webnovel

THIS NERD IS MY DREAM GIRL (Completed Novel)

SI NERD - isang unpopular, weird, chaka pero matalino. Yun nga lang, madalas siyang binubully ng mga kapwa niya estudyante dahil sa pagiging nerd niya. But still, she's lucky for having her friends that always saves her day. SI HEARTTHROB - sikat, guwapo, mayaman, habulin ng mga babae, star player pero hindi masyadong matalino. In short, nasa kanya na ang lahat. But still, he's waiting for a girl he loves for many years. Ngunit paano na lang kung malaman nilang pareho ang sikreto ng bawat isa? Is there a complication between them? O mabubuo kayang pagtitinginan?

JhaeAnn_16 · Teen
Not enough ratings
81 Chs

CHAPTER SIXTY SEVEN

(Kensington High School, after a week)

(Kath Rence's POV)

SINADYA KONG magpunta sa IV-2 Classroom para personal na obserbahan ang babaing obsessed kay Yusof. Kasama ko sina Riri, Yogo, Femme, Yarra at Carly.

"Sure ka talaga sa mga sinabi mo sa akin kagabi?" tanong ko sa kanya habang pasimple kaming nakaupo sa harap at hinihintay si Beatrice Anderson.

"Yes. Sure na sure ako. Alam mo namang may pagka-psycho ako minsan kaya naman very readable ang laman ng utak ng bitch na yun." kampanteng sabi ni Carly.

"At nasisiguro namin na balak niyang sirain ang YuMi love team! At hindi kami papayag dun!" sabad ni Yarra.

"Eh anong gagawin natin?" tanong ni Yogo.

"Oo nga...what's our plan?" at napaisip si Riri. Nag-isip din ako ng maaari naming gawin.

Until...

* TING! *

* light bulb appears * (sa isip ko lang, hehe...)

"May naisip na ako." at binulungan ko si Riri. "Kailangang may magpanggap bilang nerd sa atin."

"Ha? Nerd?" at napabulong si Riri sa akin. "As in nerd?"

"Yes. Katulad ng ginagawa ko noon. Pero ang naiisip ko ngayon, isa sa atin ang magpapanggap bilang nerd para hindi tayo makilala ni Bea." ang mahinang bulong ko sa.kanya.

"Eh sino ang magpapanggap bilang nerd?" tanong ni Carly.

Nagkatinginan kami nina Riri at Yogo and we said...

"KAMI. KAMING TATLO ANG MAGPAPANGGAP BILANG CAMPUS NERDS."

Napa-HA sa sobrang pagkagulat sina Yarra, Carly at Femme.

"What a bright idea!" at napapalakpak si Femme.

"After ninyong mag-disguise, anong susunod?" curious na tanong ni Yarra.

"Gagamitin nyo ang pagiging queen bee nyong tatlo. Kunwaring aapi-apihin nyo kami sa harapan ni Bea para makuha natin ang atensyon niya at kunwaring ipagtatanggol niya kami." I said.

"At kapag nakuha natin ang atensyon ni Bea, anong susunod nyong gagawin?" tanong ni Riri.

"Kakaibiganin natin siya at aalamin natin ang dahilan ng pag-transfer niya dito maging ang balak niyang gawin kina Yusof at Mikki. At i-re-record natin ang mga yun gamit ito." at inilabas ko ang DSLR ko at camcorder. Napapalakpak sina Riri habang napangiti naman ako.

May balak ka palang gawing masama sa mga kaibigan namin ha...Bea Anderson...

Well, tignan natin kung hanggang saan ka dadalhin ng tibay mo.

* evil grin lvl 50 *

(Cafeteria, Lunch break)

(Kath Rence's POV)

NASA cafeteria kami ngayon nina Yogo at Riri. Nakasuot na kami ng costume na pang-nerd at kunwaring tahimik kaming kumakain. Hinihintay na lang namin ang pagdating ni Bea Anderson nang masimulan na ang napakaganda naming palabas.

* evil grin lvl 100 *

"Iba pala ang pakiramdam kapag nerd. Hindi ka kaagad mapapansin." sabi ni Riri habang sinusuklay niya ang buhaghag na wig na pinasuot ko sa kanya.

"Oo nga. Tapos naninibago ako sa klase ng eyeglass na suot ko. Masyadong malaki at nakakailang gamitin." ani Yogo.

"Well, ganyan din ang impression ko. Pero pasasaan ba't masasanay din kayo. Tsaka isang beses lang kayong magsusuot ng ganyan." sabi ko sa kanila.

"Okay." at nag-AJA pose pa ang mag-dyowang ito. Natawa na lang ako sabay sipsip ko sa iniinom kong juice.

Until...

"Andyan na si Bea Anderson." bulong sa akin ni Riri.

"Saan?" at luminga-linga ako sa paligid.

"Ayun, sa counter." sabay turo ni Yogo sa counter. Napatingin ako sa counter at nakita ko ang isang babaing maganda, mahaba ang buhok at medyo chinita.

"Is that she?" I asked.

"Yes." bulong sa akin ni Riri.

I nodded.

And then suddenly...

"What the hell are you doing here, ugly nerds?!" pagtataray sa amin ni Carly.

Great timing, Carly.

Let's start the show.

* evil grin *

Umakto kami na tila natatakot at kinakabahan sa gagawin nina Carly.

"Pwesto namin 'to, kaya umalis kayo!" pagtataboy sa amin ni Yarra.

"A-aalis naman kami eh..." ang kunwaring nangangatog na sabi ni Yogo.

"Then what are you waiting for?! Christmas? New Year? Get out of here!" at itutulak na sana ako ni Femme pasubsob nang makita kong lumapit sa amin si Bea.

"Girls, will you please stop that!" awat sa kanila ni Bea. Napatingin kami sa kanya habang nanigas sa takot sina Carly.

"L-lets go, girls." at umalis na sina Carly.

Ayos! Success ang plano!

"Are you okay, guys?" tanong ni Bea sa amin.

Tss. Plastic.

"Y-yes, okay lang kami. S-salamat ah." sabi ni Riri.

"You're welcome. Anyways, I'm Bea. Kayo? Anong pangalan nyo?" tanong niya.

"I'm Katrina. At sila nga pala sina Yuli at Ria." sabay turo ko kina Yogo at Riri.

"Hello." ang bati ng dalawa sa kanya.

"Anyways, magkakasabay ba kayong kumain?" she asked.

"Oo. Bakit?" tanong ko.

"Pwede bang maki-join sa inyo?"

"Sure! Halika, maupo ka." at pinaupo namin si Bea sa upuang katabi ni Riri.

"Mag-isa ka lang bang kumakain dito?" tanong namin sa kanya.

"Minsan." she said with a slight frown in her face.

"Bakit? Wala ka bang friends dito sa school tulad namin?" tanong ni Yogo.

"Meron. Pero isa siyang traydor." at napansin namin ang pagkuyom ng mga palad niya.

"Sino siya?" tanong ni Riri, with her matching observing eyes to Bea.

"Si Mikki Ann Pineda. Isa siyang traydor." mariing sabi ni Bea.

Sinasabi ko na nga ba eh.

Totoo nga ang mga sinabi ni Riri sa akin.

"Papaano naman naging traydor si Princess Mikki, eh mabait naman siya?" ang kunwaring gulat na tanong ni Yogo.

"Dahil inagaw niya sa akin ang mahal ko."

Nagkatinginan kaming tatlo sa sobrang pagkagulat, pero hindi namin iyon pinahalata sa kanya.

"E-eh...s-sino naman yung mahal mo na inagaw ni Princess Mikki?" tanong ko.

"Si Yusof Khan."

WHAT?!

TAMA NGA ANG OBSERVATION NI RIRI!

"Eh ano ngayon ang plano mo para mabawi si Prince Yusof?" this time ay super curious na kami sa sasabihin ng bruhang 'to.

"Malapit na ang foundation week dito sa school, kaya ipapahiya ko si Mikki sa harap ng maraming tao. Sisiraan ko siya para mawala ang tiwala at pagmamahal sa kanya ni Yusof. At kapag nangyari iyon, mapapasaakin na ang mahal ko." and she smiled evilly.

THE HELL THAT BITCH SAID!!!!

* feeling angry lvl 100 *

"S-sige...g-gawin mo lang ang gusto mo...b-basta ba ma-mapapasaya ka nyan." sabi ni Riri.

"Talaga!" and she clapped her hands. "Thank you guys! Oh, I gotta go, kasi may gagawin pa ako eh. Bye!" at umalis na si Bea sa cafeteria. Nagpalipas muna kami ng limang minuto bago namin papuntahin sina Femme sa pwesto namin.

"Omigosh! So, totoo nga!" Femme exclaimed.

"Yes. At may balak pa siyang ipahiya si Mikki sa lahat! That bitch!" galit na sabi ni Carly.

"Anong gagawin natin? Hahayaan na lang ba natin ang bitch na yun na ipahiya ang kaibigan natin? We must do something before it happen!" sabi ni Yarra.

"Leave it to me, guys. Ako na ang bahala dun." ang kampanteng sabi ni Riri.

"Eh ano namang scheme ang gagawin mo?" they asked.

"Gamit itong dalawang ito, magtatagumpay ang plano nating turuan ng leksyon ang bitch na yun." sabay hawak ni Riri sa DSLR at camcorder na ginamit namin sa pag-record kanina.

"Gosh! You're so bright, Ri!" - Carly.

"Ako pa!" pagmamalaki naman ni Riri.

Kung anuman ang binabalak ng bitch na yun laban kay Mikki, pwes, humanda-handa siya, dahil siya ang unang ipapahiya namin. Malas lang niya dahil maling-mali siya ng pinagkatiwalaang sabihan ng sikreto niya.

It's now Bea against the whole academe.

* evil grin lvl 50 *

(IV-2 Classroom)

(Bea's POV)

"BIRTHDAY ko sa Sabado at pupunta kami sa Sagamore Resort sa Batangas. Sinong gustong sumama?" sabi ni Xydel, isa sa mga classmates ko at president ng ROTC Department ng school na ito.

"Ako!" - Floreanne.

"Ako din!" - Carly.

"Siyempre, kami din ni Yogo noh! Di ba, Yoe?" sabay akbay ni Riri sa boyfriend niya.

"Oo naman noh. Basta sasama ka ha?" sabi ni Yogo.

"Waah, siyempre naman! I love you hubibi ko!"

"I love you too, wifey ko." at niyakap ni Yogo si Riri.

Haist! Nakakainggit naman ang mag-dyowang 'to. Buti pa sila, may forever, samantalang ako, wala. Sinulot ng walangya.

"Siyempre naman, kasama kayong dalawa, Prince Yogo and Princess Riri. Same as the whole Campus Heartthrobs and Sweethearts." sabi ni Xydel. "Pakisabi na lang kina Princess Kath na kasama sila ah."

"Oo naman. Papayag yung mga yun." sabi ni Riri sabay tingin niya sa akin. "Ikaw, Bea, hindi ka ba sasama sa Saturday?"

"Sasama ba sina Yusof at Mikki?" tanong ko sa kanila.

"Oo naman Bea. Sasama kami ni Yusof." ang nakangiting sabi ni Mikki.

"O-okay. That's nice to hear." and I gave her a fake smile, pano kasi, nakakainis na ang mang-aagaw na babaing 'to.

"Pero hindi ka marunong lumangoy. Sure ka bang sasama ka?" ang tila worried na tanong ni Yusof sa kanya.

"Oo naman. Nakakahiya naman kay Xydel kasi kinumbida niya tayo tapos hindi ako sasama."

WHAT THE HECK?!

An ugly frog like her doesn't know how to swim?

Oh c'mon! She gotta be kidding me!

* evil laugh *

Until...

* TING! * (light bulb appears)

Well, well, well, I have an evil plan for you, Mikki. Just watch and see.

* evil grin *

"Wow! Kasama ang Campus Heartthrobs and Sweethearts!" - Ciarra.

"This will be a happy outing!" - Xiao.

"Ansaya! Yusof and Mikki is joining us!" at napapalakpak si Yarra.

Grr! Nananadya ba 'tong babaing 'to?!

Duh!

Correction, me and Yusof!

Hmmp!

Hah, di bale na nga. Basta't sisiguruhin akong magtatagumpay ako sa pinaplano ko. Haha.

Hello, Sagamore Beach, c'mon and let's kill the bitch.

My Saturday will be much great.

* evil grin lvl 100 *

(IV-1 Classroom)

(Kath Rence's POV)

VACANT TIME.

Busy ako sa pag-che-check sa formula work ng hubby ko sa Math nang biglang tumunog ang cellphone ko.

"Wifey, may nag-text sayo. Si Xydel." sabi ni Sachi sabay abot niya sa cellphone ko.

"Thanks, hubby. I think, may importante siyang sasabihin sa akin." sabay tingin ko sa inbox. Tinignan ko ang text message sa akin ni Xydel.

- Princess Kath Rence, we convinced Bea Anderson to join in my party on Saturday. Magbibigay na lang ako ng further updates bukas. -

Napangiti ako sabay balik ko ng cellphone ko sa bulsa ng palda ko. Nagtataka namang napatingin sa akin si Sachi.

"Wifey, what's that with you're smile? Is there something funny?" tanong niya sa akin.

"Nope. But there's something...thrill." at ngumiti ako ng makahulugan sa kanya.

"Kinakabahan ako sa klase ng ngiti mong yan." and he laughed. "Mukhang may binabalak ka na naman."

"Yes. May ililigpit kaming bitch sa Saturday. Wanna join, hubby?" I said.

"Okay. Kung anuman yang trip nyo nina Riri, sasali na rin ako." and he smiled at me. I gave him my the most killer smile that his totally weakness.

Kasabay ng text na yun ay sumilay ang mala-demonyong ngiti sa mga labi ko.

Gusto pala ni Bea ng maruming laro huh...

Well, we gave what her want.

At sinisiguro naming siya ang babagsak sa planong siya mismo ang may pakana...