81 Pabulong Na Sigaw

Kanina.

Nakahiga si Mel sa OR table ng madinig nya ang hikbi na iyon.

'Wifelabs!'

Nagmulat sya ng mata.

"Kailangan ako ni WifeyLabs!"

Tumayo ito para hanapin si Kate. Hindi man lang nilingong ang katawan nyang nakahiga pa rin sa OR table, naghihingalo o ang monitor na ipinapakita ang unti unting pagbaba ng heartbeat nya.

"Kate! WifeyLabs!"

Nagmamadali itong lumabas para hanapin si Kate dahil bawat hikbi ay nagdudulot ng sakit sa puso nya.

Hindi nya napansin ang sarili nya, na lumulutang lutang.

Hindi nya rin napansin ng tumagos ang katawan nya sa pinto, ang tanging nasa isip lang nya ay kailangan sya ni Kate.

At ng makita ang hinahanap...

"WifeyLabs!"

Agad nya itong inakap.

..... at naramdaman ni Kate ang akap nyang yun.

"Bakit ka umiiyak WifeyLabs ko? Namiss mo ba ko? Andito lang ako! Shhhh... tahan na, mahal ko!"

Muling umagos ang luha sa mga mata ni Kate ng maramdaman nya ang presensya ni Mel.

Natutuwa sya ng maramdaman nya ito but at the same time, natatakot syang baka ito na ang huli.

Nilapitan sya ni Vicky at napansin nya ang lungkot sa mga mata nito at inakap sya.

Natuwa si Mel ng makita nya ang ginawa ni Vicky.

"Kate, hindi magugustuhan ni Mel kung makikita ka nyang nagkakaganyan ka, Alam kong nagaalala ka pero .... masasaktan sya kapag makita ka nyang ganito.

So please, tulungan mo sya para hindi sya magalala."

"Salamat Sister Vicky."

Sambit ni Mel.

Hindi sya naririnig ni Vicky pero may naramdaman itong dampi ng hangin na parang dumaan.

Hinalikan ni Mel si Kate sa noo at masayang masaya ito.

Dahil ito ang unang beses na nahalikan nya si Kate sa noo na pareho silang nakatayo.

Naramdaman ni Kate ang mga halik nyang yun kaya ipinikit nya ang mga nya. Gusto nyang maramdaman ang presensya ng asawa.

"HubbyLabs...."

Pabulong nitong bigkas.

At habang nakapikit si Kate, naramdaman nya na muli syang hinalikan ni Mel sa pisngi.

Pero pagdilat ng mga mata nya hindi si Mel ang nakita nya kundi si Vicky at narinig nya ang huling sinabi nito.

"... tulungan mo sya para hindi sya magalala."

Tila nagising sa matagal na pagkakaidlip si Kate.

"Ate .... please, tulungan mo si Kuya, save him please!"

Mugto ang mga mata at puno ng pagmamakaawang tiningnan ni Kate si Vicky.

Nagdudurugo ang puso ni Vicky, awang awa ito kay Kate.

"I will, pero maupo ka muna para makapahinga ka, bago ako pumasok sa loob."

Tumango ito at inakay sya ni Vicky sa upuan habang ang mag asawa ay nakatanga lang sa nangyayari.

Hindi sila makakilos, hindi alam ang gagawin.

Nagpaalam si Vicky sa dalawa bago tuluyang pumasok sa loob ng OR.

Pag alis ni Vicky, tumayo si Nadine para tabihan ang anak pero nahiga si Kate sa upuang bakal at nakabaluktot na inakap ang sarili.

"Jusko ... Kate ...."

"Ling hayaan mo na muna syang makapahinga."

Naiiyak na si Nadine.

Inis sya at galit sa sarili.

Pakiramdam nya, wala syang silbi, wala syang kwentang ina.

Ni hindi nya man lang matulungan ang anak sa ganitong sitwasyon.

*****

Sa loob ng OR.

"Dr. Vicky nag flatline na po, pero ayaw tumigil ni Dr. James. Ano pong gagawin namin?"

Sabi ng isang Nurse.

Nilapitan ni Vicky si Mel at tiningnan ang heartbeat nito.

Hindi pwedeng wala syang gawin.

"Naabot ba ng bala ang puso nya?"

"Yes Doc pero yung wall lang sabi ni Dr. James. Pero ng tinanggal nya yung bala biglang bumaba ang vitals nya hangggang sa mag flatline!"

Inexamine ni Vicky ang ginawa ni James.

"James, tumigil ka muna!"

"Hindi pwede! Hindi sya pwedeng mamatay!"

"Mas lalo syang mamatay pag hindi ka tumigil dyan! Kailangan kong hiwain sya!"

Tumigil si James.

"Bakit anong problema? May mali ba ako?"

"Napupuno ng dugo ang parteng ito, kailangan kong hiwain para lumabas ang dugo!"

Ang tinutukoy nya ay ang ibabang bahagi ng puso ni Mel.

Mabilis na hiniwa ni Vicky ang parteng tinutukoy nya at saka bumulusok ang dugo.

"Hindi ba delikado yan?"

Nagaalalang tinanong ni James si Vicky.

"Wala akong maisip na ibang paraan sa ngayon. Bakit ikaw, may naisip ka ba?"

May biglang naalala si James.

"Nasaan si Nurse Mayett?"

Sandali lang po, tatawagin ko!"

"Andito po ako Doc!"

Kanina pa duon sa labas si Nurse Mayett, nagaalala din ito baka hanapin sya.

"Nurse Mayett, pumunta ka sa office ko. Kunin mo ang laman ng mini ref ko!"

"Po?! Lahat po?"

"Huwag mong ipaulit ang sinabi ko! Bilisan mo!"

At kumaripas ng takbo ito palabas, habang iniisip kung paaano nya dadalhin ang lahat ng nasa loob ng mini ref ni Dr. James.

Pagdating nya ng office, binuksan nya agad ang mini ref at nahimasmasan sya ng makita ang limang hindi naman masyadong kalakihan na tumbler na parang malaking capsule ang itsura. May isang litro siguro ang laman ng isang capsule.

"Haaay buti ito lang ang laman!"

Inilagay nya ito sa isang bag at kumaripas ng takbo paakyat.

*****

"Dr. James, andito na po ang pinakuha nyo!"

"Kumuha ka ng mainti na tubig, ilagay mo sa basin!"

Sumunod lang si Mayett.

Si Vicky naman kahit abala kay Mel, pasulyap sulyap naman ito kay James.

'Ano kayang ginagawa nya?'

'At ano yung mga yun?'

Inilagay ni James sa mainit ang isang capsule at pagkatapos ay kumuha ng syringe.

Itinusok nito ang syring sa ulo ng capsule para kunin ang laman nito at pagkatapos ay pinalitan ang syringe at saka lumapit kay Mel at inilagay sa dextrose nya ang likidong kinuha mula sa capsule.

"Teka James, ano yan?"

Nagaaalalang tanong ni Vicky.

"Huwag kang magaalala kailangan lang natin na maibalik ang heartbeat nya!"

"Ano ba yan?"

Pero hindi sya sinagot ni James. Bumalik ito sa capsule at inulit uli ang ginawa pero this time mas malaki na ang syringe.

Hindi na makapagpigil si Vicky kaya hinawakan nito ang kwelyo ni James para ilapit ang ulo nya sabay bulong para hindi madinig ng nasa paligid.

"Ano ba yang ginagawa mo? Huwag mong sabihin na pinag eexperimentuhan mo si Mel?"

"Oo!"

Simpleng sagot ni James.

"Nababaliw ka na ba?"

Pabulong na sigaw ni Vicky.

"Kailangan kong gawin 'to!"

Natakot si Vicky, ito ang unang beses na nakita nyang ganito si James parang nababaliw na.

"Eh, Dr. Vicky, Dr. James ..."

"WHAT?!"

Sabay silang napatingin sa nurse na tumawag sa kanila.

"S-Si Chief po kasi ...."

avataravatar
Next chapter