminom sa ganitong klase na lugar.

Habang walang tigil ang pag-serve ng alak sa amin. Wala ring awat si Agatha at Shara sa kakasayaw, minsan nagpupunta sila sa gitna ng dance floor at doon nagwawala. Si Julie naman na katabi ko pilit ako'ng niyaya pero todo tanggi talaga ako.

Pabalik na ang dalawa halatang may tama na sila, pero masaya pa rin sila at tawa ng tawa.

"Hey, guys! Dahil araw ko ngayon. I have a challenge," malokong sambit ni Agatha na naniningkit na ang mata.

"Gosh! Agatha. I'm so excited!" tiling bigkas ni Shara.

Nagtawanan naman kami dahil sa inasal ni Shara, at katulad ni Shara nakaramdam rin ako ng excitement sa challenge na sinasabi ni Agatha.

"Ok, game." sigaw naman ni Julie at ganun na rin ako.

Nag-tous muna kami ng mga alak na hawak namin at sabay-sabay na tinungga ito. Pagkatapos 'nun may binulong si Agatha 'kay Shara na lumapad ang pakakangiti nito.

Sinundan namin kung saan pupunta si, Shara. Nilapitan niya 'yung lalaki na nakasandal sa pader malapit sa bartender na busy sa cellphone. Nagulat na lang ako ng dakmain ni Shara ang harapan nito at nagtatakbo pabalik sa amin.

"Oh, my gosh! Agatha ang laki." malokong sabi ni Shara pagkaupo niya dito.

Naiiling naman 'yung lalaki na hinahawakan ni Shara, natawa na lang kami lahat. Si Julie naman pinagsayaw sa gitna nang dance floor habang tinataas ang skirt niya hanggang sa panty niya. Gosh!

"Ok, you're turn Debb." nakangising baling ni Agatha sa akin.

Bigla naman ako'ng kinabahan nawala 'yung excitement ko kanina. Ewan ko ba pero hindi ko pinahalata, dahil ayoko namang mag-isip sila sa akin dahil ngayon lang ako sumama sa ganito. Nagpaling-linga si Agatha na para bang may hinahanap, hanggang sa matuon ang pansin nito banda sa gilid ng bar na medyo may kadiliman.

"Ok, Debb. Madali lang naman 'to tatlong minuto lang. Nakikita mo ang tatlong lalaki na 'yun? Yung nasa pinaka-gitna?" simulang salita ni Agatha.

Muli akong lumingon doon, ganun rin sila Julie at Shara. Mga nakangiti sila habang nakatingin doon sa mga lalaki. Hindi ko gaano maaninag ang mukha ng na sa gitna dahil medyo madilim at naka-sumbrero ito na itim.

"Ok, nakita ko. Ano bang gagawin ko sa loob ng tatlong minuto?" tanong ko na may halong kaba.

"Uupo ka lang sa lap niya, ganun lang. Walang kahirap-hirap." nakangising sagot ni Agatha.

Bumilis naman ang tibok ng puso ko sa isipin na kakandong ako sa lalaki na 'yun. May takot oo, baka kasi...

"Go, Debb. Mukhang gwapo naman hindi na masama," sabi pa ni Shara sa akin.

"Kaya mo 'yan, Debbora." pag-cheer sa akin ni Julie.

Pilit ang ngiti na tumayo ako, pero bago ko pa ako maglakad muli kong tinungga ang kakabukas pa lang na alak. Straight na inubos ko ito.

"Wohooo! Exciting! Hindi na kami makapaghintay, Debbora." masayang sabi ni Agatha.

Parang may mabigat na bakal ang nakadagan sa paa ko dahil parang hirap ako maglakad. Mas lalong lumakas ang kaba sa dibdib ko ng makarating na ako sa harap nang tatlong lalaki na ito. Muli naman akong lumingon kila Agatha, mga nakataas ang alak nila ibig sabihin go lang.

Kaya mo yan Debbora, tatlong minuto lang naman ang gagawin mo.

Humugot muna ako ng malalim na paghinga, mabilis na lumakad ako at dumaan ko sa gilid nitong isang lalaki. Diretso ako dito sa lalaki na nasa gitna, sabay upo patagilid sa kandungan niya.

Nagulat naman ang dalawang lalaki na kasama nito at parang pigil ang ngiti na gustong sumilay sa labi nila. Binibilang ko naman ang sigundo na mas lalong nagpapatindi ng bilis ng pagtibok ng puso ko. At isa pang nakakaba dahil hindi man lang nagsasalita ang lalaki na 'to. Hindi rin siya gumagalaw at hindi ko magawang tingnan ang mukha niya dahil sa takot ko.

Akmang tatayo na ako dahil tapos na ang tatlong minuto ng hatakin nito ang braso ko, muli ako'ng napaupo sa kandungan niya. At ganun na lang ang pamimilog ng mata ko nang sakupin nito ang labi ko, mapusok at mapagparusa ang halik na binigay niya sa akin kasabay ng pagmasahe sa isa kong dibdib.

Pilit na tinutulak ko siya pero parang wala lang sa kanya, hinawakan pa niya ang isang kamay ko upang pigilan sa pagtulak sa kanya. Para akong mauubusan ng hangin dahil sa ayaw niyang paawat sa pag-ankin sa labi ko.

⚫⚫⚫⚫⚫⚫⚫

avataravatar
Next chapter