webnovel

This Girl?

Nob_Ody_Laude · Realistic
Not enough ratings
3 Chs

Chapter 1

Morena ang kutis, mala rosas yung bibig, ngiting nakaka-akit, matang ani moy puno ng mysterio. Sino ka ba? Bakit palagi kitang napaginipan.

"Ryan!" Sigaw ng aking ina habang nag hahanda sa mga gamit sa sasakyan.

"Ma, dapat ba talaga na lilipat tayo?" Tanong sa aking ina habang tumitingin sa aming bahay.

Lumakad ang aking ina patungo sa akin at akoy hinugkan sa gilid sabay sabi.

"Nak pasensya kana, matanda na kasi lola mo kaya andoon tayo na umalalay sa kanya." Pagkatapos ay hinawi niya buhok ko.

"Pero ma~"

"Shhh" sabay sa pag tigil sa aking bibig gamit daliri niya.

"Nak, alam kung mamimiss mo mga kaibigan mo rito but lets look on the bright side marami kang bagong makilala, o kaya makahanap ka na ng girlfriend don na tumatagal." Sabay sarcastikong tawa sa huling sinabi niya.

Pagtapos ng pagtawa niya ay hinalikan niya ako sa noo at sabay sabi "Tara na baka mahuli tayo sa flight."

Kami na nga ay lilipat na ng bahay mamimiss ko lahat ng kaibigan ko rito. Pero mahal ko lola ko at kailangan niya kami ngayon kaya good bye ma friends.

"Ryan, alam mo ba na sa karami-raming tao sa mundo may isa na para sayo?" Sabi niya habang humihiga sa damohan na tumitingin sa bituin katabi ko.

"Siguro, bakit mo na tanong?" Sagot ko sa kanya.

Dahan-dahan niyang hinawakan ang aking kamay at sabi "Kasi ako, nakita ko na ang para sa-akin."

Tumingin ako sa kanya na ngumingiti at tinanong kung sino. Pero siya ay bumangon at sa hindi ko malaman na dahilan ay biglang lumipad palayo ng palayo.

"Sino?! Saan ka patungo?" Sigaw ko sa kanya, pero tumingin lang siya sa akin habang lumilipad at ngumiti at biglang lumiwanag ang aking paningin.

"Ryan, andito na tayo?" Bangon ng mama ko sakin.

Dali-dali akong bumangon at lumabas sa sasakyan tapos stretching na tumitingin sa paligid. Dito na talaga ako titira? Wait! Yung babae napanaginipan ko nananaman.

Sino ka ba talaga?