9 Nuebe

Walang tigil sa pagtatalo ang board members na nasa harapin namin. Hindi ko mapigilang mag panic dahil masyadong lumalala na ang nagiging sagutan nilang lahat. Wala akong choice kundi tumayo sa kinauupuan ko para pigilan silang dalawa.

Nagaalangan kong nilingon si Sir. Jaxon na nakatiim lang ang kaniyang bagang habang pinagmamasdan ang mga kasama niya na halos mag suntukan na.

"Please! Stop arguing, go back to all of your prospective seats. Mr. Jaxon is here and watching all of your moves." Giit ko at pilit na pinapaupo silang lahat pero hindi nila ako pinapansin.

Nagpakawala ako ng isang malalim na buntong-hininga sabay pumagitna sa kanilang lahat pero siguro masyado silang nadala sa tension na namumuo sa loob ng meeting room kaya natulak nila ako.

Bumagsak ako sa sahig, tumama ang gilid ng ulo ko sa sahig bago ako tuluyan na bumagsak at dahil doon, hindi na ako nakarinig ng kung anong ingay dahil natahimik ang lahat.

Naramdaman ko na mayroong shadow na tumayo over me and I felt a huge immense of a dark aura surrounding the meeting room kaya naman naramdaman ko na unti-unting nagsisipataasan ang mga balahibo ko sa katawan.

Nilingon ko kung sino man iyon at nanlaki ang dalawa kong mata ng matamaan ko na si Sir Jaxon ay tumatay sa harap ko habang masama ang tingin sa lahat ng tao sa room.

Napalunok naman ako dahil sa kaba pero sinabayan iyon ng pag unti-unting pamumula ng pisnge ko ng inilahad niya ang kaniyang kamay sa'kin para tulungan akong tumayo.

Nagaalangan man at nahihiya inabot ko pa rin ang kaniyang kamay. Nanginginig ang dalawang kamay ko habang inilalahad ko ang isa kong kamay sa kaniya. Hindi ko naman kasi inexpect na matutumba ako tapos tutulungan ako ni Sir. Jaxon.

Akala ko ay mananatili lang siya sa sarili niyang upuan kesa sa tulungan akong tumayo sa pagkakatumba ko! Hindi naman kasi halata sa pagmumukha niya na matulungin siyang tao!

"Can you stand?" Baritono niyang tanong, mas lalo akong napulunok habang wala sa sarili akong tumango sa tanong niya sa'kin.

Tinulungan niya akong tumayo at nang tuluyan na akong makatayo ay nanatili pa rin ang tingin ko sa kaniya. Hindi ko maalis ang mga tingin ko sa kaniya sa 'di ko malamang dahilan, siguro nagulat lang talaga ako kaya ganito ang reaction ko o 'di kaya baka kulang lang ako sa gutom.

"Are you hurt?" Tanong niyang muli at dali-dali naman akong umiling.

Wala namang masakit sa katawan ko except sa ulo ko na medyo masakit dahil iyon ang unang bumagsak sa sahig pero ayos lang naman ang pakiramdam ko at t'saka 'di naman masyadong malakas ang pagkabagsak ko.

"N-no S-sir! I am okay," nahihiya kong sagot niya.

Matalim niya na tiningnan ang lahat ng tao na nasa loob ng meeting room kaya naman mas lalo akong nangining sa takot.

"Kung mag-aayaw lang naman kayong lahat, I could all lend you some fine knives at magsaksakan kayo, do not involve my secretary on your foolish and irresponsible acts." Dumadagungdong ang napakalalim at mautoridad na boses ni Sir Jaxon sa loob ng room.

At dahil doon, mas lalong natahimik ang room. Pakiramdam ko na nga ay wala ng humihinga dahil sa sinabi niya.

Habang ako naman ay mas lalong namula dahil sa mga katagang binitawan niya.

He called me his secretary!

Tinawag niya akong gano'n! Hindi ako makapaniwala!

Nananaginip ba ako? O baka guni-guni ko lang 'to dahil masyado akong na stress sa pag-aaway ng mga board members at dahil sa pagkabagok ng ulo ko?

Napansin ko na ang kaniyang mga kamay ay nakahawak pa rin sa kamay ko kaya halos mahimatay na ako sa kinatatayuan ko. I tried to act all cool pero hindi talaga ako!

Feeling ko namamawis na ang kamay ko na hinahawakan niya! Nakakahiya!

"We will not continue the meeting anymore. What's the point of having this formal meeting if all of you keep on acting barbaric?" Tumaas ang kaniyang kilay at napalunok naman ulit ako.

Eh kasi naman eh! Ang pogi-pogi niyang tingnan lalo na kapag tinataas niya ang kaniyang mayabong na kilay. Hindi ko alam kung maiinis or magseselos ba ako dahil nasa kaniya ang lahat ng features na pinapangarap ko.

"Meeting adjourned," seryoso niyang giit. "Comeback if you all are already in your right minds."

After he said mas lalong humigpit ang pagkakahawak niya sa kamay ko at napatili ako ng wala sa oras ng bigla niya akong hinila papunta sa exit door ng meeting room.

And in just a blink of an eye, I saw myself in his office. Nakaupo ako sa upuan na kaharap ng desk niya while he calls for his staff to bring some ice para sa ulo ko.

"Sir, o-okay lang ho talaga ako..." Nahihiya ko na sabi sa kaniya, "Hindi na ho masakit ang ulo ko at hindi naman malakas ang pagkabagok ko." I added pero hindi niya ako pinakinggan.

Para lang akong multo sa harapa niya na hindi niya napapansin dahil wala siyang third eye.

"Sir---" Pagtatawag ko sa kaniyang muli at dahil doon ay nilingon na niya ako at halos masapo ko ang noo ko nang makita ko na naman na nakataas ang kaniyang dalawang kilay.

"What?" Maldito niyang sabi.

"W-wala nalang ho," umurong na ang labi ko dahil doon and I just gave up.

Patapos akong pina-check ni Sir Jaxon ay dumeritso nalang ako sa sarili kong cubicle dahil sa nahihiya na talaga ako kay Sir Jaxon. Dala-dala ko ang ice pack ko na pinabaon sa'kin ni Sir Jaxon habang papunta ako ng sarili kong cubicle para ipagpatuloy nalang ang trabaho ko. Binabagabag pa rin ako ng isip ko dahil hindi talaga ako sanay sa kilos ngayon ni Sir Jaxon pero in fairness, mukhang mayroon din naman pala na tinatago siya na kaunting kabaitan and I appreciate it.

avataravatar
Next chapter