webnovel

Tres

"Ms. Albedo will guide you to your own office. She will explain to you what you need and are supposed to do. She will be the one to guide you on your first week of work." Sambit niya habang nakatingin sa papeles na hawak-hawak niya.

Nasa opisina niya kami ngayon at kasama naming dalawa ang tinutukoy niya na si Ms. Albedo. Nginitian ko naman si Ms. Albedo at nginitian niya rin ako pabalik. All gray ang opisina ni Sir. Peter, walang kabuhay-buhay.

Ang makikita mo lamang ay isang sofa at mga drawer kahit ni isang painting wala kang makikita. Walang kabuhay-buhay pero baka gano'n lang talaga ang trip ni Sir sa kanyang buhay at labas na ako doon.

"Do you still have questions?" Iniangat niya ang tingin niya at nag-tama ang aming tingin.

"None, sir," I replied.

Lumabas kami ni Ms. Albedo sa opisina ni Sir Peter at ginaya niya ako sa isang hallway marami akong nakikitang cubicles. 'Pag ka dating ni Sir ay gano'n rin ang pagdating ng mga empleyado niya.

"Is this your first time?" Tanong sa akin ni Ms. Albedo.

"Opo, pero I think naman na I'll do well in this job." Sagot ko.

Kahit na wala akong expercience o ano pa man niyan ay matalino ako at magimik na tao. Kaya ko na gawin ang trabaho na ito.

"Walang tumatagal na emplayado kay Sir. Alam mo naman masungit at masama ang ugali ni hindi nga marunong ngumiti. Sa isang linggo ay dalawang beses iyang nagpapalit ng mga sekretarya. Iyong iba siguro hindi nakayanan ang ugali ni Sir." Natatawa na sabi ni Ms. Albedo.

"Ganun po ba Ms. Albedo?" Nakakakaba naman ito, baka hindi rin ako tumagal!

Pero no! Tatagal ako! Kailangan ko ng pera, aahon ko ang pamilya ko sa hirap!

"Oo," sagot niya.

"Sekretarya ako ng kanyang Ama, Sir is under surveillance at ako ang taga-bantay niya ngayon."

"Po? Bakit naman po?" Takang tanong ko.

"Walang tiwala ang kanyang Ama sa kanya." Deritsahang sagot sa akin ni Ms. Albedo na siyang ikinatahimik ko. Ayoko na lang mag-salita.

Sinamahan ako ni Ms. Albedo na libutin ang kompanya, habang naglilibot kaming dalawa ay marami akong nakakasalamuha dahil pinapakilala ako ni Ms. Albedo bilang bagong sekretarya ni Sir.

May naririnig pa ako na mga bulungan na 'hindi raw ako tatagal' Hindi ko nalang pinapansin.

Kinukuwento rin ni Ms. Albedo sa akin ang history ng kompanya. Sinasabi niya sa akin kung ano ang kailangan kong gawin.

"Kailangan alam mo ang mga gawain mo, sauluhin mo ang mga sinasabi ko sayo kasi kung hindi ka tatagal sa boss mo. Kailangan mo rin malaman kung ano ang tama at gustong lasa sa kape ng boss mo. He likes coffee and he orders it three times a day, kung hindi niya nagustuhan baka itapon niya lang sayo." She said and sighed sa huli niyang sinabi.

"Yes, boss!" nakangiting sabi ko sabay salute kay Ms. Albedo.

"Ano po pala full name ni Sir?" I blurted out of nowhere.

"Ah? Ini-expect ko na tatanongin mo iyan, ganiyan parati ang bungad ng mga naging sekretarya niya sa akin." Natawa naman ako. "Hindi kasi siyang mahilig magpakilala, ayaw niya lang."

"Jupiter Dagon."

"Po?"

"Jupiter Dagon ang kanyang ngalan."

Napalunok ako dahil may kakaibang dating ang kanyang pangalan. Akala ko simpleng 'Peter' lang ang kanyang ngalan ngunit hindi. Palayaw na niya siguro ang pangalang Peter kaya gano'n. Napakagandang ngalan, natatangi ang kanyang ngalan.

"'Kay gandang ngalan diba? Sa mitolohiyang Greek ay si Zeus iyon pero sa mga Romano ang Jupiter. Magandang pumili ang kanyang Ina ng mga pangalan." Manghang sabi ni Ms. Albedo.

"Ang pangalang Jupiter ay ibig sabihing the Best and Greatest. Jupiter is associated with the principles of growth, expansion, healing, prosperity, good fortune, and miracles. Bagay na bagay ang kanyang pangalan sa kaniya." Manghang dagdag muli ni Ms. Albedo samantala ako ay nakanganga sa harap niya.

Tama nga, inihalintulad ko noon ang aking boss na mukha siyang isang Greek God pero mukhang tama nga ako. He might be a God reincarnated in the world to snatch every girl's heart with just one look.

"O'siya, andito ka na sa iyong sariling opisina. Malapit lang ito sa opisina ni Sir para hindi ka mahirapan kung tatawagin ka man niya."

"Salamat po," I said at yumuko.

"Walang ano man," nakangiti niyang sabi at nawala na siya sa harap ko.

Nilakihan ko ang bukas ng sliding door ng pintuan ng opisina ko at tuluyan nang pumasok. May nakita akong agad na mga nag taasang papeles sa lamesa ko na halos maging dahilan kung bakit ako mawawalan ng malay.

Merong note na nakalagay sa itaas. "After your session with Ms. Albedo. Let the Vice Pres and the Chief Finance and their branches sign this. Bring this back to me at 5 pm."

I sighed, kakasimula ko palang eh! May trabaho na agad! Dami-daming papel, sobrang dami! Ano ba ang may plano ba silang gumawa ng book store sa karaming-raming papel na ito!?

Ano kala niya sa akin? Immortal?!

Kinuha ko ang isang stack ng mga papeles at kumaripas ng takbo para hanapin ang Vice pres kung sino man iyon. Nag tatanong pa ako kung sino iyon at kung saan ko siya makikita. Nagmamadali ako para mabilis na matapos itong pinapagawa sa akin, kung mamaya ko pa ito gawin ay baka patalsikin lang ako ng boss ko.

Thankfully ay napa-pirmahan ko ang mga papeles na kailangan pirmahan ng Vice pres at ng kanyang branch. Sobrang tagal ng paghihintay ko dahil may ginagawa 'rin naman si Sir. Ronald, ang vice president ng kompanyang ito at ang dami-dami kaya ng pipirmahan niya.

Si Sir. Agaser naman ay nasa meeting pa kaya tinakbo ko ang opisina ng boss ko para ibigay sa kanya ang mga na pirmahan ng papel. Hinihingal ako nang dumating ako sa harap ng pintuan ng opisina ni Sir. Umayos ako ng tayo bago ako kumatok.

"Come in," boses ni Boss.

Dahan-dahan ko na binuksan ang pintuan at bumungad sa akin ang boss ko na nakatingin na sa akin.

"U-uhm, this are the papers that are already signed by Sir. Philip Ronald." I said sabay lagay ng isang tangkas ng papel sa lamesa niya.

"It's lunchtime and yet you're here?" Nakataas ang kilay niya. Ilang oras ang ginawa ko sa pag papapirma lang.

"Hindi naman po ako guto--" Hindi ko natapos ang sasabihin ko nang biglang tumunog ang sikmura ko.

Mas lalong tumaas ang kilay niya dahil doon.

"I thought you're not hungry?" He scoffed. "Why haven't you eaten yet?" He said at umayos ng upo.

"I still have a lot of things to do Sir and besides I've got no money to buy me some food." Nahihiya ko na sabi.

Wala na talaga akong pera, kung mayaman lang ako boss nag mukbang na ako sa harap mo.

"Buy me two lunch meals or something ASAP," he said sabay lagay ng credit card niya sa kanyang table at bumaling ulit sa kanyang laptop. Nakanganga ko lang siyang tiningnan, dalawa talaga? Gahaman naman niya.

"What are you waiting for?"

"Yes Sir! Right away!" I said at umalis na sa harapan niya.

Hindi ko naman alam kung anong bibilhin ko, sabi naman niya sa akin na kahit ano kaya pumunta nalang ako sa Jollibee at doon bumili. Sorry na! Hindi ko alam kung anong bibilhin eh! Kahit na mukhang masungit iyang boss ko baka kumakain rin siya sa jollibee.

Omorder ako at bumalik ulit sa kompanya, halos tumakbo na ako sa opisina ng boss ko pero ang laki-laki ng kanyang kompanya at halos mawala na ako. Kumatok ako sa pintuan niya at pumasok.

"Put that in there," he said habang tinutukoy ang isang lamesa na napapalibutan ng sofa.Tumayo siya sa kanyang inuupuan at umupo sa sofa.

Nilagay ko doon at nagpaalam na sa kanya, "I'll go na Sir. Enjoy your lunch." I said at akmang aalis na pero nagsalita siyang muli.

"Sit here," mautoridad niya na sabi while tapping his fingers on the sofa.

Anong sit here? Mukha ho ba akong aso?

"Eh, kakain na po kayo Sir eh." Nahihiya ko na sabi, among plano niya? Paglalawayin niya ako habang kumakain siya ng happy meal ng Jollibee?

"This is yours," seryoso niyang sabi kaya nabilaukan ako sa sarili kong laway.

"Po?"

"From now on, you're going to eat with me. No buts and no excuses." He said sabay kuha ng paper bag at inilabas ang pagkain na nakapaloob doon gamit ang kanyang matitikas na kamay.

Next chapter