webnovel

Naiisip Mo Ba Ang Naiisip Ko?

"Anong problema mo bakit ganyan ang itsura mo?"

Tanong ni James kay Kate.

Pero hindi sya sinagot ni Kate. Kagat kagat nito ang labi nya.

Sinundan ni James ang tinitingnan ni Kate.

Si Mel pala at ang natutulog na prinsipe.

"Huwag mong sabihing ... nagseselos ka?"

Tanong ni James na may halong pangiinis.

"Hmp!"

Inismidan ni Kate ang Kuya nya.

"Umayos ka nga Kate! Ikaw ang may sabi kay Grampy na sa 'Life threatening' situation tayo!"

Suway ni James na kunwari naiinis pero deep inside humahagalpak ng tawa ito sa pajelling jelling ni Kate.

"Natapos ko na po!

Na reset ko na rin ang system at nabura ko na rin ang coordinates ng Sinag Island at nahack ko na rin ang system ng Caphal country."

Natameme si James.

'Ano daw? Binura nya yung coordinates tapos nag hack sya?'

'Kaya nyang gawin yun?!'

Hindi makapaniwala si James sa galing ni Kate. Alam nyang magaling ito, genius nga eh, pero hindi nya iniexpect na ganito sya kagaling at kabilis.

'Wala pa kaming 30 minutes sa loob ng silid na ito natapos na nya agad?'

"Kate hindi kita maintindihan. Ano ulit yung ginawa mo?"

"Naghanap ako ng ebidensya kung may mga info na kinopy mula sa system at the same time ginagawan ko ng backup ang mga data dito. After I finished, nireset ko ang buong system habang binubura sa mapa ang Sinag Island at hinahack ang system ng Caphal country."

"Teka isa isa lang, mahina ang kalaban."

Naguguluhan sabi ni James.

Masyadong mabilis ang utak ni Kate hindi nya masabayan.

Matalino rin naman si James at magaling sa larangan ng medisina, pero hindi sya super genius kagaya ni Kate.

"Kuya, I hate repetition! Ano bang part ang hindi mo gets yun na lang ang ipapaliwanag ko?"

"Yung sinabi mong binura mo sa mapa yung Sinag Island, paano mo ginawa yun?"

Tinuro ni Kate ang malaking monitor para mas maintindihan ni James.

Hindi talaga hilig ni Kate ang magpapaliwanag, mas gusto nya yung ipinapakita yung actual.

Sa screen makikita ang buong Sinag Island na nakabalot.

"Tuwing gabi, inoopen ko ang shield para maproteksyunan ang paligid ng isla at upang walang makapasok dito sa loob ng Sinag. Ngayon ang ginawa ko at binalot ko ng shield ang buong isla at binura ko ito sa mapa para walang makakita."

Paliwanag ni Kate.

"Pwede pala yun?"

"Actually Kuya, kahit nuon pa man, wala pang tao at technology dito sa isla, sinasabing mahiwaga na itong isla. Meron talagang time na nawawala ito at bigla na lang sumusulpot."

"Wow! Nababalitaan ko lang na may mga isla sa Pilipinas na minsan naglalaho tapos bumabalik, but I didn't expect na totoo yun!"

"Mula ngayon maglo low profile muna ang Sinag. Yan ang utos ni Lolo Miggy para daw mawala sa maiinit na mata ng mga mapagsamantala. Kaya hindi na ito aalisin hangga't ma sure ko na okey na."

"What about the hacking thing, diba it's illegal?"

"Kuya may nakalimutan kasi akong sabihin sa'yo."

"Ano naman yun Kate?"

"May nakatutok na bomba sa Sinag Island at nagmula yun sa Caphal country na kalaban ng Arritaou kung saan nagmula yang pasyente mo. Yun ang reason kaya hinack ko yung syatem nila para burahin ang coordinates ng Sinag Island at lahat ng info na nakalap nila about this island."

"ANO?!! Bakit ngayon mo lang sinabi sa akin 'to? Kelan mo pa nalaman?"

Kinakabahang tanong ni James.

"Kanina, ng una kaming magkausap ni Eunie. Papunta ata tayong ospital."

"What? Kanina mo pa alam pero hindi mo agad sinabi?"

"Yup! Alam kong ganyan ang magiging reaksyon mo kaya hindi ko sinabi.

Saka batid kong ilegal ang hacking Kuya pero ginagamit ko lang naman ito kapag life threatening na ang situation."

Paliwanag ni Kate na nagpataas ng balahibo ni James.

Hindi na ito nakapagsalita.

Tumayo na si Kate at nilapitan ang shocked pa ring si James.

"Huy Kuya, isara mo nga yang bibig mo at baka pasukin na yan ng langaw. Okey na po ang lahat kaya huwag ka ng mag aalala."

Sabi Kate at saka iniwan na nito ang Kuya nya at lumapit kay Mel.

'Tapos na ang lahat. Bahala na si Lolo Miggy sa susunod na hakbang!'

'Ngayon oras na para paligayahin ang HubbyLabs ko! Hihi!'

"HubbyLabs, let's go!"

Bulong ni Kate sa tenga ni Mel na nagpakiliti dito.

"Okey WifeyLabs!"

Nakangiting sagot ni Mel.

Hinawakan ni Kate ang kamay ni Mel para lumabas pero laking gulat ni Mel ng may humawak sa kamay nito ng mahigpit at parang hinahatak sya.

"Waaaaah!"

"Bakit HubbyLabs, anong ...."

Nagulat si Kate ng makitang mahigpit na nakahawak ang kamay ng prinsipe sa pulso ni Mel.

'Pero nakapikit pa rin sya!'

Tulog pa rin ba sya?!'

Pilit na inaalis ni Kate ang kamay ng prinsipe habang naiihi naman sa takot si Mel.

'Jusmiyo! Nagalit kaya sya ng kinurot kurot ko sya kaya ang higpit ng hawak nya?'

"Kuya Help!"

Tawag ni Kate kay James na tila nakatulala pa. Natauhan ito sa paghingi ng saklolo ni Kate.

"Ha? Bakit? Anong nagyari?"

Gulat si James ng makita kung ano ang problema.

"Tulungan mo kaya kami Kuya! Ang higpit ng hawak nya!"

Sa tulong ni James, natanggal ang pagkakahawak ng prinsipe kay Mel.

"Kuya anong nangyayari sa pasyente mo?"

"Not sure, but he's okey right now. Kalamado na sya pati heartbeat nya okey naman."

"Okey Kuya, pwede bang iwan ka na muna namin dito, ikaw na munang bahala sa kanya."

Hindi na hinintay ni Kate na sumagot ang Kuya nya.

Agad itong humakbang palabas hatak hatak si Mel. Kinakabahan sya.

Isa lang ang nasa isip nya, gusto nyang ilayo si Mel sa prinsipe dahil baka pagnagtagal pa sila, baka matadyakan na nya ito kahit tulog pa ito.

Hindi tumigil sa pagtakbo si Kate palabas ng Secret, hila hila sa isang kamay si Mel.

"Kate MyWifeyLabs, wait! Sandali lang pleeeaaase! Hinihingal na ko! Ang laki kasi ng hakbang mo!"

"Sorry HubbyLabs, gusto lang naman kitang masolo. Ilang oras na lang matatapos na ang Monthsary natin."

Malungkot na sambit ni Kate.

"Oh, wag ka ng ma sad. Halika may naisip ako!"

Sya naman ngayon ang humahatak kay Kate papunta sa isang silid.

Ang kitchen.

"Napansin ko ito kanina ng pumasok tayo dito. Halika, maghanap tayo ng maihahanda sa Monthsary natin. Hehe!"

After a few minutes, may dala na silang pastries, fruits mga delata at ibat ibang natural fruit juice.

Halos wala ng tao sa facilities dahil nailabas na sila lahat ng mga reinforcement at dinala sa isang building.

Pagkatapos nito ay binitbit nila ang lahat ng nakuha papuntang falls.

"Grabe ang ganda! Hindi nakakasawang pagmasdan!"

"HubbyLabs, naiisip mo ba ang naiisip ko?"

"Yes WifeyLabs ko!"

Nagmamadali nilang hinubad ang damit nila at magka holding handa na tumalon sa tubig.

SPLASH!

Hindi nila inaasahan na napaka lalim pala nito at napaka lamig. Pag angat nila sa tubig magkadikit na ang mga labi nila. At sa gitna ng waterfalls ay makailang beses nilang pinagsaluhan ang pinaka matamis nilang dessert.

Wala silang kamalay malay na ang prinsipeng natutulog kanina ay nagmulat na ng kanyang mga mata at hinahanap ang kumurot sa pisngi nya.

Next chapter