webnovel

There is US not You and I

Ang sabi ng lahat hindi raw tayo 'BAGAY' para sa isa't isa. Pero sino ba sila para pakialaman tayong dalawa? Sya lang ang lalaking nagparamdam sa akin what really loves is! As long as we hold our hands together, kahit ano mang dumating kakayanin natin ng magkasama!

trimshake · Urban
Not enough ratings
154 Chs

Kutob

Dahil sa nangyari, sobrang nagaalala si Gene.

Kanina pa ito nagiisip ng paraan kung papaano makokontak si Kate para masabi ang nangyari. Nakasara na kasi ang communication papasok ng Sinag kaya hindi nya ito makokontak.

Kailangang si Kate ang tumawag sa kanya.

Ang hindi alam ni Gene, sa mga oras na iyon hindi rin mapalagay si Kate.

Kinukutuban sya.

Pakiramdam nya may mangyayaring hindi maganda.

Hindi sya mapakali, nakakaramdam na sya ng takot.

"Kate MyWifeyLabs, anong problema at dika mapakali dyan? malapit ng mabutas ang sahig sa kakapabalik balik mo! Bakit ba ano bang gumugulo sa isip mo?"

"Hindi ko maintindihan HubbyLabs, hindi maalis ang kaba ko! May kutob akong may nangyayaring hindi maganda pero hindi ko alam kung ano!"

"WifeyLabs, baka naman masyado mo lang naiisip sila Grampy General at Madam Granny kaya namimiss mo na agad sila?"

Tiningnan ni Kate ang orasan. May dalawang oras pa lang na nakakaalis ng Sinag sila sa Gene at Belen. Marahil ay pabalik na rin ang yate na sinakyan nila.

"Hindi HubbyLabs, iba 'to! Feeling ko may hindi magandang mangyayari kaya ako kinakabahan ng ganito!"

Sabi ni Kate na kita sa expression ng mukha na maiiyak na sa sobrang pagaalala.

"Kung kinakabahan ka, bakit hindi mo kaya subukang kontakin sila Grampy General, baka masagot nila ang dahilan ng pinagaalala mo! Malay mo inaantay na nila ang tawag mo!"

Tama si Mel. Dahil ng mga oras na iyon, dinadasal ni Gene at Belen na tumawag si Kate.

"Hindi pwede, delikado!"

Sabi ni Kate.

Hindi na alam ni Mel kung paano tutulungan ang asawa dahil maging sya ay apektado na rin sa sobra nitong pagaalala.

Tumayo sya at nagtungo sa radio.

"Bakit anong gagawin?"

Tanong ni Kate.

Chechekin ko ang ospital. Mas magandang may gawin tayo kesa isipin natin ng isipin ang kutob mo."

Sagot ni Mel.

Tila napaisip si Kate at sa huli, tinawagan na rin nya ang bawat station ng security at bawat faction.

"Maging alerto kayo."

Sabi ni Kate sa lahat ng kausap nya.

Kahit papaano nabawasan ang kaba nya.

Samantala.

Habang busy sila Kate at Mel sa pagche check, kasalukuyan namang nakapasok si Arik sa loob ng ospital.

Dito sya unang nagtungo para hanapin si Prince Tobias.

Nakakuha sya ng isang uniform ng staff at nagpanggap na isa sa mga ito para madali nyang mapasok ang bawat sulok ng ospital.

Wala namang nakakita sa kanya dahil gabi na halos tulog na ang lahat.

Kahit na naka disguise, pinilit pa ring iwasan ni Arik ang mga CCTV camera at hangga't maari maaingat na walang makasalubong.

Halos lahat ng silid, napasok nya at napansin nyang putos bata ang pasyente dito. Hanggang makarating sya sa mga opisina ng duktor.

Sa office ng mga duktor ay may kanya kanya silang silid. Dun na rin kasi sila natutulog.

Halos walang laman ang silid, malamang ay busy pa sa pagrarounds. Iniisa isa ito ni Arik hangggang mapansin sya ng isang duktor na may kausap sa radyo.

Si James, kausap si Mel.

"Teka lang Mel."

Agad na tumayo si James at lumabas ng silid. Napansin nyang may staff na sumisilip sa kabilang silid.

"Saan napunta yun?"

Napakamot sa ulo si James.

Sigurado syang may nakita sya pero bakit biglang nawala?

Si Arik, patakbong umakyat sa taas sa VIP room. Alam nyang may nakakita sa kanya kaya nagmamadali syang umiwas.

"Oh, Mel, ano nga ulit 'yon? (over)"

"Wala Kuya Bayaw, nagchecheck lang! Bakit ka nga pala biglang nawala? (over)"

"May nakita kasi akong staff sumisilip sa kabilang silid kay nilapitan ko, pero biglang nawala! (over)"

"Naku, Kuya Bayaw, baka may multo dyan? (over)"

"He! Huwag mo akong takutin! Sige na matutulog na ako! (over)"

"Teka Kuya Bayaw pa ckeck na rin sa taas baka duon nagpunta ang multo! Hehe! (over and out)"

"HubbyLabs, pakiulit ang sinabi ni Kuya James, bakit daw sya biglang nawala?"

"Si Kuya Bayaw nakakita ata ng multo! Hehe! Bigla daw nawala ang staff na nakita nya!"

Nagulat si Mel ng hindi ngumiti si Kate.

"Bakit WifeyLabs?"

Pero hindi sya sinagot ni Kate, namumutla ito.

Kinuha nya ang radyo at tinawagan si Roger.

"Hello Roger, nasaan ang palaka? (over)"

"Mahimbing na pong natutulog, BigBoss (over)"

"Huwag na huwag kang aalis sa tabi nyan at huwag mo ding aalisin ang paningin mo sa kanya. Maliwanag? (over)

"BigBoss naman, sleepy na me. Naubos na energy ko kakasunod sa palakang ito. (over)"

"Seryoso ako Roger! Nanganganib yang palakang yan!"

Sumeryoso si Roger.

"Yes, BigBoss!"

'Ano na naman kaya ang nangyari at aburido na naman si BigBoss dito kay Prince kokak?'

Ngayon mukhang nagkakatotoo na ang kutob nya. Ang kutob nyang mayroon masamang mangyayari.

Tumawag sya sa tower.

"Hello tower, paki review ang surveillance cam simula ng umalis ang yate."

Ngayon si Mel naman ang kinakabahan.

"WifeyLabs, anong nangyayari?"

"Hindi ako sure pero mukhang may nakapasok sa isla at nanganganib ang palakang yun!"

"BigBoss, may nakita po kami na dumaong sa west side ng pampang."

"Gaano na sya katagal dito?"

"May isang oras at kalahati na po!"

"Juskopo! Ibig bang sabihin yung nakita ni Kuya Bayaw yung tinutukoy ng tower na nakapasok?"

"Tower, maging alisto kayo, ireport nyo sa akin kapag nakita nyo sya!"

Utos ni Kate.

Tinawagan ni Kate ang Security ng IDS Hospital at sinabi ang posibilidad na may nakapasok at naroon sa IDS Hospital.

Naalerto ang mga security at hinanap ang tinutukoy ni Kate na nakapasok pero wala na duon si Arik, nakalabas na ito at patungo na ng forest.

Mabilis syang kumilos. Napasok na nya ang lahat ng faction at building pero hindi nya nakita ang Crown Prince.

'The Crown Prince is not here, maybe they hide it in another place but where?'

*****

"BigBoss, nahalughog na namin lahat, pero hindi po namin sya makita!"

"Matahimik kayo na maghanap sa paligid at baka magtungo yun sa mga faction!"

Utos ni Kate.

"Opo, BigBoss!"

"HubbyLabs, kailangan kong magtungo sa Secret, kailangan kong mailabas agad si Palaka!"

"Sasama ako WifeyLabs at huwag kang tatanggi!"

Walang nagawa si Kate. Nauna pa nga si Mel sa sasakyan.

Mabilis na pinaandar ni Kate ang sasakyan patungong Secret at kahit malayo, napansin ito ni Arik.

'I think I got company!'

Kanina pa si Arik sa gate ng Forest pero hindi nya alam kung paaano papasok ng makita nya ang parating na sasakyan nagtago sya at ng makalapit ito, gumulong sya sa ilalim at sumabit.

Pag hinto ng sasakyan, gumulong palayo si Arik at nagtago.

Luminga linga si Kate bago pumasok, natitiyak nyang nasa malapit ang panganib pero wala syang choice, kailangan nyang itakas ang Prinsipe palabas ng Sinag Island.

Sa puntong ito natitiyak ni Arik na patungo sila sa Crown Prince. Kaduda duda kasi ang kilos nila, masyadong maingat.

Inihanda nito ang baril na may silencer para sa oras na makita nya si Prince Tobias papuputukan nya agad ito.