webnovel

Ang Panaginip Ni Kate

"But Elise, it's just a dream!"

Sabi ni Ethan ng makita ang reaksyon ni Kate.

Tiningnan sya ng matalim ni Mel.

'Anong just a dream na pinagsasabi ng mokong na 'to?'

'Kung makaasata itong lokong 'to kala mo kilalala kilala nya si WifeyLabs ko!'

"What? Why are you looking at me like that? Sabi nila ang dream daw ay kabaligtaran sa nangyayari sa reality!"

Paliwanag ni Ethan ng makita ang mga mata ni Mel na nanlilisik na nakatingin sa kanya.

"Ethan, shut up please! Dimo ba nakikita na super takot na si WifeyLabs ko?"

"Okey, I'm sorry! But who is this Lola Issay ba na napanaginipan ni Elise? Grandmother nya?"

"Nanaynanayan ng Mommy nya so ganun na rin yun lola nya na rin. Kaya nga Lola Issay tawag nya kay Lola Ganda eh!

Malaking impluwensya sya sa life ng Mommy nya at sa life din ni Kate MyLabs."

"Melabs, please tawagan mo si Lola Issay! Please, please, please, please! Huhuhu!"

Kinabahan si Mel.

Ngayon lang nya ulit nakita ng ganito si Kate, yung huli ay sa Lolo Grampy nya.

"Oo MyLabs, tatawagan natin si Lola Issay. Pero pwede bang bukas na? Baka kasi natutulog pa sya!"

"Nooo! I need to talk to Lola Issay! Now! I must hear her voice! I want to make sure that she's fine! Huhuhu!"

"Okey! Okey! Gagawa ako ng paraan para matawagan sya!"

Tarantang sagot ni Mel sabay kuha ng phone.

Pero ang problema, hindi nya alam kung paano nya kokontakin si Issay. Wala naman kasi syang contact number nito.

At isa pa, paano nya ipapaliwanag ang pangiistorbong gagawin nya ng alas tres ng madaling araw?

Tyak na magagalit sa kanya si Don Miguel pag ginawa nya yun.

'Jusko, baka ibitin ako ng patiwarik nun!'

Nanindig ang mga balahibo ni Mel sa takot pag naiisip ang kayang gawin sa kanya ni Don Miguel.

'Juskolord bahala na!'

Sinubukan nyang hingin ang tulong ni Eunice.

"Bakit Elise? Bakit ka ba nagkakaganyan? Ano bang napanaginipan mo at sobrang takot mo?"

Inosenteng tanong ni Ethan na nakakaramdam na rin ng kaba ng makitang nanginginig na sa takot si Kate.

"Si Lola Issay ... nakita ko sya... Huhuhu!"

Hindi madiretso ni Kate ang sasabihin nya iyak lang ng iyak.

Mel: "Hello Sissy, pasensya na kung nagising kita. Emergency lang!"

Eunice: "Bakit Beshy, anong nangyari?

At bakit umiiyak si Ate Kate?"

"Elise ano ba talagang napanaginipan mo? Sabihin mo please baka makatulong mawala ang takot mo pag sinabi mo!"

Pangungulit ni Ethan.

Eunice: "Anong nangyari Beshy? Binangungot ba si Ate Kate?"

Tanong ni Eunice ng narinig ang sinasabi ni Ethan.

Mel: "Oo Sissy at si Lola Ganda ang napanaginipan nya! Gusto nya ngayon makausap si Lola Ganda pero hindi ko alam kung papaano sya kokontakin kaya ikaw ang tinwagan ko!"

"Melabs si Eunie ba yan?"

"Oo WifeyLabs. Sya ang hihingan ko ng tulong para makausap natin si Lola Ganda!"

"Pakausap!"

At binigay ni Mel ang cellphone kay Kate.

Kate: "Eunie, huhuhu! .... Si Lola Issay! Huhuhu!"

Eunice: "Bakit Ate Kate tungkol ba saan ang panaginip mo kay Lola Issay?"

Kate: "Si Lola Issay ... Si Lola Issay ... namatay sya at wala akong nagawa! Huhuhu!

Wala akong nagawa dahil hindi ko maibalik ang memorya ko!

Waaaaahhh!"

Kinilabutan sa takot silang lahat.

*****

Eunice: "Lolo Miggs, bakit po ba ayaw nyong ipakiusap sa akin si Lola Issay? Please naman po, kailangan po syang makausap ni Ate Kate!"

Pagmamakaawa ni Eunice kay Don Miguel.

Natuwa si Eunice ng sagutin ni Issay ang tawag nya pero laking dismaya nito ng malamang si Don Miguel pala ang nakasagot.

Don Miguel: "Bakit ba? Hindi mo ba alam kung anong oras pa lang Eunice? Ala ka bang relo?

Hindi pa tumitilaok ang manok nangiistorbo ka na!

Saka, napagod ang asawa ko sa ginawa nya buong maghapon kaya ayaw ko syang gisingin para makapangpahinga ng matagal!"

Totoong napagod si Issay dahil marami itong pinuntahan na mga charity works nya.

Eunice: "Lolo Miggs naman eh! Emergency nga po ito!"

Nakukulitan na si Eunice kay Don Miguel.

Don Miguel: "At anong emergency nga yan? Hindi ba yan makakapaghintay ng bukas?"

Eunice: "Tungkol nga po kay Ate Kate! Kailangan po ni Ate na makausap si Lola Issay! So please pagbigyan nyo na po!"

Don Miguel: "At bakit naman sya gustong makausap ng pinsang mong yan, aber?"

'Jusmiyo si Lolo Miggs, maiiga na ko sa pangungulit!'

Hindi nya kasi masabi kay Don Miguel ang tunay na dahilan. Ayaw nya rin kasing magalala ito.

Pero kanina pa sila naguusap at hindi pa rin nya nagagawa ng pakay nya.

'Mukhang kailangan ko ng sabihin kay Lolo Miggs ang totoo!'

Eunice: "Kasi po Lolo Miggs, nanaginip po ng hindi maganda si Ate Kate at si Lola Issay po ang napanaginipan nya. Kaya gusto nya itong makausap!"

Nakaramdam ng konting kaba si Don Miguel.

Una, dahil tungkol ito sa pinakamamahal nyang asawa. Pangalawa, alam nyang pag nanaginip si Kate ng ganito, madalas nagkakatotoo.

Eunice: "Kaya po Lolo Miggs ipakausap nyo na po si Lola Issay para mawala na po ang panginginig sa takot ni Ate Kate!"

Don Miguel: "Okey, sige ako na ang kakausap sa pinsan mo."

At ibinaba na nito ang phone, hindi na inantay sumagot si Eunice.

Pagkatapos nuon ay tinawagan naman ni Don Miguel si Kate para tanungin tungkol sa napanaginipan nito.

Mas lalong kinabahan si Don Miguel pero hindi nya pinahalata kay Kate.

Don Miguel: "Pasensya ka na Kate pero hindi ko pwedeng ipakiusap si Lola Issay mo sa'yo. Masyado syang napagod at kailangan nyang makapahinga ng masyos. Pero bubuksan ko ang video para makita mo!"

Nang makita ni Kate si Issay na mahimbing na natutulog saka lang ito kumalma.

*****

Kinabukasan.

Nagtungo sila sa resort sa Pampanga kung saan naroon ang negosyo nilang Nature's Secret Whisper SPA.

Hindi pa rin nalilimutan ni Kate ang napanaginipan nya at nagaalala pa rin sya.

Gusto sana nyang makita ang Lola Issay nya pero hindi pumayag si Don Miguel kaya maa minabuti na lang nya na magtungo sa SPA gaya ng napagkasunduan nila.

'Gagawin ko ito para kaya Lola Issay!'

'Kailangan kong maibalik lahat ng memories ko para hindi matuloy ang napanaginipan ko!'

Pero ang hindi inaasahan ni Kate hindi memories nya ang babalik kundi ang isang sikretong matagal ng ibinaon sa limot.

Next chapter