webnovel

Train To Keio 3

I woke up as early as 6 the next morning. I don't want to waste any time and the thought of there's nothing more special in my everydays. I don't want to bother myself with such nonsense stuffs.

Burado na ang lahat kung ano man ang nangyayari nitong mga nakaraang araw.

Like the usual, I rode a train to Keio.

Like the usual, nakita ko na naman sila.

Magkatabi sila habang naghaharutan.

If my term was right, nagkuwekwentuhan lang naman sila at nakikinig at nangingiti naman ang isa. That's what I concluded as 'harutan'.

Unfortunately, kaharap ko rin sila ngayon ng upuan. Wala akong choice at oras para pumili. Inilabas ko ang notes na pinahiram pa sa akin ng kaklase kong babae para madali kong maibigay mamaya.

"Paisley, Hi!" Napaangat agad ako ng tingin nang marinig ko ang matinis na boses ni Maiara. Kumaway siya sakin at ngumiti ng pagkatamis tamis.

I saw Dior looked at me too in a swift manner. He then looked away.

"Hello Yara" I greeted back minus the wave.

She then continued blabbering words to Dior as her endless smile won't leave her face.

Inabala ko ang sarili ko sa pagbuklat pa ng notebook. I can't look back to them lalo na sa mga tingin ni Dior. I still remember how rude he is nung pinaghintay niya ako sa library.

So asan na yung sinabi mong papasahan mo ako huh?

Nauna kong lumabas ng tren nang maramdamang sumusunod sila sakin sa likod.

Okay. I'm just overthinking dahil natural na isa lang naman ang pupuntahan namin diba?

I just continued walking. Inalis ko sa isipan ko kung anong posisyon nila ngayon. Kung ano man iyon, imahinasyon ko lang ang nakakaalam.

Hinawakan ko ng mahigpit ang notes na isasauli ko pa kay Seina. Tinapos kong sulatin ang mga notes kagabi at kalahati lang niyon ang naintindihan ko. Halos manggigil ako kakasulat ng Japanese characters kagabi, mabuti nalang at naitinawid iyon ng sandamakmak na kape.

I also not sure if my answers were right.

I feel saddened about my situation. I didn't wanted to be here at the first place. Pero sa tuwing naaalala ko ang sinabi ni Dad, parang may rehas na nakatali sa kamay ko at sa aking tinatayuan.

"Paisley!" Maiara called when we reached the intersection.

Lumingon ako.

"Yes?"

"Do you mind if Dior will accompany me to the First Building?"

Halos lumuwa ang mata ko sa tanong niya. I tried to control my poise and so as Dior.

"I feel bad for letting you walk alone this time." dagdag pa niya at gumuhit ang lungkot sa kanyang mukha. Pinigilan kong hindi matawa.

"Ah-"

"But don't worry, it'll just for this day."

Hindi ko na naiwasang mapakunot ng noo.

Hinihila na siya ni Dior pero nasa akin parin ang mata ni Yara.

"It's okay. I mean, no. You don't have to be pleased. I-I can walk my own. I don't need anybody. You're...Dior's responsibility." sagot ko.

I forced a smile and nodded.

He succesfully pulled her when she contentedly smiled.

Bat ganon? Kailangan talaga sakin assurance? Ano ako? Nagaapply bang kabit niya?

Tinalikuran ko nalang ang dalawa at saka pumasok ng building.

Kung saan gusto ko ng makamove on saka naman gumagawa ng kung ano-anong eksena ang tadhana. Kahit gaano ka umiiwas, lalapitan ka parin ng disgrasya.

Disgusting.

I passed my activity right before the class started. Ngumiti naman sakin ang prof at wala na akong naging problema.

Ang problema lang ay lagi akong kinukuwentuhan ng tatlong kumag ng mga nakakatawang bagay. Kung paano sila naging champion ng karate, judo, soccer at running. May mga nasisingit pang epic fails sa laro nila na siyang nagpatawa sa akin. All they just did was to create noice.

It was our leisure time and the professor was just sitting and focusing on her papers. Dito, walang problema kung maingay ka man o tahimik ka as if you do your work well, everyone deserves to have this leisure.

Samantalang kami, may kanya kanyang ginagawa. May nagkuwekuwentuhan sa harapan at kami ring pinakamaingay sa likod.

Dior has an imperishable time with his notes and didn't even bother to laugh with us.

Paminsan minsan ko lang siyang nakikitang sumusulyap sa amin at sa tuwing mahuhuli ko, ibabalik naman ulit ang tingin sa relo.

Really? He's this snob?

Snob even to his company?

Hindi ko na rin matuloy tuloy ang ginagawa ko dahil kinukuwentuhan parin ako ng tatlo. Hindi ko rin napigilan ang tawa ko sa mga jokes nila. Nakakatawa lang kasi nagbabatuhan pa sila ng palayaw. Si Kyota(Inu),Asato (Neko) at Daiki (Nezumi), ang tatlong kumag na aso, pusa at daga.

Kyota and Asato were Tamaki cousins. Si Daiki at Dior ayon kay Inu ay magpinsan rin. Base sa ugali at alyas palang nila, ang mga aso at pusa ang pamilya parin ng mga maiingay.

"Kore wa donoyouni hatsuon shimasuka..?" (How to pronounce this one?) tanong ni Inu. Tinutukoy niya ang isang salita na nakatala sa kanilang kodigo. Mga lenggwaheng Filipino iyon.

Napatingin rin ako roon at ngumisi. Kahapon pa nila ito pinag aagawan at pinagtatawanan.

"Kaibigan" I answered.

Naiwan naman sa ere ang mata niya nang binigkas ko ang salita sa mabilis na paraan. I laughed.

"Ka-i-bi- nani?" (Kaibi- what?)

"Ka-i-bi-gan. " I repeated, this time slower.

"Kaibigan!" he eyed me when he successfully pronounced the word. "Soreha `tomodachi'datta nodeshou ka?" (Was that mean 'friend'?)

"Yeah" I simply smiled. "'Pwede ba kitang maging kaibigan' means 'Tomodachi ni naremasu ka?'" paliwanag ko habang tinuturo pa ang buong pangugusap na tinutukoy niya.

"Oh, okay" he replied.

silence...

"Jā tomodachi ni nareru ka na?" bulalas pa ni Inu na siyang nagpabaling ng mga atensyon nina Asato at Daiki, even Dior.

Nanlaki ang mata ni Daiki at halos lumuwa ang mata ni Asato. Natawa ako ng wala sa sarili.

Pabirong tinampal naman ni Daiki si Inu sa ulo. Dior don't know what to react but his mouth slightly hanged, he looked away.

What's the big deal? Inu just wanted to ask if can we be friends. No big deal.

Tinawanan ko na lang ito pagkatapos.

We arranged our things and put them in our bags after the declaration of dismissal. Hindi ko rin makausap ang tatlo dahil busy ang mga ito. Inaya kasi ako ng libreng lunch ni Inu pero hindi ko pa sigurado kung makakasama ako, hindi rin naman din ako umayaw.

We're in the hallway of the building papuntang Accounting Department pero ni isa walang nagsasalita saming buong section. I eyed them as they seriously walk upstairs. Nahuli pa ako dahil mabilis maglakad ang nasa harapan ko. Napalingon pa si Dior nang napansin akong natigilan. When I looked away, umakyat nalang din siya at hindi na umimik.

Do I really have to be amazed how traditional these students are?

Nevermind.

I was wrong about my thought lately this morning. There are still things that abruptly make our day a kind of special, and that was either named or nameless.

"Paisley-chan!" nagising ang diwa ko sa boses ni Inu.

Kasalukuyan kaming nandito sa canteen area dahil pumayag na rin ako pagkatapos ng dismissal. Kanina pa silang talak na talak habang nalulutang ang isip ko sa halos halo halong mga nangyayari.

Napainom ako sa iced tea nang napalingon ang tatlo sa'kin. They might be wondering what I'm currently thinking.

"Yes." I smiled as I sipped cooly. I wasn't expecting for them to again question me, I gestured them cooly and pretend nothing happen.

"You're spacing out." Daiki's doomy but calm eyes met mine. He has this charisma too like his counsin. Hindi ko tuloy maiwasang lumingon kay Dior sa kabilang table. Kasama niya ngayon si Yara, kakaorder lang nila at piniling sa katabing lamesa lang din kumain. This is their first lunch together ayon kay Inu. Maniniwala ba ako gayong lagi lagi kong napapansing masyadong malapit ang dalawang 'to.

"Ah...nothing, I'm just remembering the lectures lately. You know, I'm not that versatile. " sagot ko sabay ngisi.

Humalakhak ang dalawa samantalang tumango lang rin si Daiki. Daiki's the smartest next to Dior. Hindi rin siya masyadong masalita gaya ng kanyang pinsan. Ang dalawang Inu at Neko, parehas ding madaldal at self centered na magpinsan. They are loud with a charisma in a mix. Gwapo silang apat kahit hindi mo matitigan, nasa malayo ka palang mapapansin mo na sa body built palang nila. Inu or Kyota, in formal have these muscular features ganon din kay Asato unlike kay Daiki. Daiki's lean body, a bit muscular, eyes dark like that of Japanese features. One thing that I admired from him is his animé-like hair, pareho sila ni Dior. Dior's body is just so perferct and his nose's bridge, his cheekbone and his lips. Uh!

Stop! Ano ba 'tong mga iniisip ko.

Breathe, Paisley!

Pagaaral ang asikasuhin mo ambisyosa ka!

Ibinalik ko ang tingin sa pagkain ko

"You know what, don't pressure yourself just by trying hard to sink in your subs Pais." Daiki added. He calmly watched me as he moved his spoon. "Besides, take a look at them. Just loosen up yourself, enjoy your study. It's not like you can't pass this major." He smiled.

Napangiti naman at nabunutan ako ng kaunting tinik sa sinabi niya. Medyo may point siya sa sinabi niya pero hindi ko parin maiwasang mag worry.

Sumang-ayon sina Inu at Neko kahit kalahati sa sinabi ni Daiki ay hindi nila naintindihan.I nodded.

Nagpatuloy kami sa pagkain nang hindi ko maiwasang lumingon sa kabilang hindi kalayuang mesa.

There I saw Dior na masayang kinakausap ng kasama niya. Not until napansin niyang nakatingin ako sa kanya, he turned his gaze on me but quickly looked away.

My brows raised at his sudden stance. Ba't parang irap ang dating sa'kin no'n?

I looked away too pero nahuli ko ring sumulyap siya sakin pabalik. Sinamantala ko iyon para ngitian siya. Sa huli, siya rin itong napakunot ang noo at napataas ang kilay.

Poor Dior, ayaw mo sa trash norms? Eto, more trash norms to come!!

Nalinis ang halos punuang campus nang nag alas singko na ng hapon. Uwian na noong alas tres kaya mabilis naubus ang mga tao dito. They don't usually stay here for long at kung may required na maiiwan, maybe mga school's personnels lang, mga athletes at iba pang mga may pinaninindigan sa Keio. Hindi rin naman bawal magtambay ang mga normal students.

Pinili kong sa pinakamataas na bleachers para madaling mapanood ang practice nina Daiki, Inu at Neko. Hindi ko na tinatawag na Nezumi si Daiki, kasi hindi naman siya palatawa di kagaya ng dalawa. Tiyaka, baka kung ano pang sabihin niya sakin, knowing kaparehas niya ng ugali si Dior.

Naglalaro sila ngayon ng basketball at nag insist akong manood habang nagbabasa ng notes. Hindi ko rin maalis ang tingin sa kanila dahil sa husay nila. May tumitili na grupo ng mga haponesa sa malayo. Kaunti lang rin kasi kami rito at halos ng lahat ng mga tao ay may kaniya kaniyang Club at Sports centers sa mga oras na ito.

"Woah, I can clearly remember it as one of the corniest display of affections that is, annoying should I say."

Napapitlag ako nang marinig ko ang mababa ngunit malamig na boses ni Dior. Napahawak ako sa dibdib ko nang hindi ko makalma ang pintig niyon. Nag squat pa siya sa tabi ng inuupuan ko.

Gosh! Ba't ba pasulpot sulpot ka!?

"W-what do you mean?" halos mautal ako at muntik ko ng hindi naconstruct ang sinabi ko. I can't look at him the way he did. Feeling ko sasabog na ang nagpapalpitate kong pisngi.

His brows furrowed as he watch Daiki passing the ball and skilfully avoided the opponent's defense.

Bumalik ang tingin niya sakin at napakunot ang noo. Ginantihan ko rin siya ng naiilang na tingin.

He chuckled.

"Ano bang problema mo?" Hindi ko na napigilang nagtanong.

"Daiki already have a girlfriend." Malungkot niyang anunsiyo. Napailing iling parin siya at natatawa. Ibinalik niya ang tingin sa court.

Eh ano naman ngayon?

Ano naman 'yon sayo? Ako? Magseselos?

Inirapan ko na lang siya at hindi na naghintay ng salita mula sa kanya.

"I came here to watch the game hindi ang magpa-impress gaya ng iniisip mo Dior." sabi ko parin kahit na ayaw ko ng sumbatan ang isang 'to.

"Uh-huh! So you need to be near the spotlight so that he can spot you. Amazing!"

Tila naputul ang litid ko nang pagod akong suminghal. I eyed him evilly halos pumantay sa nandadagit niya ring mga mata.

"Hindi ako nagpapapansin dito Mr. Chen. As you can see, I'm studying here with my notes, see?" hindi ko nakayang hindi siya pagtaasan ng boses. The emotion that I tried to set aside suddenly burst into purest anger.

Pero tila wala lang iyon sa kanya nang inirapan lang niya ang umaapoy kong mata. He smirked at his hot atmosphere.

Wait- Did I just say he's hot?

"Ba't ka nga pala nandito?" Ganti kong tanong sa kanya.

Napatingin siya sa relo bago tumitig uli sa mga naglalaro.

"Knowing my work is really that necessary, I should want to be fair with myself too. What do you think?" He smirked at his first glance.

No-no, It's Daiki's mannerism.

Medyo hindi pa mag sink-in sa akin ang sinabi niya dahil sa mga nakakapigil hiningang pinapakita niya.

Eh ano naman ngayon sa 'kin kung concern siya sa sarili niya? As if naman may maisusuggest ako sa buhay niya? Who am I for him to ask?

I only shrugged when he didn't looked away. I eyed him from head to toe nang natantong naka Keio basketball uniform pala ito at naka rubber shoes. Hindi ko man lang napansin, knowing that Daiki's in a varsity uniform. I stared at his rubber shoes, mukhang mas bagay naman sa kanya ito keysa sa mga office shoes na lagi niyang sinusuot. I looked away when he caught me staring.

"Ewan ko po sayo" hinawakan ko ang pisngi ko sa kahihiyan. Napa "po" nalang ako ng wala sa sarili dahil sa inasal. Gosh! Dior's a smart man. Sikat siya hindi lang dahil sa humble siya kundi narin sa tungkuling ipinagkatiwala sa kanya ng malaking eskwelahang ito. I can't believe I do need to be like near him, talking with him.

Gusto ko siyang kausapin at humingi ng tawad sa mga nagawa ko. But, I feel dumbfounded when he's this near.

He then again chuckled. Itinabi niya ang bag niya saka tumayo. He was about to step down when he again looked at me. Nagtama agad ang mata namin na pilit kong iniiwasan. My eyerolls was as fast as cheetahs when I just found him examining my face.

Sa hindi ko inaasahan, he throw his bag on my lap bago siya tuloy tuloy na bumaba.

"Hoy!" Nagpanggap pa siyang walang naririnig. Sisigaw ulit sana ako pero napasulyap na sa kinaroroonan ko sina Daiki.

Natuloy din ang laro nang nakipagkamayan na si Dior sa kanila

The nerve of this guy!

Minsan napapaisip na ako kung deserve mo ba ang 'sorry' ko.

Kung nilalamon mo rin lang ang pride mo? Ikaw ang CORNY, pakshet ka!

Hmm? Tama ba term ko? Napahawak ako sa bibig sa naisip.