webnovel

There is US not You and I

Ang sabi ng lahat hindi raw tayo 'BAGAY' para sa isa't isa. Pero sino ba sila para pakialaman tayong dalawa? Sya lang ang lalaking nagparamdam sa akin what really loves is! As long as we hold our hands together, kahit ano mang dumating kakayanin natin ng magkasama!

trimshake · Urban
Not enough ratings
154 Chs

And Your Being Rude!

"Sino si Eleanor, Jaime? Babae mo?"

Napakunot ang kilay ni Jaime.

"Anong pinagsasabi mo at anong bang pakialam mo?"

"Meron akong pakialam dahil isa ako sa residente ng Little Manor at yung Eleanor na sinasabi mo ay may mga kasama at yung isa ay nagwawala ngayon sa labas ng gate nagpupumilit na makapasok!"

Naguguluhan si Jaime.

'Anong dahilan at narito si Elise?'

'At paano nya nalaman ang Little Manor?'

Sa record kasi ni Jaime, ang residente na inilagay nya ay ang bahay nya sa kampo at ang bahay nila sa San Roque. Kaya bihira ang nakakaalam sa Little Manor.

Hindi nya pagaari ang bahay na ito, kay Nadine ang property na ito.

"Teka lang sandali. Si Eleanor ay isa sa VIP guest ng resort kung saan kami nanggaling ng mga bata."

Sagot ni Nicole.

"Kung guest sya ng resort bakit nya kayo sinundan rito sa Little Manor at bakit nya hinahanap si Jaime?"

Tanong ni Edmund na puno ng pagdududa.

Napatingin ang magasawa kila Jaime at Nadine, puno ng mga tanong.

Nataranta si Nadine.

"S-S-Sya ang ex fiancee ni Jaime."

"Ex ... fiancee?"

Sabay na bulalas ng magasawang Nicole at Edmund, nagkatinginan pa ang mga ito.

"Teka lang! Bakit hindi ko 'to alam? May una kang pinangakuan ng kasal bago ang kaibigan ko?"

Singhal ni Edmund kay Jaime, nanlilisik ang mga mata nito.

"Honey, kahit ako hindi ko rin alam! Walang nabanggit sa amin si Ate, ikaw pa!"

Sabay tingin sa ate nya na puno ng pagkadismaya.

"Ate Nadine, bakit mo ito itinago sa amin? Dahil ba sa Papa, dahil ayaw nyang payagan ang relasyon nyo?"

Eto na nga ba ang kinatatakutan ni Nadine ang sumbatan sya ng pamilya nya.

Lalo tuloy syang nataranta na ikinabahala naman ni Jaime.

"Nicole, pwede ba, huwag mong sisihin ang Ate Nadine mo! Wala syang kasalanan!"

"Tama! Wala ngang kasalanan si Nadine dahil ikaw ang may kasalanan! Naalala ko pa, nagmamadali kang makasal nuon kay Nadine, bakit, dahil ba sa babaeng yun?"

Sumbat ni Edmund ng maalala ang araw na umuwi si Nadine pagkatapos nitong magaral mula sa ibang bansa.

Napaisip din bigla si Nicole ng maalala ang araw na iyon.

"Teka lang, bakit ba ako nagpapaliwanag sa inyo? Nakaraan na yun!"

"Dahil kailangan mong magpapaliwanag kasi yung nakaraan mo andyan sa labas nanggugulo!"

"Gaya ng nasabi ko nakaraan na sya! Period! Bago pa ko sinagot ni Nadine nakipag break na ako kay Elise at kahit si Nadine alam nya yun!"

"Elise?

Teka lang sandali Kuya Jaime, huwag mong sabihin ang tinutukoy mong Elise ay si Eleanor na nasa labas ng gate ng Little Manor?"

"Oo yan ang tawag ko sa kanya."

Deretsahang sagot ni Jaime para matahimik na ang dalawang magasawa na ito na pinagtutulungan sya.

Nakaramdam ng kirot sa puso si Nadine ng aminin ito ni Jaime pero ni hindi man lang napansin ng asawa nya ang naging reaction nya ng banggitin nito ang palayaw na ibinigay nya sa dati nitong fiancee.

Ngunit hindi ito nakatakas sa matalas na paningin ni Edmund.

Napansin nyang nasasaktan si Nadine. Apektado ito sa presensya ni Eleanor at ngayon lang nya nakitang ganito ang kaibigan.

Kahit kelan never nyang nakitang apektado ito sa mga babaeng nainvolve sa asawa nyang si Jaime, ngayon lang.

"Hahaha!"

Nagulat ang lahat sa biglang pagtawa si Nicole.

"Bakit ka tumatawa dyan? Seryosong usapin 'to!"

Tanong ni Edmund sa asawa.

"Kasi Honey, kanina, nakilala ko si Ethan. Remember yung guy na nagligtas at nakasama ni Kate sa isla?"

Lahat sila nakatingin kay Nicole, pareparehong naguguluhan kung ano bang pinagsasabi nya.

"Ganito kasi yun, kanina, may natuklasan kami bago kami umuwi ng mga bata tungkol kay Ethan .... at kay Eleanor!"

Pero bigla itong huminto at pinagmasdan ang reaction ng tatlo na parang nananadya.

"?????"

"Ano ba Honey sabihin mo na, nabibitin kami!"

"Si Eleanor ang mother ni Ethan!"

"HUH?!"

Pagkatapos nun ay sabay sabay naman silang napatingin kay Jaime.

"Oh, bakit kayo nakatingin sa akin ng ganyan?"

"Anak mo ba si Ethan?"

Tanong agad ni Edmund.

"Ha? Hindi!"

"Sigurado ka?"

Galit na tanong ni Jaime.

Pero hindi sya pinansin ni Jaime bagkus ay hinarap ang asawa na kanina pa tahimik na nakaupo sa tabi nya.

"Ling, sure ako! Nagkahiwalay kami ng maayos ni Eleanor. Alam mo yun!"

Paliwanag ni Jaime kay Nadine pilit itong kinumbinsi.

"Pero Jaime, paano kung .... paano kung hindi nya sinabi sa'yo? Paano kung sinadya nyang ilihim ito sa'yo ng mahabang panahon?"

Nagaalalang sabi ni Nadine.

Napaisip bigla si Jaime.

Nameet na nya si Ethan at aminado syang kinagiliwan nya ito simula pa lamang dahil sa sundalo ito. Yun lang.

'Pero paano nga kung .... '

Hindi alam ni Jaime ang iisipin.

Samantala, nagkaron tuloy ng interes si Edmund na makita si Ethan. Gusto nyang makita kung may resemblance sila ni Jaime.

"Guard, papasukin mo ang mga bisita!"

This time nagulat naman sila sa ginawa ni Edmund at napatingin sa kanya.

"What? curious ako dun kay Ethan at dun sa ex fiancee!"

*****

"Where's Elise?"

Tanong agad ni Ethan pagpasok nito ng bahay nila Nadine.

"Shhh! Ethan, where's your manner?

This is not our house!"

Suway ni Eleanor sa anak.

Hindi naman nagsasalita ang apat na dinatnan dahil pare pareho silang busy sa pagtingin kay Ethan, hinahanap ang resemblance ni Jaime sa kanya.

Pero wala silang makita.

'Anak ko ba talaga ito? Bakit ala akong makita na kahit ano na mahahawig sa akin?'

Tanong ni Jaime sa sarili.

'Ilang taon na kaya ang batang ito? Sa tantya ko halos kasing edad sya ni James.'

Tanong ni Nadine sa sarili.

'Hindi ko makita ang resemblance nya kay Kuya Jaime pero maliban sa height, magkasing height sila!'

Bulong ni Nicole sa sarili.

'So eto pala ang ex fiancee ni Jaime, no wonder na iinsecure si Nadine dito, maganda sya!'

'Pero hindi kamukha ni Jaime etong si Ethan!'

Sabi ni Edmund sa sarili na parang nanghihinayang at hindi nya makita ang resemblance ng dalawa.

Tumahimik naman si Ethan ng makitang nakatingin ang apat na dinatnan sa kanya.

"Uhm, sorry kung biglaan kaming napunta dito. May need lang kasi akong sabihin sa inyo."

Sabi ni Eleanor.

"Pareng Jaime, Nadine, pasensya na kung napasugod kami."

Usal ni Adrian

"Adrian, hindi ko bahay ito, bahay 'to ng asawa ko. Sana man lang tumawag ka na pupunta ka. Respeto naman!"

Naiinis na sabi ni Jaime.

"I'm sorry Jaime, pero huwag mong sisihin si Adrian dahil ako ang namilit sa kanya!"

Sabi ni Eleanor.

Napataas ang kilay ni Jaime sabay tingin kay Adrian na hindi makatingin sa kanya. Nahihiya.

Batid ni Jaime na may gusto itong si Adrian kay Eleanor nuon pa kaya hindi na sya magtataka kung madali syang napapayag ni Eleanor.

"Sorry Sir Jaime, pero kailangan ko ng makita si Elise, nasaan ba sya?"

Iginala ni Ethan ang mga mata nya hinahanap si Kate.

"Elise! Elise! Asan ka?"

Sigaw ni Ethan ng hindi ito makita.

At ng wala syang madinig ng sagot, sinubukan nitong humakbang para hanapin si Kate pero hinarang sya ni Edmund.

"Excuse me youngman pero walang Elise na nakatira dito and your being rude!"

Sabi ni Edmund kay Ethan.