webnovel

To be His Mistress

Have you ever met someone you will trust with yourself? Have you ever give your whole life to someone? Have you ever offer your whole heart, body and soul, to somebody and not waiting for the same things in return? You must be crazily in love...

ecmendoza · Urban
Not enough ratings
25 Chs

Destined to be Lovers - Chapter Five

"Don't look at me like that, Luna," he groaned in a low voice. He stood up to aviod her expressive gaze. "Magpapaalam na ako. I don't want to overstay my welcome." Humarap uli ito sa kanya upang simulan ang pagliligpit.

"A-ako na ang magliligpit," she said in a shaky voice. "Salamat sa mga grocery. I just hope, palagi kang dito kakain dahil hindi ko kayang ubusin ang mga pinamili mo." Tinangka niyang magbiro ngunit parang gusto niyang mapaiyak.

Isinuot ni Mikhail ang maong jacket na isinampay sa sandalan ng dining chair. Itim na T-shirt naman ang suot nitong pang-ilalim. Hakab pa rin sa mga hita nito ang Levi's na hindi gaanong kupas.

He looked like a regular worker in his rugged clothes and casual shoes. Kung tutoo ngang mapanganib ang taong ito, bakit wala siyang makitang baril o patalim man lang na nakasukbit sa katawan nito?

"I'll try my best. Basta't kapag hindi ako dumarating, palagi mong tandaan na nasa isip kita." Matapos sabihin ang mga seryosong salita, tumalikod na si Mikhail upang lumabas ng bahay at ng gate.

Sumunod lang si Luna nang marinig na niya ang ugong ng papalayong sasakyan. Ikinandado niya ang tarangkahan at lulugu-lugong pumasok uli sa bahay.

Itinambak niya ang mga hugasin sa lababo at nagsimulang maghugas kahit na mabigat na mabigat ang kanyang pakiramdam.

Hatinggabi na naman nang makatulog siya. Balisa na naman kaya parang ang hirap bumangon nang sumunod na umaga.

Late na naman siya sa trabaho.

"Uuy, mukhang napuyat ang ating Juliet dahil nakipagkita kay Romeo, ha?" panunukso ni Olga habang papasok siya sa tindahan.

Nagba-blush si Luna ngunit pinilit lang niyang ngumiti.

"Bakit naman si Romeo and Juliet pa ang pinagparisan mo sa ating loveteam?" pakli naman ni Perlita. Nasa malapit ito at nagpupunas ng mga paninda kaya narinig ang sinabi ni Olga. "Hindi ba't minalas ang love affair na iyon? Parehong namatay ang dalawang magsing-irog? Dapat ay positive naman, Ate Olga."

"E, paano, itinatago pa raw sa atin. Para namang mayroon pang magbabawal kay Ate Luna, e, nasa edad na naman."

"Tigilan n'yo na nga ako," awat ni Luna. "Para isinakay lang ako sa kotse at inihatid pauwi, kung anu-ano na ang naiisip ninyo diyan."

Naghagikgikan lang sina Olga at Perlita. "Si Ate Luna talaga. Parang kahapon lang ipinanganak."

Kunwa'y hindi na niya narinig ang mga sinabi ng dalawa. Tuluy-tuloy lang siya sa employees' room upang makapag-punch ng card sa bundy clock.

Naging abala na naman ang maghapong iyon, ngunit hindi na napalis sa loob ng utak niya ang tungkol kay Mikhail, sa kanilang dalawa ni Mikhail.

Nanikit sa isipan niya ang sinabi ni Perlita. Tragic ang love story nina Romeo and Juliet. Maging ganoon din kaya ang kuwento nila ni Mikhail?

The peculiar relationship of Mikhail and Luna continued uncertainly. They might be friends but his attitude to her was almost loverlike minus the caresses, of course.

"Have dinner with me, Luna. Sa labas naman," aya ng lalaki sa kanya nang minsang tumawag ito sa trabaho niya.

"Uhm, oo, sige," ang alanganing tugon niya. Paano'y napapahiya naman siya sa mga ngiti nina Olga at Perlita. Ang dalawa ang naging masugid na tagasubaybay ng istorya nila ni Mikhail.

"I'll pick you up at seven thirty. Okey na ba 'yon?"

"Oo, okey na 'yon," sagot niya habang tumatango. Pinandilatan niya ang dalawang usisera. Parang gusto na kasing makipakinig sa usapan nila sa telepono.

"See you tonight, Luna. Bye," paalam ng lalaki sa kabilang linya.

"Uuy, may date sila," pambubuska ni Olga. "Tila wala nang pag-asa ang pinsan ko, a?"

"Ikaw talaga, ang hilig mong manukso," aniya habang kunwa'y pagigil na kukurutin sa tagiliran ang katrabaho. "Magkaibigan lang kami ni Mikhail," dagdag pa niya.

"Magka-ibigan 'kamo," salo nito habang tumatawa nang malakas.

"Hoy, Olga, tantanan mo na nga si Ate Luna," pang-aawat naman ng kararating na si Myrna. "Panay ang puna mo, baka mausog pa. Matuluyan pang maiwan ng biyahe ang kaisa-isang dalaga natin dito."

"Ay, paano naman kami nina Gina at Jonalyn? Mga dalaga pa rin naman kami, a?" sabad naman ni Perlita.

"Heh! Mga bata pa kayo. Ang tawag sa inyo ay mga 'dalaginding' pa," bawi ni Myrna, nakatawa na.

"Kayo, ha? Palagi na lang ako ang nakikita ninyo," kunwa'y nagtatampo naman si Luna. "Ayaw n'yong maniwala na magkaibigan lang kami ni Mikhail," dagdag pa niya upang makumbinsi na ang mga kahrap.

"O, siya, siya, kaibigan na. Ipakilala mo naman kami, para maging kaibigan na rin namin siya," wika ni Olga, nakangisi.

"Parang hindi ko naman gusto ang ngiti mo, Olga," reklamo ni Myrna. "Parang gusto mo lang kaliskisan si Mikhail, a?"

"Ikaw rin naman, gayun din naman ang gusto mong gawin, di ba?" pambibisto ni Perlita, nakangisngis naman.

"Naku, iiwan ko na nga kayo diyan. Baka masira lang ang ulo ko sa kaiisip sa mga sinasabi ninyo. Trabaho na uli, mga girls. Baka biglang dumating si Mrs. Felicitas, hala kayo."

Hagikgikan ang mga iniwan niya. Nagpahabol pa nga. "Mabuti na lang, tapos na ang mga overtime natin, ano?"

Hanggang sa sakayan nang mag-uwian na, tampulan pa rin siya ng tuksuhan at biruan. Pangiti-ngiti lang ang dalaga.

Kahit na hindi naniniwala ang mga ito na platonic ang relasyon nila ni Mikhail, lihim siyang nasisiyahan dahil may sikreto siyang pantasya para sa kanilang dalawa ng lalaki.

Punctuality ang isa sa mga katangian ni Mikhail na nagustuhan niya nang husto. Seven thirty ng gabi, bumubusina na ang lalaki sa labas ng gate niya.

She was wearing her one-and-only evening gown, cut in classic design and made of black raw silk, kaya humahakab sa kanyang mga hubog sa tuwing gagalaw siya. She must admit to herself, she felt sexy tonight. Excitement danced on her flushed skin as she went out into the balmy night to meet Mikhail.

"Hi, beautiful," bati ng lalaki, pa-kaswal while his eyes caressed her made-up face and feminine figure. "I'm glad you're on time. You really are a rare specie."

Ngumiti ang dalaga. Sumigla pa lalo ang pakiramdam niya dahil pinuri siya ng lalaki. She took great pains in putting on an expert-looking make-up. Her primping lasted an hour and a half, and it's nice to be appreciated. "Salamat. You're a sweet flatterer, Mikhail."

Without the white gauze binding his head, Mikhail's curly hair looked glossy and healthy while tied back to his nape. He looked dangerous and sensual, at the same time.

"What about me? Do I look alright for you?" ang papilyong tanong nito nang mapuna ang pagtitig niya sa kabuuan nito.

"Sorry for staring," she muttered shyly. "Ngayon lang kasi kita nakitang naka-pormal. Bagay din pala sa iyo."

"Thank you, my lady," tugon ni Mikhail, bahagyang yumuyukod. "Shall we go? Nakasara na ba ang bahay mo?"

Tumango si Luna. Muling napawi ang discomfort. "Oo."

Sa isang marangyang pagtitipon sa isang magarbong mansiyon nagtuloy ang sasakyan nila. Kakaba-kaba siya. Hindi ganito ang lugar na inaasahan niyang pupuntahan nila.

"B-bakit dito?" pang-uusig niya. Umaandar na naman ang likas na pagkakimi niya. "A-akala ko..."

"Pasensiya ka na, Luna. Hindi ko agad sinabi. Gusto kang makilala ng Mama ko," pahayag ni Mikhail sa kanya. His expression was enigmatically blank.

"M-mama?" ulit niya, dumb founded with shock.

"Hindi ko lang nababanggit sa iyo na may pamilya pa ako. Sorry."

Nagsisikip ang dibdib ni Luna ngunit hindi niya mapaglabanan ang sumisibol na eagerness to know more about Mikhail's personal background.

"I-I'm shocked," pag-amin niya. Wala na siyang maisip na ibang sasabihin.

"C'mon, let's get on with it. Para hindi na magtagal pa ang paghihirap mo." Umibis ang lalaki at lumibot sa hood ng kotse upang alalayan siya sa paglabas. Hinawakan siya nito sa isang siko hanggang sa loob ng malaking bahay.

Her knees were shaking with nervousness. Nag-aalala siya sa kanyang hitsura. Baka natutunaw na ang manipis na mascara niya sa mga pilikmata. O di kaya'y na-smudged na ang kanyang lipstick.

"You look lovely, Luna," bulong ni Mikhail sa kanya. "Stop fidgeting. My mother will like you."

His assurance helped a little bit. Her fear was alleviated. Inilibot niya ang kanyang namimilog na mga mata sa paligid. Everything was elegantly in place. An expensive-looking antique mirror caught her wandering gaze. Nakita niya ang kanyang repleksiyon at nasiguro niyang neat pa siyang tingnan.

Her shiny chignon was still in place. Her dress didn't look five years old. Her gold necklace with a solitaire pendant, diamond earrings and black shoes were still new, having bought them a year ago.

Nanumbalik ang kanyang self-confidence. She's almost calm as they crossed the pool area, dotted with people. Suave-suited men and chic-dressed women watched their slow progress.

Mikhail nodded to friends and acquaintances here and there but he did not stop. "Smile, Luna. They're admiring you," he whispered to her ear, as though sharing a private joke with her.

She pasted a smile on her lips. "Okay na?" she consulted him seriously.

He grinned at her, more relaxed. "Believe me, Luna. My family will like you," he promised gravely.

"S-sana nga," she whispered back.

Palapit na sila sa isang sulok nang mamataan niya ang isang mesa na nakakubli sa likod ng isang mayabong na munting puno. Nakadulog ang isang matandang babae at tatlong lalaki sa palibot niyon, nagsasalo sa isang bandehadong puno ng cold cuts at may tig-i-tig-isang baso ng inumin na may iba-ibang kulay.