1 Prologue

Through Quarrels

written by girlinblackpink

Hiding love through quarrels

This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.

Do not distribute, publish, transmit, modify, display or create derivative works from or exploit the contents of this story in any way.

------------------------------------------------------------------

PROLOGUE

"Anak, pagbuksan mo naman yung kumakatok," rinig kong utos saakin ni Mama, na nagwawalis sa kusina.

Tinigil ko muna ang pagkukulay kay Barbie at tumayo para sundin ang inutos ng aking ina.

"Welcome daw sainyo sabi ni Mommy," ang sabi ng batang lalaki na sa tingin ko ay kasing-edad ko lang o di kaya naman ay mas matanda sa'kin ng isa hanggang dalawang taon.

"Nasaan ang Mommy mo? Bakit ikaw ang may dala nyan, hindi siya? Atsaka, bakit hindi ka nakangiti?"

Ngumiti naman siya pero pilit. Pilit na pilit.

"Pilit naman yan eh."

"Kunin mo na nga lang!"

Nagsalubong ang kilay ko sa pagiging masungit niya. Ang bata bata pa lang highblood na agad! Ganun pa man, tinanggap ko ang cassava cake na dala niya.

"Batang daga! Bleh!"

"Mama!" iyak ko habang nakatayo pa rin at may bitbit na tray.

Narinig ko ang pagkaluskos ng pagmamadali ni Mama. Huli na nung malapitan niya ako. Nakatakas na ang batang mapang-api.

"Bakit, baby?"

Humupa ang pag-ngawa ko nang tawagin ako ni Mama sa paraan na pinakagusto ko─ ang "baby". Lalo na nung niyakap niya ako kasabay ng paghaplos sa buhok ko.

"Kanino galing yan?" Kinuha niya sa'kin ang dala ko.

"Doon po sa bata. Mama, tinawag niya kong batang daga," naiiyak na sumbong ko. Natuluyan ito nung tinawanan ako ni Mama.

"Ikaw ang pinaka-cute na daga," pangbawi niya. Pinisil niya ang magkabilang pisngi ko.

Nung hapon, maagang umuwi galing sa trabaho ang Papa ko. Sabay nila ni Mama kinain ang cassava cake na galing sa batang mapang-api. Panay ang alok sa'kin ni Papa na tikman ko iyon dahil masarap daw at tiyak na magugustuhan ko pero panay ang tanggi ko.

"Ayaw niyan kasi sinabihan daw siyang daga nung batang nag-abot nyan," tumatawang sabi ni Mama.

Sumimangot ako. Lalo silang natawa.

Sinabihan nila ako na makipaglaro sa labas. Mag-iisang linggo na kami dito sa bago naming bahay pero wala pa rin akong nakikilalang kalaro. Pumayag nalang ako kaysa naman hayaan silang pagtawanan ako ng pagtawanan. Tinawag na ngang "batang daga" ang anak nila, tinatawanan pa nila. Tss.

Nung nasa labas na ko ng gate, nilibot ko ng tingin ang buong lugar. Malalaki ang mga bahay sa lugar na ito di tulad sa lugar na dati naming tinitirahan. At ang bahay na katapat ng amin ang pinakamalaki. Gate palang walang wala na ang saamin maging ang ibang mga bahay. Kahit malawak ang distansya ng bawat bahay, sigurado akong ang bahay na iyan ang nangingibabaw. Naisip ko na, sobrang yaman siguro ng nakatira dyan.

"Pst! Hoy, bata!" Tinawag ako ng batang nakaupo sa isang bench sa gilid ng gate ng malaking bahay na kini-kwento ko sa inyo.

Humigpit ang hawak ko sa manika ko at sinamaan siya ng tingin. Padabog kong inaalis ang Minnie Mouse hair band at tinapon iyon sa kung saan. Alam ko naman kasing tinawag niya akong daga dahil sa accesory kong iyon.

Tumalikod ako para pumasok na sana ulit sa bahay namin nang tawagin niya ulit ako.

"Bata!"

Hindi ako lumingon.

"Bata, sorry!"

Hindi pa rin ako lumingon.

"Sorry na talaga." Ang sinseridad sa kanyang boses ang nagtulak sa'kin na lingunin siya.

Nakatayo na siya. Nakangiti. Ang isang kamay niya ay may hawak na remote control ng toy car. Ang isa naman ay may hawak na pink na bulalaking box.

"Sa'yo nalang. Peace offering." Ni-reach out niya ang kamay niyang may hawak na maliit na kahon. Na-i-imagine kong cute na bracelet ang nasa loob nun.

Nakatingin lang ako sa bagay na iyon habang nilalapitan ko siya. Nung medyo malapit na ko sa kanya, nag-angat ako ng tingin sa kanya. Nakangiti pa rin siya.

Ngumiti ako at tinanggap ang bagay na binibigay niya.

"Sana magustuhan mo," nakangiting sabi niya. Tumalikod siya sa'kin. Matapos ang limang segundo, saka lang siya naglakad pabalik sa bench na inupuan niya kanina.

"Ano 'to?" tanong ko sa kanya.

"Buksan mo."

Sinunod ko siya. Binuksan ko ang maganda at makulay na kahon.

"AAAAAHHHH!" sigaw ko nang may tumalong palaka na nanggaling sa loob ng kahon. Tumalsik ang palakang iyon sa damit ko kaya naman para akong skeletal na sumasayaw. Ngayon alam ko na kung bakit medyo matagal siyang nakatayo patalikod sa'kin bago siya bumalik sa bench. Marahil ay pinipigilan niya ang tawa dahil sa nakikita na niya ang mangyayari once na buksan ko ang "peace offering" niya. UGH.

Kung anong tili at sigaw ko, ayun naman ang tawa ng bata.

"You must have seen your face!" Nahihirapan na siyang magsalita dahil sa wagas na pagtawa.

Namumula ang mukha ko. Unang una, sa pandidiri sa palaka. Hindi ako tumili kanina nang salubungin ako ng kokak dahil natatakot ako. Kundi, nandidiri. Pangalawa, pulang-pula ang mukha ko dahil sa inis!

"MAMA! PAPA!" Nanlalabo man ang paningin ko dahil sa luha, hindi ko ito ininda. Tumakbo ako pabalik ng bahay.

Kaso, ang Bully King ng istoryang ito ay hindi pa nakuntento. Pinaandar niya ang toy car niya gamit ang remote control na kanina pa niya hawak sa dinaraanan ko. Napatid ako doon. Nadapa. Nagkasugat ang tuhod. Napahagulgol ng iyak.

Galit ko siyang nilingon. Nakahawak na siya sa tiyan niya at halos hindi na maidilat ang mga mata dahil sa kakatawa. Naluluha luha na nga siya eh. MASAYA SIYA NA MAY NA-BULLY SIYA HUH?

Akala naman nitong ZACHARIAH SEVILLANO na ito magpapatalo ako sa kanya? NO WAY! Kahit bata pa ko ng mga oras na iyon, hindi ko hinayaan ang sarili kong apihin lang ng lalaking iyon.

Kaya ang ginawa ko, kinuha ko ang mamahalin at pinakamamahal niyang toy car.

"Bakulaw, tumingin ka!"

Tumigil siya sa kakatawa at hinarap ako.

"Tinawag mo kong ano?"

Sa halip na sagutin siya, binagsak ko ng malakas sa lupa mamahalin at pinakamamahal niyang laruan. Kitang-kita ko kung paano manlaki ang mga mata niya sa ginawa ko. Nalaglag ang panga niya sa sumunod kong ginawa: inapak-apakan ko ang mamahalin at pinakamamahal niyang laruan hanggang sa dumami ito at ng dumami at ng dumami pa.

"YOU DESTROYED MY PRECIOUS CAR!"

"SINUGATAN MO KO!"

Ayan ang pinakaunang pagkakataon na nagbulyawan kami. Grade three palang kami pareho niyan. At eto pa, sa school kung saan ako nag-transfer, doon din siya nag-aaral. Ang saya lang diba? Magkaharap na nga ang bahay namin, CLASSMATE pa kami!

Hanggang sa nakatungtong kami ng Highschool, magka-klase pa rin kami. Binu-bully niya ako, gagantihan ko naman siya. Araw-araw, gabi-gabi, bulyawan at awayan. Hindi ko makakalimutan at tandang-tanda ko kung paano nagsimula ito. Yun nga lang, wala akong ideya kung saan ito patutungo.

----------------------

Follow me on IG ----> @genibabesmith

avataravatar