1 00: Once I was a stormy Rain

it was saturday in the morning, I was walking in our garden. Filled with flowers , so many beautiful roses with thorns. I was wondering what it feels to touch those thorns without gloves on. Green bushes that touch the edges of my feet. It tickles, so I laugh. This garden is my paradise. This speaks to me everytime I went here.

'Relax' said my mind.

I sat down even though we have plenty of chairs in the middle with our small table that looks like a chair too. But it was very expensive because of the quality used to make that table.

"Lorry." said Jason na nasa likuran ko.

"What?"

"Si Christopher nasa labas ng gate. hinihintay ka." I can sense na naiinis ito.

"Okay."

Tumayo na ako para pagbuksan ko si Christopher. Rinig ko ang kalampag ng pinto sa pagpasok ni Jason.

Napailing nalang ako.

Christopher is my EX. He is my past. My former savior from everything. Hinabol ko siya ng ilang beses. pero we still end up breaking up na para bang walang wala na sa kanya lahat. Na grabe lang niyang sabihin na talagang wala na siyang nararamdaman sa akin. Pero look at him now? hinahabol ako? tapos isusumbat niya sa akin. Asshole.

Binuksan ko ang pinto sa gilid ng gate namin.

Nandoon siya nakaupo sa gilid. May dalang tatlong pirasong roses at dalawang malaking hershey na chocolate. May dala pa itong parang grocery.

"What do you want?"

Tumayo ito at hinarap ako.

I wanted to curse him to death.

Kita sa itsura nito ang eyebags na halatang galing ito sa puyatan. may mga galos ito sa gilid ng kanyang braso. may black-eye siya sa kaliwang mata niya. putok ang gilid ng labi niya sa ibaba.

Ano nanaman ba ang ginawa niya? nakipag away nanaman ba?

"I want you back..."

Garalgal ang boses niya. Lumuhod sa tapat ko.

Bumibilis ang tibok ng puso ko. Hindi ako sanay na makita siyang ganyan na miserable.

Pinipilit ko siyang itayo pero talagang matigas ang ulo niya kaya naman lumuhod na din ako para pantay kami.

"You want me back? sana sinabi mo yan nung mga panahong habol ako sayo ng habol. Pero anong ginawa mo? lagi mong sinasabi na to give you time. kasi hanggang friends na lang ang kaya mo para sa atin?"

Tumayo ako at hinayaan ko siyang humagulgol.

"Ano ako? isang damit nalang na huhubarin mo pag nagsawa ka? at isusuot mo ulit pag gusto mo na ulit? ASSHOLE!"

Nanggigil ako sa galit na nararandaman ko sa kanya. Gusto ko siyang sampalin , tadyakan, at sabunutan. Pero I can't kasi nga mahal na mahal ko siya.

"I'm so so sorry... please forgive me."

"Sana yang sorry mo kaya pa akong buuin. kasi di ako tulad ng pinggan na kapag nabasag , isang sorry lang mabubuo na? tangna. kahit maging pinggan pa ako. kahit anong ayos mo sakin. kung nasira mo na at nabasag mo na malabo ng mabuo pa ng sorry mo."

Rinig ko lang ang mga hagulgol niya. nagpasiya akong umalis sa harapan niya. pinagsaraduhan ko siya at pumasok na sa loob ng bahay.

"Sana nung sira mo ako... binuo mo ako. Pero patuloy mo akong sinisira.. at sirang sira na nga ako." bulong ko sa sarili.

Napaupo nalang ako at napaiyak nalang ng tuluyan.

avataravatar
Next chapter