webnovel

There is US not You and I

Ang sabi ng lahat hindi raw tayo 'BAGAY' para sa isa't isa. Pero sino ba sila para pakialaman tayong dalawa? Sya lang ang lalaking nagparamdam sa akin what really loves is! As long as we hold our hands together, kahit ano mang dumating kakayanin natin ng magkasama!

trimshake · Urban
Not enough ratings
154 Chs

Si Jaime, Dumating Na

Chief, may gusto pong makipagusap sa inyo!"

Sabi ng desk Officer.

"Corporal Joaquin, hindi ka ba marunong kumatok?"

Sabi ni Chief Morales.

"Papa, ang kulit po kasi nila eh, sinabi ko na nga pong wala kayo at busy kayo, nangungulit pa rin!"

Sabi ni Corporal Robert Joaquin, ang manugang ni Chief Morales.

Sinadya nya talagang lakasan ang boses para marinig nila Nadine, Capt. Suarez at Ken na related sya sa Chief of Police.

"Corporal, ilang beses ko bang sasabihin sa'yo na kapag nasa presinto tayo, huwag mo akong tatawaging Papa? Ako ang superior mo kaya dapat lang na tawagin mo akong 'CHIEF' pag nasa trabaho tayo!"

Naiinis na sabi ni Chief Morales.

Naiinis ito sa manugang nyang ito na saksakan ng tamad. Hindi nya nga alam kung ano ang nagustuhan ng anak nya dito.

Kung hindi nga lang dahil sa anak nyang muntik ng mag suicide dahil tumanggi syang makasal sila, hindi sya papayag.

Tapos ngayon, parati na lang syang tinatawag na 'PAPA' at ipinaririnig pa sa lahat na parang nanadya.

Gusto kasi ni Corporal Joaquin na ipaalam sa lahat na hindi sya basta basta dahil malakas ang kinakapitan nya. ....si Chief.

Batid ito ni Chief Morales kaya lagi nyang sinusuway si Corporal Joaquin. Hindi nya gusto na kung sino sino ang nakikisakay sa pangalan nya porket mataas ang posisyon nya.

Ayaw ni Chief Morales na ginagamit ng basta basta ang pangalan nya lalo na ng manugang nyang saksakan ng tamad.

Ehem!"

"Kanina pa kami dito, wala ka bang planong imbitahin kaming pumasok?"

Pagbating tanong ni Capt. Suarez.

Pumasok na ito kasunod sila Nadine at Ken na ikinasuya ni Corporal Joaquin.

'Mga bastos na 'to, ni hindi man lang nila ako inantay na tawagin sila, nagsipasok agad!'

Magsasalita na sana ito at magsusumbong sa biyenan nya pero naunahan syang magsalita nito.

"Capt. Lans Suarez, what brings you here? Pasok, pasok!"

Gulat si Corporal Joaquin.

'Magkakilala pala sila ng Papa, malamang magkasabay sila sa serbisyo!'

"Nandito ako para ireport ang kinidnap na apo ni General."

Sabi ni Capt. Suarez.

'General?'

Gulat na naman si Corporal Joaquin.

"Papa, lalabas na po ako."

Sabi ni Corporal Joaquin. Baka masabon sya pag nalaman ng biyenan na hindi nya inasikaso ang mga ito.

Tumango lang si Chief Morales pero biglang nagsalita si Nadine.

"Hindi! Hindi sya pwedeng lumabas."

Galit na sabi ni Nadine.

Napatingin si Chief Morales kay Nadine, nagtatanong ang mga tingin.

'Ano na naman kaya ang ginawa ng pesteng 'to at galit na galit ang babaen 'to?'

Pero hindi sinagot ni Nadine ang mga tingin nya bagkus ay kinausap si Ken.

"Ken natawagan mo na ba ang asawa ko?"

Tanong ni Nadine.

"Mam, kanina ko pa po kinokontak pero hindi pa rin po sumasagot si General!"

Tugon ni Ken.

Napataas ang kilay at napa ismid si Corporal Joaquin.

'Akala nyo ba matatakot nyo ako sa pa general general nyo dyan? Hindi ako madaling mauto, gawain ko rin yan.'

'Sinong maniniwalang general ang asawa mo? Baka kamo kabit ka ng isang general.''

Kitang kita na nakangisi at suyang suya si Joaquin sa presence ni Nadine.

At napansin ito ni Capt. Suarez.

"Chief, syanga pala, ipinakikilala ko si Nadine Santiago ang asawa ni General Jaime Santiago. At andito sya dahil sa kinidnap nyang anak, ang apo ni General Eugene Santiago na si Khim Santiago."

Pagpapakilala ni Capt. Suarez.

"Ibig sabihin manugang ka ni General Gene Santiago?"

Usal ni Chief Morales sabay tingin ng matalim sa manugang nya.

Namutla si Corporal Joaquin.

'Totoo ba 'to?!'

'General yung asawa tapos general din yung biyenan nya?!'

'Malamang ginogoyo lang ako ng mga ito?'

'Hindi! Imposible!'

Pero ng makita nya ang mga galit at matatalim na tingin ng byenan, naguumpisa na syang maniwala.

'Juskupo naman, bakit ko ba na encounter ang babaeng ito?'

'Sabi ko na, hindi ko dapat tinaggap ang suhol ng lalaking yun. Bwisit talaga!'

"Ano bang ginawa ni Corporal Joaquin at mukhang galit na galit si Ms. Nadine?"

Tanong ni Chief

"Sir Chief, ako na po ang magpapaliwanag. Ako po ang bodyguard ni Ms. Khim at nakita ko po ang lahat!"

Sabi ni Ken

"Okey, continue."

Sabi ni Chief Morales.

Habang ikinukwento nito ang nangyari, pakunot na ng pakunot ang noo ni Chief Morales.

At ng matapos itong magkwento, kitang kita na naglalabasan ang mga ugat nito at pulang pula na ang mukha sa galit.

"Papa, magpapaliwanag po ako! Please naman, busy lang po talaga ako kaya hindi ko po sila napagtuunan ng pansin!"

Sabi ni Corporal Joaquin.

Lumuhod pa ito at butil butil na ang mga pawis.

"Saan ka busy, sa pagtingin ng picture ng seksing jowa mo na naka nighties?"

Sabi ni Nadine

Umuusok ang ilong ni Chief Morales na hinarap si Corporal Joaquin.

May katabaan kasi ang anak nito dahil buntis, kaya sino ang seksing tinutukoy ni Nadine?

"Amina ang cellphone mo!"

Utos ni Chief Morales hindi pakiusap.

Hindi nito ibinigay kaya tumayo si Chief at pwersahang kinuha ang cellphone ng manugang.

"Password?"

Tanong ni Chief.

Hindi ito umimik kaya binigwasan sya ni ng byenan nya.

"Bebeko ang password."

Sabi ni Nadine.

Nagulat si Corporal Joaquin.

"Nakita ko ng buksan mo ang cellphone mo kanina!"

Paliwanag ni Nadine.

Pagkakita ng mga pictures agad na tinawag ni Chief Morales ang isang pulis.

"Sarhento, ipasok mo sa kulungan si Corporal Joaquin at isama nyo yung lalaking dinala kanina. I'll deal with this two later."

Nagmamakawa man si Corporal Joaquin sa byenan pero hindi sya nito pinansin.

'Bwisit talaga itong babaeng 'to! Gaganti ako sa'yo at sa pamilya mo, mangantay ka!'

Tiningnan nya ng masama si Nadine habang kinakaladkad sya palabas.

"Don't worry Ms. Nadine, gagawin ko lahat ang makakaya ko para maligtas ang anak nyo. Capt. Suarez, bakit ka nga pala andito?"

Sabi ni Chief Morales.

"Pinadala kami ni General Gene dahil pakiramdam nya nanganganib ang apo nyang si Ms. Khim. Kaso medyo na late kami ng dating dahil iyong bodyguard ni Khim ay nilulusob na yung lalaking humarang at humablot kay Khim sa daan.

Mabilis ang pangyayari, nakita naming nagtatakbo si Khim pero pagliko nya ay agad din syang sinalubong ng isa pang lalaki at pinilit na isinakay sa van. Sinundan namin yung van."

Salaysay ni Capt. Suarez.

"Alam mo kung nasaan si Khim?"

Tanong ni Nadine na naluha ng marinig ang sinabi ni Capt. Suarez.

Hindi na nakasagot si Capt Suarez dahil biglang bumukas ang pinto.

Si Jaime, dumating na.

*****

Lola Issay, saang ospital nyo po dinala si Grampy Gene? Gusto ko po syang makita."

"Saan pa edi sa IDS Hospital."

Sagot ni Issay.

Ang IDS Hospital o ang IDS Special Care Hospital ay pagaari ni Don Miguel na pinatatakbo ng Elite Group.

Ito ang organization na gusto ni Don Miguel na pamahalaan ni Kate at sa huli ay ibibgay nya ng buo sa kanya pag namatay na sya.

At ngayon naroon ang lolo nya, naisip ni Kate.

'Nanadya ba ang tadhana?'

'Sign na ba ito na dapat ko ng tanggapin ang Elite Group?'

'Lord naman eh! Takot ako!'