webnovel

You Need To Go Home

Patakbong inakap ni Kate si Mel kahit na isang dipa lang ang layo nila. Tapos ay inakap ito at pinaghahalikan ang buong mukha ni Mel. Walangsawa nya itong pinanggigilan.

"Hey Guard, what are they doing?"

"You don't know? They are tsuping each other!"

"Tsuping? What's that?"

"It's like kissing but only mwah mwah, tsup tsup not lips to lips!"

Prince: "????"

"You want me to demonstrate to you?"

Hinawakan ng Guard ang ulo ng Prinsipe saka nito binigyan ng tsup tsup sa iba't ibang parte ng mukha.

"Now you get it, Mr. Prince?

Ang kulet mo kasi mahirap mag explain kaya demo na lang!"

"Yeah!"

Sagot ng Prinsipe.

"How does it feel?"

"Gross!

But why are they enjoying it? It seems that they like it!"

"Of course they like it not only they like it they also love it! Ganun talaga pag naglalabing labing ang magasawa!"

"I don't understand!"

Nilapitan ng Prinsipe ang dalawa at bigla nya itong inakap at pinaghahalikan.

Napatigil ang dalawa sa ginagawa ni lang loving loving. Binigyan ni Kate ng isang suntok sa mukha ang Prinsipe at di nya inaasahan na bibigyan din ito ng sampal ni Mel.

Sabay na dumapo ang sampal at suntok sa mukha ng Prinsipe tapos ay inilayo ni Mel si Kate at prinotektahan.

"AW! Why did you both hit me?"

"What is your problem Mr. Prinsipe? This is my WifeyLabs, no touch!"

"Hey guys, don't get mad, I just want to feel it. The WARM thing you've been telling me! I want to experience it!"

Paliwanag ng Prinsipe kay Kate.

"Why don't you get a wife and do it to her?"

Galit na sabi ni Kate Pikon na sya.

"I do have a wife! In fact, I have many wives!"

"So why are you touching my wife? Go to your wives and touch them!"

Inis na rin ang tono ni Mel.

"Yes, you need to go home!"

At tumalikod na si Kate at isinama paalis si Mel.

"But I don't want to go home! It's boring in there!"

Sabi ng Prinsipe habang papalayo ang sasakyan nila.

"You have plenty of wives and still your bored? Grabe ka naman!"

"Well it's true, I'm not happy but after I saw how happy they are .... I want that happiness too!"

'Ay kawawa naman itong prinsipe ng ito!'

"You know Mr. Prince, sabi ng Lola ko, you can not buy happiness! If you want to be happy dapat daw you know how to give happiness! Huwag selfish! Kaya if I were you you should come back to your country na so we can be happy na!"

"Well if they want me to go they are coming with me and also you!"

"Anong coming with you na pinagsasabi mo? No I don't want to go! And why do you want to bring them with you?"

"To marry them!"

'Halah, buwang na ata itong taong ito!'

"You can not marry Boss Kate she is already married to Chief Mel!"

"No you don't understand! I want to marry both of them so that I can have their happiness!"

"Ay buwang ka na nga! If I were you Mr. Prince, stay away to both of them your making them angry na specially Boss. If you are making makulet again Boss will kick your sipitsipitan if you don't stay away very far away to them, maliwanag?"

Prince Tobias: "?????"

"Don't look at me like that Mr. Prince, wala na akong baon ingles."

"Whatever! I am the Crown Prince, what I want is what you should follow!"

Aroganteng sabi nito.

"Ay, kaya pala! No wonder many people wants to kill you because of your attitude! so arogant!

Dyan ka na nga! Basta huwag kang lalagpas dito sa gate!"

*****

"Lolo Miggy, hindi ko na po kaya ang Prinsipe na yan! Kapag hindi pa po yan umalis ng Sinag Island kami na po ni Mel ang aalis! Sasama po kami sa pag uwi ni Grampy at hindi na po kami babalik!"

"Bakit, ano na naman ang ginawa ng prinsipe na yan?"

"Kinukulit nya po kaming dalawa ni Mel na sumama sa kanya! Aalis lang daw po sya ng isla kapag pumayag kaming sumama sa kanya at makasal sa kanya!"

"Ano? Nabubuwang na ba yan? At ano naman ang pumasok sa isip ng Prinsipeng yan at gusto ka nyang pakasalan?"

"Hindi lang po ako Lolo Miggs, kami pong dalawa ni HubbyLabs ko! Gusto raw nyang mapasakanya ang happiness namin!

Lolo Miggy, seryoso po ako, naiinis na po ako sa bwisit na arogante at mayabang na palakang yun na akala mo kung sino mag demand porket Prinsipe sya!"

"Pasensya na Kate, may mga mata pa rin sa isla kaya nahihirapan akong paalisin yan. Gising kasi, kung tulog yan nailabas ko na yan agad!"

"Yun lang po pala problema nyo eh di patulugin natin! Bibigyan ko po sya ng suntok para makatulog!"

"Loko ka talaga, Kate! Sige gagawan ko ng paraan para mailabas agad. May nakarating sa akin na balita na may planong magtungo ng Pilipinas ang isang kamaganak nyang Prinsipe. Isa yun sa nakalinyang pumalit sa posisyon nyan bilang Crown Prince kaya kailangan na talagang mailabas yan ng bansa!"

Wala silang kamalay malay na ang tinutukoy ni Don Miguel na kamaganak ni Prince Tobias ay kasalukuyang nasa airport na.

Pero hindi lang sya ang narito. Kasalukuyan na ring lumalapag sa airport ang eroplanong mula sa Caphal country at lulan nito ang isang espiyang ipinadala ng nasabing bansa para hanapin ang Crown Prince.

Next chapter