webnovel

Their "One and Only"

Si Zelene Vargas ay nawalay na sa piling ng kaniyang ama sa murang edad kaya nanatili lamang siya sa tabi ng ina na nagpasyahang mag asawang muli sa isang napakayaman at maimpluwensyang tao sa mundo na ginagalang ng lahat. Lahat ay maayos at maganda ngunit paano kung malalaman niya na may mga lalaki itong anak? Tatanggapin kaya siya ng mga ito o gawing miserable ng mga ito ang kaniyang buhay?

Serenitycal · Teen
Not enough ratings
12 Chs

Chapter 5

Pagka-ring nang bell ay kaagad nagsilabasan ang mga abnormal. Inunahan pa talagang makalabas si Sir Jerome, ang science teacher namin. Lunch time na kaya nagsitalunan na ang mga alaga ko sa tiyan. Niligpit ko muna ang mga gamit ko sa bag saka tumayo para pumuntang cafeteria. Iniwan na ako ng mga abnormal kaya operation hanapin ang cafeteria. Nakakalito kasi ang map.

Lalabas na sana ako kaso tinawag ako ni Sir Jerome. "Po?" Lumapit siya sa akin. "Bakit ka nandito? Hindi ka dapat nandito." Napabuntong hininga ako sa sinabi niya.

"Ewan ko nga din po. Ito po talaga ang ibinigay na klase sa akin ng head. Ayaw ko naman mag reklamo."

"Siya, sige, pero mag-iingat ka sa kanila. Goodluck." Tinapik niya ako sa balikat bago lumabas.

Wala naman silang ipag-alala dahil kaya ko naman ipagtanggol ang sarili ko sa kanila. Ano pang silbi nang mga natutunan ko sa iba't-ibang martial arts, 'di ba? Biglang tumunog ang tiyan ko kaya napahawak ako doon. Sabi ko nga, kakain na ako.

Pagkatapos nang ilang minutong paghahanap sa cafeteria ay sa wakas at natagpuan ko din. Halos mamangha pa ako sa kung gaano ka elegante ang loob--parang restaurant!

"Bawal ka dito, miss." Natigil ako sa paglilibot nang may humarang sa akin na tatlong lalaki. Naguguluhan naman akong nakatingin sa kanila.

"Ha? Bakit?"

"Bawal ang class E dito." Sabi no'ng isa na may pagkalakihan ang boses kaya napunta sa amin ang atensyon ng iba. Hindi ko na lamang pinansin ang mga chismoso't chismosa na nagbubulungan at humarap doon sa tatlo.

"Gutom na ako kaya kung ayaw niyong kayo ang kainin ko, magsi-layas kayong tatlo sa harapan ko." Galitin niyo lang ang lahat huwag lang ang gutom na ako.

Lalagpasan ko na sana sila nang hinawakan ako ng isa sa kanila. Mabuti nalang at expected action ko na 'yon dahil kung hindi at nagulat ako, baka nasuntok ko na siya ngayon. Huminga ako ng malalim saka binigyan siya ng pekeng ngiti.

"Let me go." Kahit nandidiri na ako sa pinag-gagawa ko ngayon ay pilit ko pa ring nakiusap sa bwisit na 'to. Ayaw kong makipag away sa unang araw ko dito at baka ma-dissapoint pa sa akin si Mr. Walton. Sayang lang ang lahat ng nagasto niya sa pagpapa-aral sa akin kung makikipag basag ulo lang din naman ang ipinunta ko dito.

"Palabasin niyo na 'yan!" Sumabat ang isa niyang kasamahan kaya napa-irap ako.

"Don't test my patience, assholes." Nginitian ko siya nang may pangaasar. Naramdaman ko namang humigpit ang pagkakahawak ng hayop na nasa tabi ko sa braso ko. I didn't react of what he did. I experienced worsed than that kaso nga lang alam kong mag-iiwan 'yon ng marka.

"Anong sabi mo?!" Aakmang kakaladkarin na sana niya ako ng may marinig kaming baritong boses sa likod ko.

"What's going on here?"

Parang namutla naman ang gago habang nakatingin sa likod ko kaya dahil sa kuryosidad ay lumingon ako. Nakataas ang kilay kong tumingala sa tatlong lalaki na nasa harapan namin ngayon. Naramdaman ko naman ang panginginig ng may hawak sa akin ngayon. Sinamaan siya ng tingin ng nasa gitna kaya bumitaw siya ng tuluyan at tumabi doon sa lalaking gago.

"WIll no one answer my question?" He spoke again.

Nanatili lamang tahimik ang mga gago hanggang sa nagsalita ang isang lalaki sa kabilang panig. "No creo que hable." The left guy said.

I understood what he had said. I've learned to many languages and spanish is one of them. My hobby is to learn new things kaya malaki din ang benefits nito sa akin kagaya nalang ngayon.

"¿Quiénes son estos pendejos?" The middle guy suddenly ask. He was looking at those assholes boredly. He even raised his brows.

Translation: "Who are this assholes?"

"Creo que son de la clase B." The left guy said again.

Translation: I think they are in Class B

"¿Deberíamos golpear a estos pendejos?" The middle guy again.

Translation: Should we beat this assholes up?

"Calma tu mierda. No querrás que te pegue Henry, ¿verdad?" The right guy scold him.

Translation: Calm your shit down. You don't want to get beaten by Henry, right?"

"Tsk." Lang ang nasabi niya saka siya tumingin sa akin. Tinaasan ko naman siya ng kilay pero ngumisi lang siya. Problema nito?

"You three, get the fuck out." Sabi nang nasa kanan na lalaki. Kaagad namang nagsilayas ang tatlong gago na kanina pa ata nanginginig. Nang maka-alis sila ay katahimikan ang namayani sa lahat. Nakatingin lamang ang lahat sa tatlong lalaking nasa gilid ko ngayon. Inaabangan ata nila ang susunod nilang gagawin.

Sino nga ba talaga sila?

"What are you all looking at?!" The middle guy shouted dahilan para bumalik sa kani-kanilang ginagawa ang lahat. Him and his attitude, really.

Nagkibit-balikat na lamang ako saka sila tinalikuran dahil nagugutom na talaga ako.

"¿Esa es ella?"

...

Nang mag ring ang bell ay sakto din na papasok na ako sa room namin. Ngunit ilang minuto pa ang nakalipas ay hindi pa din nagsibalikan ang mga abnormal kong mga kaklase. May narinig akong mga hakbang patungo dito kaya napatingin ako sa pintuan pero ang susunod na teacher lang pala namin.

"Where's your classmates?" Tanong niya ng makitang ako lang ang mag-isa dito.

"Hindi ko nga rin po alam." Pagkasabi ko n'on ay nagsalubong ang matataray niyang mga kilay saka inis na umalis ng silid.

Napabuntong hininga na lamang ako. Panibagong guro na naman ang hindi magtuturo dahil sa kanila. Nasaan naba kasi ang mga abnormal na 'yon?

"You could've let me punch just once on those assholes."

"We can't let that happen."

"Lagot talaga ang mga gagong 'yon sa underground."

Ilang minuto ang lumipas ay may naririnig na akong mga boses sa labas na paniguradong sa mga abnormal galing. Speaking of the devil. Hindi ako kumibo at nanatiling nakapikit ang mga mata habang naka lagay ang mga ulo ko sa lamesa. Wala na namang klase, iidlip nalang ko. Tsk!

Narinig kong nagsibalikan na sila sa kani-kanilang upuan. Bahagyang kumunot ang noo ko ng wala ako masyadong naririnig na ingay sa kanila. Not that I'm complaining, it's just unusual since ang iingay nila always.

Kaagad akong napatayo sa kinauupuan ng maramdamang may humawak sa braso ko– si Tristan. Napatingin silang lahat sa aming dalawa na may pagtataka sa mga mukha.

"What the fvck are you doing?" Kalmang tanong ko.

"Woah! Chill, baby! I was just checking your arms. Anong nangyari d'yan?" Napatingin naman ako sa braso ko. Ito na nga ba ang sinasabi ko, nagkulay purple na siya. Hindi naman siya masakit pero nagmumukha siyang masakit.

"Wala."

"Anong wala? Nasaan ang gumawa niyan sa 'yo at masapak ko?" Kinindatan niya pa ako. Inikutan ko lamang siya ng mata.

Kinukulit niya pa ako kung sinong gumawa nito sa akin pero nanatili lamang akong tahimik. Napapansin ko ring nakatingin ang iba sa amin, nakiki-chismis.

Napatingin ako sa cellphone ko ng tumunog 'yon.

From: Mr. Walton

Zee, your mom got into an accident. Come here, ASAP. Your driver is going to pick you up.

Napatulala ako sa nabasa. I process the information I read. Parang nawalan ako ng dugo sa mukha at nanginginig ang kamay kong nakahawak pa din sa cellphone.

"Zelene? Are you okay?" Dahil sa boses ni Tristan ay napabalik ako sa ulirat. Hindi ko na sila pinansin at kaagad kinuha ang mga gamit ko saka tumakbo palabas.

This can't be happening!