webnovel

To be His Mistress

Have you ever met someone you will trust with yourself? Have you ever give your whole life to someone? Have you ever offer your whole heart, body and soul, to somebody and not waiting for the same things in return? You must be crazily in love...

ecmendoza · Urban
Not enough ratings
25 Chs

Three Nights of Passion - Chapter Two

"Gusto ko po siyang makita," hiling niya. May pagsusumamo sa tono.

"Utang na loob, ineng. Huwag mo na akong pupuin. Okey?"

Hindi na ito kumatok sa pintong itinulak pabukas. She was momentarily paralyzed with shock. Nawalan ng lakas ang mga biyas niya sandali.

"G-gising po ba siya?" tanong niya, halos pabulong.

"Gising siya, ineng. Kahahatid ko lang ng mainit na tsaa sa kanya kani-kanina lang."

"Sino 'yan?" anang pagaw na tinig mula sa malayong sulok ng malaking silid-tulugan.

It should have been a big room but every crook and cranny was packed with bulky and mismatched furnitures. Kaya naging tila mapakasikip tingnan.

"Si Mila, Annie. May bisita ka, anak mo raw," ang pahiyaw na sagot ng kasama ni Liara. Bumaling ito sa kanya at ngumiti. "Iiwanan na kita, ha? Maraming ahenteng darating ngayon, e," paalam nito.

Nagpupumilit na magbangon ng sarili ang maysakit nang datnan niya. Hindi makapaniwala ang mga matang malalalim.

Napatakbo tuloy ang dalaga. "M-mommy?" she murmured in disbelief.

Lumarawan ang magkahalong pagkabigla at pagkapahiya sa humpak na mukha ng babaeng nakaratay sa makitid na higaan.

"L-Liara? Liara, ikaw nga!" bulalas nito. Tila lalong napaos ang boses. "Diyos ko! Bakit ka nagpunta dito?"

A mixture of longing and fear registered in the sunken eyes. Awang-awa si Liara sa kalunus-lunos na kalagayan ng magulang na babae. "Mommy!" she cried brokenly. "Bakit kayo nagkaganito?"

May letrato siyang nakatago sa pitaka. Ngunit naging estranghera na iyon, ngayong kaharap na niya ang bagong Anastacia Patriaca.

"P-pasensiya ka na, anak. Medyo lumala lang ang sipon ko." Pagkatapos nitong magsalita ay inihit na ng sunud-sunod na ubo.

Tarantang dumukot ng panyolito ang dalaga upang ipahiram sa ina.

Itinutop ng maysakit ang puting panyo sa bibig upang pigilan ang masasal na pag-ubo. Hinaplos ni Liara ang malamig na noo upang mabawasan ang paghihirap nito.

"Oh, anak! Bakit ka nagpunta dito? Magagalit ang iyong ama," pahayag nito nang muling makaipon ng lakas. "B-baka itakwil ka niya!" At muling sinasal ng ubo.

"Gusto ko po kayong makita, Mommy," sambit niya. Kinuha niya ang nagusot na panyo upang punasan ang mga butil ng pawis na gumigiti sa maputlang balat.

However, she was completely shocked when she saw the flecks of dark blood on the white handkerchief. Her eyes widened with fright.

"D-dugo!" bulalas niya. "M-mommy?"

Pumikit nang mariin ang ina, imbis na sagutin ang piping tanong ng mga mata niya.

Nang humulas ang pagkabigla, isinugod agad ni Liara ang ina sa ospital.

"A-anak, iuwi mo na lang ako." Sa ambulansiya pa lang, nagpo-protesta na ang maysakit. "Hindi na ako gagaling."

Hanggang sa nakahiga na ito sa isang hospital bed na nasa loob ng isang private room.

"Gagaling pa po kayo, Mommy," she contradicted the older woman tenderly. "Narinig n'yo naman ang duktor, di po ba? Sapat na pahinga at nutrisyon lamang ang kailangang isabay sa mga gamot na ibibigay niya sa inyo--at siguradong gagaling na kayo."

Kinuha niya ang pinakamahusay na espesyalista, pati ang pinaka-kumpletong kuwarto para sa pasyenteng ina.

"Imposibleng matupad ang sinasabi ng duktor na 'yon, iha. Wala naman akong perang pantustos sa mga hatol niya." The thin fingers moved agitatedly on the spotless blanket. "Mas mabuting ibalik mo na ako sa bahay, anak."

"Hayaan n'yo na lang ako, Mommy. May pera naman po ako. Wala kayong dapat na ipag-alala sa gagastusin."

Nangilid ang luha ng ina ni Liara. "Magagalit ang iyong ama, anak." The reminder had no conviction anymore.

"Magulang ko kayo, Mommy," bawi niya. "At asawa niya kayo. Obligasyon niyang intindihin kayo, di po ba?"

Lumamlam ang mga matang hapis. "Hindi na ako itinuturing na asawa ni Pablo, m-magmula nung--umalis ako sa poder niya."

Halatang pinagtatakpan pa rin nito ang dating asawa. Sa unang pagkakataon, nakaramdam ng matinding hinanakit sa ama ang dalaga. This woman did not deserve to be treated like an animal!

"M-magpahinga na po kayo, Mommy," payo niya nang matiyak na kalmado na uli siya. "Kailangang gumaling kayo agad para hindi kayo magtagal nang husto dito."

Pilit na ngiti lang ang naitugon ng pasyente sa kanya. Pamaya-maya pa, natutulog na ito. Umepekto na pala ang gamot na itinurok dito kanina.

Matiyaga siyang nagbantay sa ina. Binili niya ang lahat ng mga gamot na nasa reseta. Palagi ring puno ng mga prutas ang maliit na refrigerator. Walang anuman sa kanya ang paggastos ng pera. Isinanla niyang lahat ang mga alahas na dala nang maubos na ang ibinaon niyang pera.

Matapos ang dalawang linggo, nagpunta siya sa bangko upang mag-withdraw sa ATM account. Gayon na lang ang pagkabigla niya nang matuklasang naka-close na ang savings account niya. Agad siyang nag-complain sa bank manager.

"Ikaw ba talaga ang may-ari ng account na `yan, iha?" paniniguro pa ng may edad na lalaki. Hinubad pa nito ang suot na makapal na salamin para aninagin siyang mabuti.

"A-ako nga po. May mga I.D.'s po ako." Dinukot niya mula sa bag ang wallet niyang puno ng mga identification cards.

Inisa-isang tingnan ng manedyer ang mga kard. "Buweno, itatawag namin sa head office ang problemang ito. Maupo ka muna doon sa waiting area habang naghihintay, iha."

Matiyagang naghintay ang dalaga. Umabot ng isa't kalahating oras bago nagkaroon ng kasagutan ang mga tanong niya.

"A, Miss Patriaca? Gusto kayong makausap ng mismong Daddy mo." Blangko ang ekspresyon ng manedyer nang lapitan siya.

"S-si Daddy?" tanong niya. Nakaramdam agad siya ng panlulumo.

Tumango ang kaharap niya. "Please, follow me."

Pinilit niyang tumalima kahit na nanlalambot ang mga tuhod.

"Hello?"

"Liara!" ang pabulalas na tugon ni Senyor Pablo sa kabilang linya. "Umuwi ka na, iha. Nas'an ka?"

Bumuntonghininga siya bago tumugon. "Daddy, bakit naman po pati ang savings account pinakialaman n'yo na?" Nakabahid ang paghihinampo sa tono niya.

"Gusto kong bumalik ka na agad dito, Liara," wika ng ama. "Umuwi ka na, bago maubos ang dala mo. Huwag mo nang pahirapan ang sarili mo, anak."

"Daddy, ibalik n'yo na po ang perang naipon ko," pakiusap niya. "Kailangang-kailangan ko po ng pera."

"Bumalik ka na muna dito."

"Hindi po puwede, Daddy."

"At bakit hindi puwede?" Nasa papataas na tono na ang umiinit na sumpong ng matandang senyor.

"N-nasa ospital po ngayon si Mommy," pagtatapat niya. "Dalawang linggo na po. Kung mahihinto ang pagpapagamot niya ngayon, baka hindi na po siya makabawi."

Ilang minutong mabigat na katahimikan ang naging tugon sa tinuran niya. Nagdarasal siyang sana ay maantig ang kalooban ni Senyor Pablo Patriaca.

Ngunit hindi dininig ang dasal niya.

"Umuwi ka na dito, Liara. Hindi kita pinalaki para maging dukha." Iyon ang malumanay ngunit malamig na sagot sa kanya.

Hindi agad makapagsalita si Liara dahil sa matinding sama ng loob.

"D-daddy--"

"Nag-usap na kami ng Papa ni Juanito. Naitakda na namin ang petsa ng magiging kasal ninyo."

"Daddy, hindi ba kayo naaawa kay Mommy?"

Ilang sandaling katahimikan na naman ang naghari.

"Hindi, Liara. Kaya umuwi ka na dito bago pa kita ipahanap at ipadampot sa mga pulis!" ang mariing pahayag ng kanyang ama.

Pinal na ang matigas na tono ni Senyor Pablo. Pati ang pabagsak na pagpuputol nito sa kuneksiyon ng mga linya nila. Walang nagawa si Liara kundi ang mapatulala sa pagkatigagal habang nangingilid ang luha sa mga mata.

"Are you alright, Miss Patriaca?" tanong ng manedyer.

Pinilit niyang tumango. At tumindig. "Uhm, t-thank you very much, sir. I wasted your time..." paalam niya rito.

"Oh, Dad, you're so merciless!" ang tanging nasambit niya. Napapaiyak siya habang naglalakad pabalik sa ospital. "Saan ako kukuha ng pera?" tanong niya sa sarili. "Kung kailan malapit nang gumaling si Mommy!"

She moved on like an automaton. Her legs and arms were heavy like lead. Her mind like a churning eye of a storm. Sa ngayon, wala pa siyang utang sa ospital. Katatapos lang niyang magbayad kahapon. Mabuti na lang pala, nakapag-advanced siya ng isang linggo.

May panahon pa siya para maghanap ng solusyon, ngunit sandali lang. Napakabilis lumipas ng isang linggo. At ayon sa duktor, mga tatlong linggo pa dapat manatili ang pasyente. Pagkatapos, mga anim na buwan na magpapagaling sa bahay...

Sumilip lang siya sa silid ng pasyente. Magtatakipsilim na nang makarating siya sa ospital kaya natutulog na ito. Her mother was heavily-sedated at night kaya puwede siyang umuwi para makakuha ng pamalit-damit. At makapagpahinga na rin.

"O, kumusta na si Annie?" was the usual greeting of the best friend of her mother. Kahit na palaging makapal ang kolorete ni Mila Roxas, may busilak na kalooban naman ito.

Sa loob ng napakahabang panahon, nanatiling kaibigang matalik ni Anastacia ang babaeng may-ari ng gigiray-giray na beerhouse.

"Mabuti na siya," tugon niya. Nagawa niyang ikubli ang pananamlay na nadarama.

"Halika, kumain ka na."

"Ako na ang maghahain," prisinta niya nang akmang paghahainan siya nito. "May trabaho pa kayo."

"Kuu, wala 'yon. Medyo matumal nga ngayon. Madalang ang kustomer."

Sumilip si Liara sa munting bintanang nasa pagitan ng kusina at wine bar, para tingnan ang loob ng klab.

"Kakaunti yata ang mga babaeng pumapasok," puna niya.

Umismid ang matrona. "Oo nga! Nagsilipatan sa kabilang kalye. Mga bagong tayo kasi ang mga naytklab d'on, tse!"

Nagsindi ito ng sigarilyo. Halatang naiimbiyerna. "Mga walang utang na loob!" dugtong pa nito, paasik. Kaya pabugang lumabas ang kambal na usok sa mga butas ng ilong. "Matapos kong pautangin ng pambili ng meyk-ap at costumes--bigla na lang akong iiwanan! Mga letse talaga!"