64 Nakatagong Paraiso

Galit at takot ang pumuno sa katauhan ng presidente ng bansa na si Presidente Guran.

Apat na buwan na ang nakakaraan ng ipakiusap nya kay Don Miguel na magamot ang isang napaka halagang pasyente.

Ginawa nya ito para sa pangakong financial aid ng bansang Arritaou para maka recover ang bayan sa sunod sunod na kalamidad na dumaan sa bansa.

Nangako silang tutulong at magbibigay ng napakalaking halaga pero ang kapalit ay kung magagawa ng Pilipinas na pagalingin ang prinsipe nilang comatose. Nadinig kasi nila na may mga genius doctor sa Pinas.

Batid ng presidente na ang tinutukoy nila ay ang Elite Scientists Doctor ng Sinag Island.

Wala ng libre ngayon at maganda naman ang usapan nila kaya pumayag sya.

Hindi nya ipinaalam ang buong pagkakakilanlan ng pasyente kay Don Miguel para sa safety ng lahat kaya walang nakakaalam ng ipuslit nila ang pasyente papasok ng bansa.

Walang dapat makaalam na narito sya sa bayang ito at ginagamot dahil delikado hindi lang sa pasyente kundi pati na rin sa Sinag Island at sa bansa.

Tapos ngayon malalaman nya na pinaiimbestigahan ng isa sa gabinete nya na si Secretary Damian ang tungkol sa pasyente?

'Putris ka Damian! Anong motibo mo at bakit ginagawa mo 'to? Gusto nya bang sirain ako?

Saka, paano sya nagaron ng idea tungkol dito?'

Kinakabahan si Presidente Guran sa pwede mangyari kapag may nakaalam na narito ang Crown Prince. Ayaw nyang masangkot sa problema ng bansang Arritaou.

"Bakit ka natahimik dyan? Hindi ka makapaniwala na may traydor sa gabinete mo?

Wala ka man lang kamalay malay na may ginagawa na palang katarantaduhan ang tao mo pag nakatalikod ka?"

Sabi ni Don Miguel na may halong pangiinis.

"Pasensya na Don Miguel, naging pabaya ako."

Sabi ng presidente na puno ng pagkadismaya.

"Buti alam mo! At dahil sa kapabayaan mo mapapahamak ang mga walang kamalay malay na tao ko sa Sinag Island! Ngayon anong plano mo? Ikaw ang nagpuslit dyan kaya natural lang ikaw ang magayos nito!"

Inis pa rin ang boses ni Don Miguel.

"Hindi ko alam Don Miguel pero mukhang kailangan malaman ng Hari ng Arritaou ang nangyayari. Hindi ako makapagisip so please tulungan mo ako!"

"Gawin mo kung ano ang inaakala mong tama basta ako gagawin ko ang lahat para mailigtas ang mga tao ko sa Sinag Island! Kung kinakailangan itapon ko sa kung saan yang pasyente mo gagawin ko, huwag lang madamay ang Sinag Island!"

"Pero Don Miguel, baka makasama sa pasyente ang gagawin mo?"

"May nakatutok na bomba sa Sinag Island mula sa bansang Caphal na kalaban ng bansang Arritaou. Sa tingin mo may pakialam pa ako?

Gawin mo ang gusto mong gawin at gagawin ko ang gusto kong gawin! At isa pa, gusto kong pagbayaran ng Damian na yan ang ginawa nyang pakikialam!"

Galit na sabi ni Don Miguel.

"Pareho tayo ng iniisip Don Miguel, nanggigil din ako kay Damian! Huwag kang magalala akong bahala sa traydor na yun!"

"Ito na ang huling beses na hihingi ka ng pabor sa akin! Maliwanag? Hindi ko ipagsasapalaran ang mga tao sa Sinag. At isa pa, may plano na ako na buwagin ang Special Elite. Matanda na ako kaya kailangan ko ng ipasa sa iba ito!"

"Bakit mo naman bubuwagin? Maganda ang layunin ng organization nyo. Saka, pwede namang ipagpatuloy ito ng susunod sa'yo!"

"Dahil natitiyak kong hindi lahat susunod sa kanya! Kaya hahayaan ko na sya ang magdesisyon na naayon sa ikasisiya nya."

"Naintindihan ko!"

Natapos ang usapan nila ng maayos at walang samaan ng loob.

Matagal na silang magkaibigan kaya natural lang sa kanila ang ganitong usapan.

Pagkababa ng telepono agad na tinawag ng presidente si Sec. Damian. Wala pa rin itong malay na may ginawa syang isang bagay na pwedeng magdudulot ng hindi maganda sa Sinag Island.

"Ano na namang problema ni Presidente at pinatatawag na naman ako? Hindi ba pwedeng bukas na lang? May napakahalagang bagay akong inaantay?"

Naiinis na sabi ni Sec. Damian sa assistant nya.

"Importante daw po ito Mr. Secretary, sabi ng presidente. Kailangan kailangan daw po kayong magtungo duon. ASAP!"

"May mas importante pa ba dito sa inaantay ko? Sabihin mo hindi ako makakapunta! Magdahilan ka, basta hindi ako pwedeng umalis dahil may napakahalagang bagay akong inaantay!"

Utos ni Sec. Damian sa assistant nya.

Napakunot na lang ang noo ng assistant nya.

'Ano na naman kayang napakahalagang bagay na tinutukoy nya at ayaw paistorbo?'

Ang napakahalagang bagay na inaantay ni Sec. Damian ay ang tawag mula sa Sinag Island. Ito ang araw na pinagusapan nila ni Gonzales.

Nangako sya kay Gonzales na ibibigay nya ang ospital sa Sinag Island kapalit ng impormasyon na hinihingi nya.

Si Gonzales kasi ang nakapagtip kay Sec. Damian tungkol sa Crown Prince. Nakilala sya agad ni Gonzales nung unang beses na magtungo ito sa Secret.

At si Sec. Damian naman, gusto nyang mapasa kanya ang buong Sinag Island at 20 Milyon dollars!

Marami na syang nababalitaan magagandang bagay tungkol dito kaya gusto nyang makuha ito.

Pero ang hindi nya alam, inuuto lang sya ng kausap nya na taga Caphal. Wala syang kamalay malay na sa oras na masiguro ng mga taga Caphal na naroon ang Crown Prince, bobombahin nila ang Sinag Island.

*****

Mabilis na kumilos sila Kate, Mel at James pero mas mabilis pa rin si Don Miguel.

Pagpasok nila ng Forest napansin agad nilang iba na ang nagbabantay, ang mga reinforcement na pinadala ni Don Miguel.

Hindi na huminto si James, bumusina na lang at inilabas naman ni Kate ang token nya.

Hindi naman sya hinarang ng mga ito.

Mabilis ang takbo ni James, dirediretso ito hangggang sa dumating sila sa bunganga ng kweba na nasa gitna ng kagubatan.

Wow! Ang ganda pala rito!"

Bulalas ni Mel.

Maging si Kate ay napanganga din sa ganda ng lugar.

Malamig at madilim ang lugar dahil sa nagtataasang puno na halos hindi na kita ang langit. Mag aalas singko pa lang ng mga oras na iyon.

Pumasok sila sa kweba na ginawang facility hangggang makarating sila sa dulo ng kweba kung saan may napaka gandang waterfalls.

"WOW!"

"Hangganda!"

Wala silang enough words para magdescribe ang lugar basta para pakiramdam nila para silang nasa isang paraiso.

Isang nakatagong paraiso.

"Ang sabi ni Don Miguel, may malakas daw na energy na nagmumula dyan sa talon. Yan daw ang dahilan kaya mabilis na nakakarecover ang may sakit."

Simula ng sabihin ni Don Miguel sa kanya ang bagay na ito, naisip nyang dalhin si Karlos dito.

Hindi makapagsalita ang dalawa dahil sa sobrang nabighani sa ganda ng paraiso.

"Pero hindi yan ang pinunta natin dito. Tama na muna yan at tapusin muna natin ang dapat tapusin!"

Paalala ni James sa kanila.

Sumunod naman ang dalawa kahit na hirap nilang alisin ang mga mata nila sa paraiso.

"Narito ang pasyente."

Sabi ni James.

Pagbukas nila ng silid ay makikita ang mga computer sa paligid.

Wala ng tao dito dahil pinaalis na ng reinforcement.

Mula dito makikita ang prinsipe, nasa gitna ito ng isang oval shape na silid na yari sa glass.

Pero bukas ang itaas na kanang bahagi ng oval shape kung saan may sinag na nagmumula sa itaas na naka direkta sa kanya.

"Nakakatulong sa kanya ang sinag ng araw at ang fresh air kaya yan binubuksan."

Paliwanag ni James sa kanila.

"Bakit walang nakakabit sa kanyang aparato? Ganyan na ba sya ng dinala dito?"

Nagtatakang tanong ni Kate.

"Hindi! He's completely healed. Nagulat na lang ako ng one time natabig ko ang oxygen nya pero walang nangyari. Normal na syang nakakahinga. After that evertime na nagpupunta ako dito sinusubukan kong tanggalin isa sa aparato nya pero okey pa rin sya. Hanggang sa lahat ng aparato natanggal ko na."

"That's amazing!"

"It's a miracle!"

"Yup! Yung huling punta ko dito, yung swero nya ang tinanggal ko."

"Paano sya kumalain?"

Curious na tanong ni Mel. Manghang mangha sya sa nakikita.

"Sinusubuan sya. Liquid naman ang pagkain nya."

"Parang natutulog lang sya!"

Bulalas ni Mel.

Agad naman pumwesto si Kate sa computer para tingnan lahat ng data tungkol sa pasyente at para malaman na rin kung may mga kumopya ba ng data.

Kailang nyang ireset ito agad para wala ng mag leak ng information.

Habang abala si Kate, abala din din si James sa pagtingin sa pasyente. Sumunod sa kanya si Mel na hindi maalis ang mga tingin sa Crown Prince.

Unti unting nilapitan ni Mel ang natutulog na prinsipe.

"Ang gwapo mo pala sa malapitan."

Hinaplos ni Mel ang pisngi ng prinsipe tapos ay kinurot kurot ito.

Nangiti si James sa ginawa ni Mel samantalang napa kagat labi naman si Kate ng makita ang HubbyLabs nyang nakangiting pinagmamasdan ang natutulog na prinsipe at kinukurot kurot pa!

'Dapat na ba akong magselos?'

avataravatar
Next chapter