webnovel

There is US not You and I

Ang sabi ng lahat hindi raw tayo 'BAGAY' para sa isa't isa. Pero sino ba sila para pakialaman tayong dalawa? Sya lang ang lalaking nagparamdam sa akin what really loves is! As long as we hold our hands together, kahit ano mang dumating kakayanin natin ng magkasama!

trimshake · Urban
Not enough ratings
154 Chs

Binasted

Nagimbal si Jaime sa pinahayag ni Nadine.

"Tapos, iniisip mo pa rin na magiging safe kami pag naryan ka?! Nagpapatawa ka ba o nangiinis?!"

Dugtong pa ni Nadine.

"Mom, Dad, stop it! Nasa harapan kayo ni Khim, isipin nyo naman ang bata!"

Saway ni James sa parents nya.

"Ilang taon na akong nanahimik at nagtitiis sa ama mo pero ngayon husto na! Hindi ko na mapagtatakpan pa ang katarantaduhan ng ama mo!

Panahon na para malaman ng kapatid mo kung anong klaseng ama yang tatay nyo!"

Galit na sabi ni Nadine.

Kung minsan, may mga tao talagang kailangan mo pang sabihin ang mga pagkakamali nya para malaman nito na nakakasakit na sya.

"Kelan mo imumulat ang mga mata mo Jaime!

Kelan mo makikita na sobra mo ng nasasaktan ang pamilya mo?"

Singhal ni Nadine.

Tahimik lang si Jaime hindi nila alam kung ano ang iniisip nito.

"N-Nasaan ang lolo mo?"

Pinipilit nyang huwag maiyak pero pinagkakanulo sya ng boses nya.

"Nasa ayos na po si Grampy, Dad, huwag na po kayong magalala."

Sagot ni James

"S-Sabihin mo sa 'kin kung n-nasan ang L-Lolo mo...!

"Pasensya na Dad, hindi ko po pwedeng sabihin, hindi po pwede! Saka, andun po si Mel at Kate, si Kate po ang tumulong sa akin para mailigtas si Grampy, nag 50/50 po kasi sya."

"Juskupo! Papa!"

Bulalas ni Nadine.

Nanghina ito at napaupo.

Maging si Jaime ay nanghina rin ang mga tuhod at naghanap ito ng mauupuan.

"James, pakiusap, sabihin mo sa akin kung nasaang ospital ang Lolo mo, gusto ko syang makita!"

Hindi na napigilan ni Jaime ng tumulo ang luha nya.

"Hindi James! Huwag mong sasabihin sa kanya. Hindi ako papayag na magtungo ka duon at guluhin sila Kate at Mel. Kasal na sila kaya pwede ba, tantanan mo na sila!"

Pero hindi naman si Kate at Mel ang dahilan kaya gusto ni Jaime na magtungo duon kundi ang Papa nya. Si Gene.

"Hindi sila ang pupuntahan ko kundi ang Papa! At saka, hindi pa naka rehistro ang kasal ng dalawa!"

Sabi ni Jaime

"Ano sa palagay mo ang dahilan kaya sinundan ng Papa mo sila Kate at Mel? Para ayusin ang kasal nila! Pinarehistro na ng Papa ang kasal ng dalawa kaya wala ka ng magagawa, Jaime, KASAL NA SILA!"

Napahinto si Jaime, nagiisip.

Kung ang dahilan kaya nanduon ang Papa nya sa lugar na yun ay para ayusin ang kasal nila Kate at Mel, paano sya napunta sa bahay ni Dante?

Hindi nya maubos maisip pero mukhang ang dahilan ay ang huli nilang pinagusapan ng ama.

Malamang nagdesisyon ito na puntahan si Dante matapos silang magusap ni Gene.

"Daddy please, tama na po, tumigil na po kayo! Pabayaan nyo na po sila Ate Kate at Kuya Mel, mahal na mahal po nila ang isa't isa! Hindi ba dapat po masaya kayo para kay Ate Kate? Bakit po ba ayaw nyong maging masaya si Ate Kate?"

Sabi ni Khim.

Tila natauhan si Jaime. Tumayo ito at nanlulumong lumabas ng silid.

*****

Kanina pa paikot ikot si Dr. Gonzales pero hindi nya makita sila Kate.

Hindi naman sya maka pasok sa ICU dahil yung buong floor ay may bantay at nasa elevator pa lang sya, may sumisita na sa kanya.

Inis na inis na sya.

"Ako ang Head Director ng ospital pero pinagbabawalan nyo akong makapasok? Unbelievable!"

Reklamo nya sa mga security.

Naiinis na sya dahil pinaguusapan na sya ng mga staff.

Lahat kasing paraan ginawa nya para makapunta sa ICU pero hindi sya makalagpas sa mga security.

"Dr. Gonzales, wala kaming pakialam kung director head ka sa ospital na ito, hindi ikaw si Big Boss kaya anong nirereklamo mo?"

Sagot ng security.

"Aba't ...."

Nanlalaki ang ilong nito sa inis pero hindi na pwedeng galitin ang mga ito dahil hindi sya ang boss ng mga ito.

Huminga syang malalim, pilit na pinapahupa ang galit.

"Kung hindi mo ako papasukin pwede ko bang malaman kung naryan si Mrs. Kate de Guzman? Gusto ko kasi syang makausap."

Mahinahong sabi ni Dr. Gonzales.

"Umalis ka na, kung ayaw mong ipatapon kita sa labas ng ospital!ALIS!"

Singhal ng security.

Inis na rin ito sa patuloy na pangungulit ni Dr. Gonzales.

Napatingin ang mga naroon at nagulat ng makita na ang director head ng ospital ang sinusuway ng security.

Napahiya si Dr. Gonzales sa pagpapalayas sa kanya ng security.

Nadinig ito ng mga staff ng ospital at pinagtitinginan na sya kaya nagmamadali itong umalis at nagtungo ng opisina nya.

Pero hindi lang pala ang mga staff ang nakarinig, sa pagpapaalis sa kanya. Maging sila Mel, Kate at Vicky nadinig din ito.

Napatingin tuloy sila.

"When are you planning to deal with those people?"

Tanong ni Vicky kay Kate.

"Pag nakapag rest na ako. Nakakapagod pala ang surgery!"

Sagot ni Kate.

Tingin ko, wala silang planong tigilan ka. Much better to deal with them as soon as possible."

"Huwag kang magaalala Sister Vicky, inuumpisahan na sya ni Kate MyWifeyLabs. Uunahin muna nya yung dalawang walang pusong heart doctor tapos saka nya isusunod yang si Bighead director!"

Paliwanag ni Mel.

Natutuwa talaga itong si Vicky kay Mel. Pero pinigilan nya ang sarili dahil alam nyang kanina pa panay ang sulyap ni Kate sa kanya. Naiilang tuloy sya.

Alerto kasi si Kate at baka kurutin na naman ni Vicky ang pisngi ni Mel.

'Subukan mong kurutin ulit ang HubbyMeLabs ko, babaliin ko yang kamay mo!'

Pero si Mel, hindi nya napapansin ang tensyon sa dalawa. Patuloy lang ito sa pagsasalita.

"Oonga pala Sister Vicky, bakit nga pala 'CHUPPE' ang tawag mo kay Kuya Bayaw?"

Tanong ni Mel kay Vicky

"Torpe kasi yang si Khristoffer!"

Napataas ang kilay ni Kate.

'Khristoffer talaga?'

Lahat kasi JAMES ang tawag sa kapatid nya ito ang first time na madinig nyang may tumawag sa second name ng Kuya nya kaya nagtanong sya.

"Vicky, may gusto ka ba sa Kuya ko?"

Deretsahang tanong ni Kate.

"Yeah, once upon a time."

Deretsahang pag amin ni Vicky.

Hindi nya ito idedeny dahil totoo ito.

"Talaga Sister Vicky? Tapos anong nangyari, nalaman ba ni Kuya Bayaw?"

Usisa ni Mel.

"Nagtapat ako ng feelings ko sa kanya pero .... binasted nya ko!"

Pagtatapat ni Vicky.

Magandang malaman na nila para hindi na sya pagselosan ni Kate.

"Ohhh, ang sakit naman! Tapos?"

Usisa pa ni Mel.

"Ayun, nag try to move on nag hanap ng iba pero ginamit at niloko lang ako, Kaya eto ngayon, heart broken, inwan ng jowa at pinagpalit sa iba!"

'Ito kayang si Vicky ang minsang naikwento ni Kuya sa akin na kursunada nyang girl?'

"Pwede bang malaman kung anong dahilan ni Kuya bakit ka nya binasted?"

Tanong ni Kate.

"Not sure but it has something to do with your Dad. Natatakot daw syang baka maging katulad ng tatay nyo!"

*****

Samantala.

Nagpupuyos sa galit si Dr. Gonzales pagbalik ng opisina. Inis na inis ito dahil napahiya sya.

Pinahiya sya!

"Mga bwisit na mga 'to, nanadya na talaga!"

Napipikon na sya dahil ang feeling nya nageefort na nga sya para makausap si Kate pero parang balewala lang ang effort nya.

Ginagawa nya lang naman ito dahil sa sinabi ni Don Miguel na istimahing mabuti si Kate.

"Hindi man lang ba nya naintindihan ang sinabi ko sa kanya na ako ang panginoon sa Ospital na ito?

Winarningan ko na sya!"

Samantala, habang nagsisintimyento si Dr. Gonzales sa opisina nya, nagulat naman sila Dr. Santy at Dr. Alonso sa sulat na dumating sa office nila.

Termination Letter.

Happy Holidays everyone!

God bless us all!

Stay safe!

trimshakecreators' thoughts