70 Pikon Na Si Kate

Pagkatapos malaman ni Nadine na may apo na sya at kambal pa, nanabik na ito sa dalawa lalo na kay Karlos na sobrang tindi pala ng pinagdaanan.

Hindi nya akalain na may ganun pa lang klaseng ina na basta na lang pababayaan ang anak para sa personal nyang dahilan.

Lagi tuloy syang nasa tabi ni Karlos, sya na nga ang personal na nagaalaga dito at andun lang ang caregiver nitong si Linette nakaupo lang dahil wala naman syang magawa, yun ang utos sa kanya ni Nadine.

"Anim na taong pinagkait sa akin ang apo ko kaya manahimik ka dyan! Ako ang magaalaga sa kanya!"

Sabi ni Nadine kay Linette na halatang masama pa rin ang loob sa panganay nitong anak na si James.

"Lintek na James yan, manang mana sa tatay nyang pasaway! Hmp!"

Napapaisip na naman tuloy si Vicky kung tatanggapin ba nya ang pagibig ni James.

Mahal nya si James at kaya ng tanggapin ang dalawang anak nya at ituring din itong anak pero, paano sya nakakasigurong mahal nga sya ni James? Ayaw na nyang masaktan.

'Ang tagal na nga ng mother nya rito pero hindi man lang nya ako pinakikilala!'

After kasing magtapat ni James sa kanya, ang daming mga nangyari at hindi na naulit nito ang tanong nya kay Vicky.

Kaya hindi tuloy alam ni Vicky kung sila na ba o umaasa lang sya. Nasasaktan tuloy sya.

Pero kung si Vicky may agam agam, si James ang alam naman nya sila na!

Well, sinagot naman sya ng halik ni Vicky so, ano nga bang ibig sabihin nun?

Ganunpaman, masaya naman ang lahat dahil malapit ng umuwi si Gene. Magaling na ito at nakakalakad na kahit papaano dahil sa Secret, kaya itinago na lang muna ni Vicky ang nararamdaman nya.

Lately, madalas dalin ni Kate si Gene at Belen sa talon para maligo.

Wala na roon ang Prince matapos nitong magising ay inilipat sya agad sa housing facility na parte din ng Secret. Ito ang ginagamit ng mga scientist doctor na nagiistay dito sa Secret.

Wala ng nakatira dito ngayon pinaalis lahat ni Kate at ibinigay sila kay Don Miguel. Ayaw nyang sumakit ang ulo sa kakaisip kung anong gagawin sa kanila.

Ngayon, sya lang ang nakakapasok dito at plano ni Kate na irenovate ang lugar at gawin nyang personal nilang rest house ni Mel.

Ginawa nya ito para hindi ma expose ang tungkol sa falls.

Napatunayan kasi nilang totoo ngang nakakatulong na mapabilis ang pag galing ng isang may sakit kapag ginagamit ang tubig nito.

Minsan na itong sinabi ni Don Miguel kay Kate, fountain of youth nga ang tawag nya dito. Pero hindi dapat abusuhin ang talon para mapanatili ito na ganun kaganda.

"Tandaan mo, walang dapat makaalam sa bagay na ito!"

Ito ang kabilin bilinan ni Don Miguel sa kanya.

Hindi masyadong iniintindi ito ni Kate nung una pero nung dinala nya si Gene at si Belen, sila mismo ang nagsabi na parang lumakas sila at unti unting nawawala ang mga sakit na nararamdaman nila dahil sa katandaan.

"Kaya pala magpahanggang ngayon ang bata pa rin ng itsura ni Kuya Miguel at ni Issay."

Ani Belen.

"Sa susunod Kate, kailangan nyo ng magingat. I-off limits ang lahat at palagyan ng lock para walang makapasok ng kung sino."

"Opo Grampy, personal ko pong inayos ang lock at code pati ang security na aayos ko na rin po! Wala po akong pinapapasok dito maliban kay Kuya James at Ate Vicky. Sila mismo ang nagiigib ng tubig na ginagamit sa pasyente sa IDS Hospital."

"So ito pala ang secret ng ospital kaya madaling napaagaling ang mga pasyente."

Ani Belen.

"Opo Granny pero iba din kapag naligo dito sa falls mas madali ang recovery. Kay gusto ko sanang madala dito si Karlos. Gusto kong mapabilis ang pag galing nya para makauwi na sya at magkita na sila ng kambal nya!"

Sabi ni Kate.

Maganda rin naman ang development ni Karlos simula ng dumating ito sa Sinag Island pero nababagalan pa rin si Kate. Maraming na miss si Karlos sa childhood nya.

'Mag aanim na taon ng ganito ang kalagayan ni Karlos, hindi dapat magpatuloy ng ganito!'

"Ano naman ang plano mo sa prinsipe?"

Tanong ni Gene.

"Kailangan na nyang umuwi at bumalik sa bansa nya, sa ayaw nya at sa gusto!"

Mariing sagot ni Kate.

"What? What are you saying?"

Nagulat sila sa biglang sumulpot si Prince Tobias.

"What is she saying? Tell me, Bro Guard!"

Simula ng unang enkwentro ng Prinsipe at ni Roger naging close na ang dalawa.

Lagi kasi syang pinupuntahan ng Prinsipe sa gate at kinukulit kaya ginawa tuloy syang personal na bantay ni Kate sa Prinsipe.

"Anong ginagawa ng palakang yan dito Roger?"

Singhal ni Kate.

Mabuti na lang at nasa labas na sila ng Secret at nagpipicnic sa damuhan. Ito ang huling araw ni Gene at gusto nyang dito magpunta kasama ang magasawang Mel at Kate.

"Eh, BigBoss ang kulit po kasi! Nalamang andito po kayo kaya nagtatakbo papunta dito para makita kayo!"

"Hey! I'm asking you! What are they saying? Are they talking about me? Huh?"

"BigBoss said you need to go home na by hook or by crook because you are overstaying na here in our country!"

"What?"

Nakasibangot na tiningnan nito si Kate.

Agad namang tinabihan ni Mel ang asawa nya at nakipagtinginan din ito ng nakasibangot sa Prinsipe.

"You know my demands!"

"Yes Prince Tobias, we know your demands and please sitdown. I am Kate Grandfather.

Can I talk some sense to you, your Highness?"

"Oh, your her grandfather. Hello Grandfather, Sir! And maybe this is Grandmother. Hello Madam!"

"Please sitdown Prince Tobias!"

Sabi ni Belen na may diin.

"Yes Madam as you wish!"

Magalang na sabi nito kahit na nagpoprotesta ang expression ni Kate lalo na ng makita nitong tumabi si ang prinsipe sa tabi ni Mel.

'Ako ng bahala dito Kate.'

Sabi ng mga tingin ni Gene.

"Prince Tobias, yes we are talking about you. We need to bring you home!"

"But I can't, I don't want to! I already gave you my conditions if you want me to go home!"

Para itong bata na nagdadahilan.

"Well you see, Your Highness,

your relatives are already here looking for you and your father The King, told us that the are very dangerous. He said that these are the people who wants to get the title from you.

At first only one came but as a week goes by more and more came. And not only that, Caphal country sent a spy to look for you! So you see, we don't have any choice but to bring you home!"

"WHAT?!

"I don't care! I'm still not going home! Period!"

Sa pikon ni Kate, binatukan nito si Prince Tobias.

avataravatar
Next chapter