webnovel

Dessert pa more!

"Uhm, Wifey.... WifeyLabs, hindi ba natin sasagutin yung tawag?"

Tanong ni Mel.

"Busy tayo! Hindi pa ako tapos mag dessert!"

Sagot ni Kate

Nasa loob sila ng dating opisina ni Dr. Gonzales ng biglang maisipan ni Kate na mag dessert. Naumay daw sya sa lunch nila.

"Pero si Khim ang tumatawag, pag hindi natin sinagot yan, tyak na pupuntahan tayo nyan!"

Sabi ni Mel.

"Kaya nga bilisan na nating mag dessert!"

At sinunggaban na nito si Mel ng halik para manahimik na.

'Grabesya! Hindi pa ba sya nagsasawa, pangalawang serving na 'to?'

'Wala na bang nasa utak itong asawa ko kundi dessert?'

Naalala tuloy ni Mel nung araw na alukin sya ni Kate na maging temporary head ng ospital, nag dedessert din sila nun.

Hindi sila tumigil mag dessert hangga't hindi omuoo si Kate.

Meron pa ngang times na nanunuod sila ng tv na magasawa at tungkol sa pangangaliwa ang pinanunuod nila ng bigla na lang ipasok ni Kate ang kamay nya sa salawal ni Mel sabay sabing,

"Akin lang 'tong dessert na 'to huwag na huwag mong ipapatikim o ipapakita man lang sa iba!"

Nanggigil na sabi ni Kate.

"Jusmiyo Kate MyWifeyLabs, promise iyong iyo lang yan! Kaya pwede ba huwag mo naman masyadong panggigilan!"

At pag gabi syempre hindi pwedeng wala syang midnight dessert at pag gising sa umaga dessert pa more!

Saktong patapos na sila sa dessert ng kumatok si Khim.

TOKTOKTOK!

"Kuya Melabs, Ate Kate! Open up!"

"Si Khim!"

"Teka, kinandado mo ang pinto?"

Tanong ni Mel.

"Syempre hindi! Para mas exciting!"

Sagot ni Kate

Dali dali silang bumangon at nagbihis.

Naisuot na ni Mel ang shirt at pants nya ng buksan ni Khim ang pinto. Dali dali nya itong sinalubong.

"Kuya Melabs pumasok na ko, ang tagal mo kasing buksan! Asan si Ate Kate?"

Lilinga linga nitong hinanap ang kapatid pati si Mel ay napalinga din at napansin nyang nasa ilalim ito ng mesa nya.

"Pasensya na, nakatulog kasi ako eh, hehe! Hindi ko alam kung nasaan ang Ate mo, baka na kay Karlos."

Sagot ni Mel.

"Ay, baka nga! Sige puntahan ko na lang sya dun!"

Sabi ni Khim

Tungkol ba saan, Khim?"

"Si Grampy, gising na!"

Masayang masayang sabi ni Khim.

Nagulat si Kate ng madinig ang sinabi ni Khim, agad itong napatayo kaya nauntog ang ulo nya sa mesa.

TOG!

"Aray!"

Mabuti na lang nakaalis na si Khim at naisara na ni Mel ang pinto.

Kahit nasaktan, masayang hinarap ni Kate si Mel pero nagulat ito ng makitang seryoso ang mukha ng asawa, parang galit.

"Kate MyWifeyLabs, hindi ko na gusto ang ganito! Ayokong kung saan saan tayo nag de dessert sa opisinang ito! Gusto kong ibahin ang itsura ng silid na ito at gusto ko, maglagay ka ng secret room dito na tayo lang ang nakakaalam ng password! Maliwanag?"

Seryosong sabi ni Mel.

"Yes HubbyLabs!"

"Good! Dahil simula ngayon hindi na kita papayagang magdessert kahit saang parte ng silid ng office na ito, dun lang sa secret room! Tara na, inaantay na tayo ni Grampy!"

Kate: "Ayyyy! (Pout)"

*****

"Sa ospital kung saan naroon si Jaime at Nadine.

Inis na inis na si Tess.

Ginawa nya lahat ng paraan para makita o makausap man lang si Jaime pero hindi ito nagtagumpay.

Tapos ng magkaroon sya ng pagkakataon makapasok sa silid, tuwang tuwa sya.

"Labidabs! Miss na miss na kita!"

Inakap nya agad ito para hindi makawala pero laking gulat nya ng makita ang inakap.

"Sino ka?"

Tanong ni Tess

"Ikaw ang sino? Anong ginagawa mo dito? Bakit ka pumasok?"

Tanong ni Edwin.

Nakaakap pa si Tess kay Edwin ng pumasok si Major General at ang grupo nito.

Kilala ni Major General si Tess at nadismaya sya sa nakita.

'Kaya pala sya hiniwalayan ni General!'

'Tinulungan ko pa naman sya dahil akala ko mahal nya si General! Hmp!'

"Teka Major General, nagkakamali ka ng iniisip, hindi ko sya kilala!"

Paliwanag ni Tess na biglang bangon ng makita ang mga sundalo. Kilala nya ang ilan sa mga ito dahil minsan syang nagpakilalang misis ni Jaime.

"Wala akong pakialam! Nasaan si General? Diba dito ang silid nya?"

Tanong ni Major General Cinco.

"Huli na kayo, wala na sya rito, inilipat na ng asawa nya ng silid!

Kahit kailan ambabagal nyo!"

Sabi ni Edwin sa mga sundalo na ikinaiinis ng mga ito.

"Tara na men! Umalis na tayo dito!"

Utos ni Major General Cinco sa mga tauhan nya bago mapikon ang mga ito at baka kung ano pa ang magawa kay Edwin.

"Teka antayin nyo ako! Gusto ko ring makita si General!"

Habol ni Tess.

"Hindi! Huwag kang susunod sa amin!"

Galit na sabi ni Major General Cinco.

Walang nagawa si Tess kundi ang sumunod ng palihim.

Inutusan ni Major General ang isang tauhan niya para malaman kung saan inilipat si Jaime at ng malaman ay dagling umakyat habang nakasunod naman sa kanila si Tess.

"Naku paano yan, sumakay sila ng elevator!"

Sabi ni Tess.

Inantay nya kung saang floor baba ang mga sundalo bago ito sumunod pero nasa elevator pa lang sya binawalan na syang lumabas, may bantay.

Kita ni Tess mula elevator ang mga sundalo, nasa labas ng isang silid.

'Mukhang duon ang silid ni Labidabs! Pero papaano ako makaka lagpas sa mga gwardyang 'to?"

"Miss, bumaba na kayo! Bawal talaga kayo dito!"

"Kasamahan ako ng mga sundalong iyon. Dadalawin ko rin si General Jaime!"

Palusot ni Tess.

"Pasensya na pero mismong si General Jaime ang nagbilin sa amin na huwag magpapasok ng kung sino sino lalo na ang babaeng nagngangalang Tess!"

Sabi ng bantay.

'Jusko naman itong si Labidabs! Galit pa rin sa akin hanaggang ngayon!'

"Baka naman pwede kahit 'sang saglit lang?"

Sabay palihim na abot ng pera sa bantay.

"Miss, hindi nga pwede!"

Pumasok ito ng elevator at may pinindot na buton.

Bumaba ang elevator at pag bukas, andami ng security ang nagaabang.

"Itapon nyo yan sa labas at huwag na huwag nyo ng papasukin sa ospital! Maliwanag?!"

Initsa nya si Tess sa mga tauhan nya at muli ng nagsara ang elevator.

Bigong umalis si Tess.

Sa loob ng Suite.

"General Jaime, andyan po sa labas ang mga sundalo nyo, papasukin nyo po ba?"

Tanong ng bantay.

Tumango si Jaime.

"Anong ginagawa nyo dito? Diba dapat nasa kampo kayo ginagawa ang trabaho nyo?"

Galit na sabi ni Jaime sa mga tauhan nya.

"General nagaalala lang po kami sa inyo kaya kami nadalaw!"

"Nagaalala? Kaya ba kung kani kanino mo na lang ibinibigay ang personal number ko?"

Nagulat si Major General Cinco, hindi nya inaasahan magagalit ng ganun si Jaime sa kanya.

"Ilang beses kitang pinagkakatiwalaan Cinco pero ilang beses mo ring inilagay ang buhay ko sa alanganin dahil lang sa walang kwentang bagay!"

Hiyang hiya si Major General Cinco.

"Humihingi ako ng tawad General!"

Makakaalis na kayo!"

Tahimik lang na nasa sofa si Nadine, pinagmamasdan ang nangyayari.

'So ito palang si Major General Cinco ang pinagkakatiwalaan ng mokong na 'to!'

'Anong ginawa nya para madismaya si Jaime ng ganito?'

Walang nagawa ang mga sundalo kundi ang umalis.

Pagkaalis nila dumating naman si Joel.

"Buti naman okey ka na!"

Sabi ni Joel kay Jaime ng makitang nakaupo na ito.

"Oo naman Tito Joel, kaya ko na nga ring tumayo at magtungo sa CR.

Hindi kasi sya tinutulungan ni Nadine nakaupo lang ito, nagtatrabaho.

Si Divina ang minsang tumutulong sa kanya, pero nakasunod ng tingin si Nadine kaya binawalan nya si Divina na lapitan sya.

"Magaling, dahil ipinatatawag ka ni Ate Issay!"

Sabi ni Joel.

"Bukas na lang po kami aalis, Tito Joel."

Sabat ni Nadine

"Kami? Anong ibig mong sabihin Nadine, sasama ka sa pag hatid?"

Gulat na tanong ni Joel.

"Opo Tito Joel!"

Sagot ni Nadine kahit hindi pa pumapayag si Jaime.

"Kung ganun, hindi na ako sasama sa paghatid, inaantay na ako ng Honey Love ko! Ikaw na lang ang maghatid sa asawa mo!"

Sabi ni Joel

Next chapter