webnovel

U N A

Isinulat ni Jeaneigracious

Paano kung magising ka isang araw hindi ka na mahal ng taong mahal mo, anong gagawin mo?

Si Eirine o mas kilala bilang Chavez ay isa sa kilalang maganda pero tahimik sa buong school nila. Maraming naiingit sa kaniya dahil sa natural nitong ganda na hindi mahahaling tulad sa ibang babae sa buong university, simple lang ang buhay niya. Ang nanay niya ay isang housewife, samantalang ang papa naman niya ay may naitayong maliit na negosyo sa palengke nila ng probinsiya nila.

Si Arlo Sebastian Aguilar, isa sa pinaka-mayamang lalaki sa buong university nila. Matinik siya sa mga babae at wala siyang pinapalampas kahit na sino sa mga ito, ang sabi niya pa ay luluhod muna ang mga babae sa kaniya bago sila nito mahalin. Isa rin siya sa pinaka-tarantado sa school nila dahilan upang masaktan niya si Eirine, ang ex girlfriend nito. Seryoso si Eirine sa kaniya, pero kahit kailan hindi niya sineryoso ang isang babaeng katulad ni Eirine na walang ibang ginawa kundi ang mapahiya sa buong school.

Anteros Cyril Sguerra, pumapangalawa kay Arlo biglang isang sikat at mayamang studyante sa skwelahan nila. Simple lang din siya at tahimik, kahit na mayaman sila ay hindi niya iyon ginamit upang sumikat sa buong school, hinfi katulad ni Arlo. Matagal niya ng minamatyagan si Arlo na palaging pinapahiya si Eirine, gusto niyang ipagtanggol ang dalaga pero ayaw niyang madamay sa gulo ng dalawa. Ano nga bang pakealam niya kung binubully siya ni Arlo at ng ex girlfriend nito?

Paano kung magising nalang si Eirine isang araw na hindi naman pala talaga siya minahal ng lalaking una niyang minahal?

Makakalimutan nga ba ni Eirine ang lalaking minsan niyang minahal kahit na ang ibinigay nito sa kaniya ay puro pagpapahiya at pangmamalupit lang?

Matututo nga bang mag mahal pa ang pusong minsan nang nasaktan?

Hanggang kailan sila masasaktan sa mga taong gusto lang naman nilang mahalin?

Next chapter