webnovel

Small World

Hindi makapaniwala si Nadine sa dinatnan nya.

Si Kate at Eleanor magkasama sa isang table at masayang nagtatawanan.

Hindi na nagisip pa si Nadine, nilapitan nito agad si Kate.

"Kate!"

Sabay hatak sa anak para ilayo kay Eleanor.

"Mom wait po!"

Pero hindi tumigil si Nadine. Hawak ang kamay ng anak, dirediretso itong naglakad palabas ng Cafe at naiwan ang nabiglang si Eleanor.

Nagulat si Eleanor ng biglang may lumapit kay Kate at hinila ito palabas ng Cafe.

Tinawag ito ni Kate na Mom kaya hinayaan na nya.

Pero kahit na saglit lang yun nasulyapan pa rin sya ni Eleanor.

'That woman looks familiar as if I've known her for so long!'

Inisip nya ng inisip, hinalukay ang buong memory nya kung saan nya nakita ang babaeng humila kay Kate.

Hangang sa....

'OMG! Hindi ba ako nagkakamali, I think she's Jaime's wife, Nadine?'

Tinawag nito ang waiter na nasa malapit.

"Uhm, excuse me! Itatanong ko lang kung kilala mo ba yung babae na lumapit kay Kate kanina at hinila sya palabas?"

"Ay, Mam Eleanor, si Mam Nadine po yung kaninang lumapit sa inyo!"

'Oh my God! Tama nga ako si Nadine yun, ang wife ni Jaime!'

'And Kate call her Mom that means .....'

'Oh, Gosh! Si Kate si Katherine Marie, ang anak ni Jaime na nagsulat ng post na ito?'

'Small world!'

****

"Mom wait, please!"

Pinilit bumitaw ni Kate sa pagkakahawak ng ina.

Hindi nito maintindihan kung bakit nagkakaganito ang Mommy nya. Nahihiya sya kay Eleanor.

"Bakit po ba, Mom, what's the problem po ba?"

"I'm worried sick of you!"

"Bakit po, may nangyari po ba? Why are you so worried po? I'm okey naman po! Bakit po ba para kayong napapraning? Tungkol na naman po ba ito kay Daddy?"

May inis na tanong ni Kate, ramdam nya kasi ang sobrang pagaalala ni Nadine.

"Oh, Kate No! I'm just so worried!"

At bigla nyang inakap si Kate na ikinabigla nito.

"Mom, I'm here, I'm okey! Please calm down and tell me what's bothering you. Dahil po ba sa pinost ko?"

Pero hindi makapagsalita si Nadine, pilit nitong pinakakalma ang sarili para hindi mag alala si Kate.

Alam nyang hindi sya titigilan nito hangga't hindi nya nalalaman ang totoo.

Nagtataka naman si Kate kung bakit ganito ang ikinikilos ng ina lalo na at hindi nito sinasagot ang tanong nya.

Hinayaan nyang nakaakap ang ina para humupa ang pagaalala nito.

"I think it's because of me."

Napatigil ang magina ng marinig ang boses ni Eleanor lalo na si Nadine na biglang naalarma.

'Bakit sya sumunod? Ano bang balak nya?'

"Tita Elise? Ano pong ibig nyong sabihin Tita Elise?"

Napakunot ang noo ni Nadine.

'Anong TITA? Ngayon lang sila nagkita Tita na agad ang tawag nya?'

Nginitian lang ni Eleanor si Kate at saka hinarap si Nadine.

"Hello Nadine, we meet again. Pero hindi ko inaasahan na mas awkward pala itong muling pagkikita natin."

Napanganga si Nadine, hindi nya masagot si Eleanor.

"You knew each other?"

Tiningnan ni Kate ang Mommy nya, naghahanap ng sagot.

"Yes Kate, she's someone I knew from the past."

Simpleng sagot ni Eleanor na ikinabahala ni Nadine.

"Ms. Eleanor please!"

"Why? What is in the past?"

Nagsisimula ng macurious si Kate.

Ramdam nyang may kinalalaman ito sa Daddy nya.

'Pero bakit ganito ang ikinikilos ni Mommy?'

'Para syang guilty of something?'

"It's nothing Kate!"

Dinig nitong sagot ng ina pero iba ang sinasabi ng mga kilos ni Nadine sa sagot nya.

Nangiti na lang si Eleanor. Hindi sya makapaniwala na wala pa ring pinagbago si Nadine. Kimi pa rin ito.

'I wonder kung ano ang nakita sa kanya ni Jaime?'

'Or, maybe this is what Jaime likes to a girl?'

'Well I guess I've never known him eversince! Hehe!'

"I think I better go para makapagusap kayo ng Mommy mo Kate.

Thanks for the coffee and nice to meet you again Nadine. Sana next time hindi na awkward ang susunod na meet up natin."

Tumalikod na ito para umalis.

"Wait. ..."

Pipigilan pa sana sya ni Kate ang pero pinigil sya ni Nadine.

"Kate!"

"Mom? What exactly is in the past?"

No answer

"Gusto nyo bang alamin ko pa kung sino sya sa buhay ni Daddy?"

Napabuntung hininga si Nadine.

'Grabe, ang lakas talaga ng pakiramdam nya. Natunugan nya agad na may kinalalaman ito sa Daddy nya!'

"No need Kate! She is your Dad ex."

"Ex .... girlfriend...?"

'Kung exgirlfriend lang ito ni Daddy, bakit ganito ka apektado si Mommy?'

"Not just exgirlfriend. ... ex fiancé."

"Oh!"

'Now that is something!'

Lalong mas madaming tanong sa isipan ni Kate ang naglabasan.

Pero hindi muna nya ito inintindi.

"Mom, let's go to my room and talk. May sorpresa po ako sa inyo."

Wala ng nagawa si Nadine kundi sumunod sa anak. Huli na sya ni Kate.

****

"Ano ba yung sorpresa na sasabihin mo sa akin?"

Tanong ni Nadine.

Gusto nitong ibahin na ang usapan pero, papayag ba naman si Kate.

"Mom, ikwento nyo po muna kung anong nangyari sa inyo ni Tita Elise?"

"Haaaaaaaay!"

Malalim na buntunghininga ang pinakawalan ni Nadine.

Ikinuwento na nito sa anak ang nangyari.

"And your worried po because..."

"Nahihiya ako kay Eleanor! Pakiramdam ko, inagaw ko ang Daddy mo sa kanya!"

"Ano naman po ang sabi ni Dad?"

"Nothing!"

"Nothing? As in he doesn't care?"

"Alam ko ang iniisip mo, nakapag move on na sila bakit ako hindi pa?"

"Exactly Mom, why? Bakit nyo po pinahihirapan ang sarili nyo?"

"Dahil hindi alam ng Daddy mo na buntis si Elise nung magkahiwalay sila."

"Oh!... Paano nyo po nalaman?"

"Nakita ko sya, malaki na ang tyan nya, Kabuwanan na nya. Nagkasalubong kami.

Gusto kong magtanong pero .... hindi ko kaya.

We didn't speak not even hello. We just look at each other and then ...."

"Let me guess, hindi nyo po sinabi kay Daddy ang tungkol dito."

"I can't! One month pregnant na ko sa Kuya James mo nuon, paano kung balikan nya si Elise?"

"But what's the difference between now and then, worried pa rin ba kayo na baka balikan ni Daddy si Tita Elise?"

"Nope! Alam ko na kung gaano ako kamahal ng Daddy nyo! Mas worried ako na malaman nyo, mga anak ko!"

Sa puntong ito, natahimik si Kate. Somehow naintindihan nya ang Mommy nya.

Hindi namalayan ni Kate ng himasin nya ng dahan dahan ang tyan nya at napansin ito ni Nadine.

"Kate, are you pregnant?"

"Yes po Mom, I'm 3 months pregnant. That's my surprise!"

"WOW! Really? Is it a boy or a girl?"

"It's a twin po? Hehe!"

Nanlaki ang mga mata ni Nadine.

'Juskolord, kambal na naman!'

Masayang masaya ang mag ina pagkatapos nuon, habang sa malayo naman ay may mga aninong nakamasid sa kanila nagaantay ng pagkakataon na sumalakay.

"Gen. Pasahuay, magkasama po ang magina. Pwede ko po bang kunin na lang sila pareho?"

"Huwag! Yung anak lang ang puntiryahin ninyo! Ayokong malaman ni Jaime na nawawala ang anak nya. Ang gusto ko madiskubre nya na nawawala ang anak nya ilang araw mula ngayon. At ang matatagpuan nya na lang ay ang nabubulok na bangkay nito! Hehehe!"

Me going to Mall to pay bills.

Guard: "Mam, senior citizen na po ba kayo?"

Me: "Bakit Mamang Guard may ebidensya ka bang senior citizen na ko?"

Mamang Guard tumingin sa buhok kong namumuti.

"Eh, Mam, gusto ko lang pong sabihing andun ang pila ng mga senior citizen!"

Me: "ay ganun ba? Pwes senior na ko! Sabi mo eh!"

Hahaha! Taray ng Lola nyo!

trimshakecreators' thoughts
Next chapter