34 "Baby Sanjun?"

Chapter 34. "Baby Sanjun?"

Ethina's POV

Pumasok ako sa building na bakas ang pagkalito at pagtataka. Napapaisip ako kung anong ibig sabihin ng sinabi ni Direk.

"Ethina, congratulations."

Muli kong naisip ang mukha ni Direk kanina tapos sinabi niya sa akin 'yan. Ano naman meron bakit niya binati ng ganun?

Pagpasok ko, nagtataka ako dahil ang lapad ng ngiti ni Manong Guard sa akin. Mukha siyang baliw na nakashabu na nakarugby. Nakakakilabot.

"Hello Maam Ethina, congratulations po." Masiglang bati niya sa akin. Nagulat ako sa sinabi niya.

"Ah? Bakit manong? Di naman ako nanalo sa lotto? Di naman ako nanalo sa beauty pageant, di nga ko sumasali eh. Anmeron?" Tanong ko sa kanya, bumungisngis naman siya Manong at tumawa.

"Kayo talaga Maam, ang hilig magbiro. Siya nga po pala, pinapasabi ni Sir Sanjun na pagdating mo raw po. Ibigay ko 'to." Ani Manong Guard at may kung anong kinuha sa ilalim ng desk niya. Paglabas niya nun nabigla ako.

Locked Chapter

Support your favorite authors and translators in webnovel.com

avataravatar
Next chapter