11 Trust Again

Chapter 11: Trust Again 

Haley's Point of View 

"I'm run, yeah, oh yeah

I'm run, yeah like my mind

It's funny how I got just exactly what I want

I'll try to have fun some other time—"

Sa kalagitnaan ng pakikinig ko sa tugtog ay may nagtanggal ng earphones ko dahilan para lingunin ko ang taong gumawa 'non. "Ano ba?!" irita kong bulyaw kasabay ang pag-upo niya sa aking tabi.

Ngumiti s'ya at tinapik tapik ang balikat ko, "Tara, kain tayo sa canteen" asar kong hinatak pabalik ang earphone ko kay Reed. Oo! Si Reed nanaman-- Whoops, muntik ng maputol wire ng earphone ko. 

"A-Yo-Ko" at sinalpak ko ulit iyon sa tainga ko tapos lumingon sa kaliwa ko kung nasaan ang bintana. Nandito ako ngayon sa classroom at break time na, hindi pa ako bumababa dahil tinatamad akong umalis sa aking pwesto. Ang ganda na kasi ng upo ko 'tapos medyo ang ganda rin no'ng ulap. Hindi ganoon kainit, sakto lang. 

Nilaksan ko ang volume ng tugtog ko para hindi ko marinig 'yung mga sinasabi ni Reed. Napaka pushy nilang magka-kaibigan, nakakainis.

Iginala gala ko ang tingin sa field nang mapatingin ako sa lalaking Malanding Feelingerong si Jasper kasabay ang paghina ko ng volume. Nasa initan s'ya at nag wa-warm up nang mapatingin ito sa gawi ko. Kumaway s'ya ngunit iniiwas ko lamang tingin na tila para bang wala akong nakikita.

"Manlibre ka mamaya, Jasper!" tiningala ko ang tingin sa babaeng sisiw na malaki ang boobs na ngayon ay kinakawayan si Jasper. Ah, sila pala 'yung nag-kakawayan. Ako lang itong nag a-assume. 

Nakatingin lang ako kay Keiley noong bigla akong magsalita, pero mahina lang. "Bakit parang kamukha niya 'yon?" tanong sa sarili. Hindi isang artista ang tinutukoy ko, hindi ko maipaliwanag basta meron s'yang pagkakahawig sa taong iyon lalo na ang kulay ng kanilang mga mata. Asul...

Ibinaling bigla ni Keiley ang tingin sa akin dahilan para mawala ang pagkaka-kalumbaba ko dahil sa gulat. Mabilis akong lumingon sa bintana kasabay noong pag max ko ng volume. Bahala na kung mabingi ako.

Kei's Point of View 

Noong lumingon ako kay Haley ay bigla na lamang s'yang humarap sa bintana dahilan para mapabuntong-hininga ako. Geez...

"She won't hear you" sabi ng nakakalumbabang si Reed na nasa tabi ngayon ni Haley. Nakasimangot siya pero wala naman akong nakikitang inis sa kanya.

Tiningnan ko ulit si Haley na ngayon ay nakapikit. Naririnig ko 'yong music na pinapatugtog niya. Seriously, is she making herself deaf? Hindi 'yan maganda.

Tinanggal ni Haley ang pagkakasuksok ng earphones sa kanyang tainga tapos tiningnan ako na ikinatuwa ko naman. Pero siguradong susungitan niya ulit ako.

"What is it?" She asked. Umupo ako sa upuan na kaharap niya at nginitian s'ya.

"Can I borrow your cat?" I asked her. Reed suddenly looked at me with the his worried face.

Sasagot sana noong bigyan ko s'ya ng kakaibang tingin dahilan para mapahinto s'ya at magheads down na lang.

"Chummy isn't a thing, moron" I want to cry, she called me moron. "Just tell me what you want" pagsusungit pa n'ya. Sabi ko nga seryoso na s'ya.

Tumikhim ako at inilapit ang mukha ko sa kanya, siya naman itong napaangat ang ulo. "What I want is to be your friend, will you allow me?" hindi ito umimik pero para s'yang nawe-weird-uhan sa akin. Welp, I don't mind being weird. 

"Keiley! Pinapatawag ka sa office, kailangan ka" napaka wrong timing naman niyan!

Nilingon ko ang estudyanteng iyon, "Wahh! Bakit ngayon pa?" Nanghihinayang kong tanong at tumayo. Maglalakad na sana ako nang ibalik ko ang tingin kay Haley na nakatitig lamang sa akin.  "Talk to you later" ngiti kong sabi kay Haley at tinapik si Reed noong madaanan ko siya, at sa paglabas ko ay nahuli ko 'yung tatlo na nagtatago rito sa may labas.

Hindi ko talaga sila madalas pansinin pero dahil sa ginawa nila kay Haley noong nakaraan. I don't think palalagpasin ko 'yon. 

"Hi" bati ni Shane ga'non din ang dalawa. Huminto ako sa tapat nila.

This time, sinuot ko ang maskara ko, "Hello, sino kailangan n'yo?" malumanay kong tanong habang matamis na nakangiti sa kanila.

Kumamot si Kath sa kanyang sintido, "A-ah, may tinitingnan lang talaga kami" sagot nito. S'ya ang pinaka ayaw ko sa kanilang tatlo.

Tumango ako, "Lumapit kayo sa kanya para naman mas makita n'yo pa siya, hindi 'yung nagtatago kayo riyan, mukha kasi kayong may gagawing masama, eh." bigla naman silang napasimangot dahil sa aking sinabi. Pero nagdagdag pa ako. "Just kidding" ngiti ko pang wika at naglakad na papuntang office. Na ayun naman ang pag-alis ko sa aking maskara. Walang gana akong nakatingin sa harapan.

Magpa-plastikan tayo ngayon.

Haley's Point of View: 

Nag ring na ang bell kaya 'agad na akong tumayo at kinuha ang bag paalis ng classroom.  And it's good that my teacher doesn't seem to notice that I already went out. Whoo! I'm free!

Tiningnan ko 'yong phone ko para tingnan kung anong oras na, "20 minutes na lang bago matapos 'yong promo!" tukoy ko sa promo ng Ice Cream na paborito ko. Nilagay ko na sa bulsa ko ang phone ko at mabilis na tumakbo paalis ng building. Kailangan kong umabot!

Kinuha ko ang papel na naglalaman ng promo about sa Ice Cream na nakita ko noong isang araw.

Ngayon lang kasi magkakaroon ng ganitong klaseng Ice Cream sa lugar na ito, and knowing na mas mahal talaga ito kumpara sa iba pang Ice Cream, kailangan ko na talagang magmadali!

"Ah! Hello, classmate ni Ree--" nilagpasan ko 'yong estudyanteng hindi ko kilala. "Wahh! Hindi n'ya ako pinansin!" nilingon ko siya sandali at iling na napatingin sa harap.

***

"THANK YOU, ma'am! Please come again!" Lumabas na ako ng Ice Cream Shop habang hawak hawak ang tiyan ko.

"Whoo... Ang sarap" sabi ko at nilingon 'yong shop, "Kaso bitin" Lychee Flavor Ice Cream and Super Giant Size ang binili ko pero hindi pa rin ako mabusog busog. Sa bahay na lang siguro ulit ako kakain.

Naglakad na ako, pero sa paglalakad ko ay hinarangan ako noong tatlo. Sina Shane nanaman ang mga ito...

Bakit ba ako palaging nahaharangan ng mga taong madalas akong guluhin? Okay lang sana kung isa lang kaso anim silang lahat. Ay, teka? Tama ba? Anim?

"Oh, nagkita nanaman tayo, Haley." ngiting bungad nina Aiz and Kath. Naka crossed arms lang si Shane at nakabusangot na nakatingin sa akin. Nagkita? Are you saying coincidence lang 'to? 

Don't joke with me. 

"Ano?" mapait na natawa si Shane, "Napipe ka na ba diyan? Ah, naiintindihan naman kita."  tatango na sabi ni Shane at gumuhit ng malapad na ngisi sa labi. Kumuha ako ng maraming hangin pero inilabas din naman iyon kaagad.

"What do you want?" mainahon kong tanong. 

Humakbang ng isa si Shane, "I saw you in the Party"  panimula niya. Malamang sa Smith ang tinutukoy n'ya dahil ayun pa lang naman 'yong party na napupuntahan ko na possible sa tinutukoy nitong si Shane. "Anong ginagawa mo roon? Bakit kasama mo si Harvey?" curious pa na tanong nito. 

Wala akong sinagot at umiwas lang ng tingin. 

"Hoy" tawag ni Shane kasabay ng pagtulak sa akin sa kanang balikat, "Kinakausap kita, ah?" Pinalibutan nila akong tatlo na may panghuhusgang tingin. This, again. "Ano? Bakit ka tahimik diyan? Hindi ka ba magsasalita? O sadyang..." tinignan niya ako mula ulo hanggang paa pabalik sa ulo.  "Tama lang 'yong hinala namin sa 'yo?" ngisi pa nitong teorya. 

Inilipat ko ang tingin sa kanya kasabay ang pagkunot-noo, "Now, what are you talking about?" seryoso kong tanong.

Binigyan nila ako nang mapang-asar na ngiti, "That you are seducing Harvey and the others..." 

you know what hurts me? I used to be their friend. But now, they're saying mean things that I didn't expect before. What did I do to make them do this? 

Kinuyom ko ang kamao ko, nanggagalaiti na rin ang mga ngipin ko dahil sa galit. "Be sure to taste your words before you spit them out" seryoso ko pa ring sabi, "You don't know anything about my life, Shane"

Umismid siya, "Ay, talaga? So, hindi ko rin alam 'yung nangyari sa kapatid mo? Kung bakit siya nawal—" kinuha ko ang kwelyo niya at matalim siyang tiningnan. Suminghap ang dalawa at lalapitan sana ako noong patunugin ko ang kamay ko. Huminto sila at walang ibang nagawa kundi ang manood sa amin.

Nanggigigil ako sa galit. Gusto ko siyang patayin dito. Gusto ko siyang sakalin.

"Huwag na h'wag mong babanggitin 'yan sa akin, hindi mo alam kung ano'ng pwede kong gawin sa 'yo" lumunok siya ng laway, pero agad din akong natulak.

Bakas sa mukha niya ang tensiyon pero nagawa pa rin niyang ngumisi ngisi, "W-wow? At nagawa mo pa talagang magbanta?" Pilit s'yang natawa, "Bakit naman ako matatakot sa 'yo? Dahil isa ka rin sa mga list ko na pwede kong maging katulong anytime, just so you wait... Rouge" tumawa pa silang tatlo nang makaaalis sa harapan ko, binunggo pa nga nila ako.

Pumikit ako nang mariin para mapakalma ang sarili. Wala akong ibang magawa kundi ang hindi gumanti, na hayaan lang sila kahit na malapit ng mapuno ng galit ang dibdib ko.

Those memories came back to haunt me again. Again and again and again.

I really want to erase these memories of mine, I want to kill myself because of the guilt that holds me for a very long time, I can't take it anymore... I want someone to save me, to take me away from this darkness.

Reed's Point of View 

Palihim kong tinitingnan si Haley na kinakausap 'yong tatlo. Ang totoo kasi niyan, sinundan ko siya papunta sa Ice Cream Shop dahil kakausapin ko nga sana pero hindi ko naman inaasahan na may iba pa akong matatanto rito.

Nag-uusap sila pero mayamaya pa'y nagulat na lang ako noong kwelyuhan ni Haley si Shane habang galit na galit itong nakatingin sa mga mata ni Shane, pero tinulak lang din siya nito pagkatapos. Wala talagang magawa itong tatlong ito, pagkatapos bully-hin iyong estudyante sa class 2-C , si Haley naman 'yong ginugulo nila ngayon.

Pupuntahan ko na sana sila nang umalis na ang tatlo kasabay ang pagbunggo nila kay Haley. Ni wala man lang siyang ginawa pagkatapos no'n?! Nasaan na 'yong mataray na si Haley Miles Rouge? Tsk, naman oh!

Inis kong kinamot ang ulo ko at naglakad kung saan papunta 'yong tatlo. "Nakita niyo ba 'yong itsura niya pagkasabi mo 'non?" tanong ng babaeng nagngangalang si Kath. Kilala ko sila kaya alam ko ang mga pangalan nila. 

"Hah! Ako pa! Dapat lang na katakutan niya ako 'no?" humalukipkip pa si Shane no'n, "Pero ang lakas ng loob niyang pagsalitaan ako 'non kanina, humanda talaga siya sa akin" sabay lingon pa n'ya kay Haley at natawa noong tingnan n'ya ang mga kasama niya.

"Support ako d'yan, girl" nagdikit ang kilay ko at mabilis na pumunta sa harap nila. Nagulat sila dahil sa biglaan kong pagsulpot. 

"R-Reed" tawag ni Shane sa pangalan ko na may halong pagkagulat, pero iniipit din niya ang buhok sa tainga niya at nagpa-cute pa sa akin, "Nandiyan ka pala? Anong... Kailangan mo?" Hindi ako sumagot at tiningnan lang siya. Nakita ko ang pagsiko ni Aiz kay Shane kaya tumingala siyang tiningnan ako.

Nagpamulsa ako at seryoso silang tiningnan isa-isa. Now, I understand. The reason why she didn't want to have friends, the reason why she keeps on ignoring and avoiding us is because she don't want to get hurt again-- That Haley. 

I smiled at them, "Ang galing ni Haley 'no?" panimula ko at ngumuso, "Nagagawa n'yo siyang ganyanin. Ano ba'ng mayro'n sa kanya na wala kayo?" tanong ko dahilan para mag-iba ang itsura nila. "Ah, oo nga. Naiintindihan ko na, marami kasi siyang kayang gawin, eh. Siguro kung ako ang na sa posisyon n'yo, maiinggit din ako." tatango-tango kong sambit 'tapos tiningnan si Haley na nagmartsa na paalis. "Pero hinding hindi ko gagawing manakit ng ibang tao para lang ipakitang mas magaling ako." ngiti kong sabi at ibinalik ang tingin sa tatlo na ngayon ay nakayuko. Tinapik-tapik ko ang balikat ni Shane 'tapos umalis. 

I have to do something for her, 

...Para ibalik 'yong tiwala na nawala. 

Haley's Point of View

Nakabalik na ako sa classroom at ngayon ay inaayos ko na ang gamit ko para makakain noong may tumawag sa akin, "Hey" nilingon ko ang kaklase kong 'yon. S'ya 'yong nakikita ko minsan sa Track team kasama si Jasper. Kaya pala ang tangkad n'ya?

"Naiwan mo pala kanina sa banyo" sabay abot sa akin ng panyo, kinuha ko naman 'yon at tinanguan siya. Hindi siya ngumiti at umalis na lang para bumalik sa kanilang pwesto katabi ang mga kaibigan n'ya.

Pansin ko lang... Bakit hindi s'ya ngumingiti kapag kasama niya 'yong kaibigan n'ya?

"Ang bait ni Mirriam 'no?" naiiling-iling na sabi ni Keiley na ikinagulat ko. Maliban kasi sa bigla s'yang nagsalita ay binulungan pa niya ako. Saka sa'n 'to galing? Parang kabute. 

Tinakpan ko ang tainga ko, "Hindi mo naman kailangang lumapit sa tainga ko, 'di ba?" umayos na ako ng upo, nginitian niya ako at hinawakan nanaman ang kamay ko. Nandoon lang kasi siya sa harapang upuan. 

"Let's go, kain tayo sa baba" anyaya niya pero tumanggi lang ako.

"I see, then see you later" pagpapaalam niya at tumayo. Kumaway siya habang papalayo sa akin kasama si Reed. Hindi ako umimik at inilabas lang ang pagkain na baon baon ko.

Medyo nakakapanibago, akala ko kukulitin pa niya ako pero hindi na niya ginawa.

Bumuntong-hininga ako at kinuha na lang ang baon ko, "Punta muna ako sa rooftop." 

***

KUMAIN AKO NG sandwich na ginawa ko kaninang umaga habang kinakausap ang sarili ko, "Pagkauwi ko, ano nanaman kaya ang gagawin ko? Manood? Oh, baka mag experiment na lang ako ng lulutuin? Kaso na sa bahay pala ako ng Smith baka makita ko lang 'yong impakto-- Pero hindi naman yata 'yon pumupunta sa kusina." sabay kagat sa sandwich ko. 

"Hoy" napatayo ako dahil sa narinig kong boses.

"Impakto!" Gulat na tawag ko kay Harvey.

"Sino sinasabihan mong impakto diyan, huh?" Bumaba siya mula sa taas saka ako nilapitan.

"Anong gagawin mo?" Hindi siya nagsalita at nilapitan lang ako hanggang sa huminto siya sa mismong harapan ko.

"What?" tanong ko na sinimangutan lang niya.

"Weak." tumaas ang kaliwa kong kilay. Wala bang magawa ito sa buhay n'ya at kung anu-ano na ang sinasabi?

"What the hell is your problem--" sumabat na s'ya at hindi na pinatapos ang sasabihin ko.

"Whoever is trying to bring you down is already below you" Saan naman nanggaling 'yong sinabi niya?

"Sometimes, it's better to remain silent and not to fight back because if you do, then you're the same as they are, wait for the person to save you from the darkness, until you reach his hand and get out of the world you are having right now, the pain and anger that hides in your heart" humawak ako sa dibdib ko. Bigla akong natamaan sa sinabi niya. "And learn to trust people again" higpit kong hinawakan ang damit ko, "Not all people is what you think they were... 'Cause we are different."

Hindi ako kumibo at nakayuko lamang. Tumalikod na s'ya at kumamot sa likod ng kanyang ulo.

"Kei really wants you to be her friend, you know? You, her real friend." lumakas ang hangin matapos niyang sabihin 'yon, kaya iniipit ko ang buhok sa aking tainga at tumingin sa kung saan.

"I'll try." ani ko. Naramdaman ko ang kaunting pag ngiti niya bago siya umalis ng rooftop at pumasok. 

avataravatar
Next chapter