webnovel

THE WOMAN WHO SLEPT FOR 20 YEARS

There was once a happy-go-lucky-girl Not until, Pinabayaan na siya ng mga magulang niya ng dahil sa business. She became a brat. Hindi na kagaya noon ang ugalit at pag-iisip niya. Ngunit ang isang pangyayari ang nagpabago ng buhay niya. Isang pangyayari kung saan doon niya nakatagpo ang inaakala niyang may totoong magmamahal na sa kaniya. Ano kaya ang kahahantungan ng lahat ng kaniyang ginagawa, makabuluhan nga ba ito?

mystra_08 · Fantasy
Not enough ratings
17 Chs

CHAPTER 8

Chapter 8: voice

_______________________

Matapos naming nagligo kanina sa falls ay agad na kaming umuwi dahil wala kaming dalang pananghalian pareho.

Habang naglalakad kami ay hindi ko maiwasang maalala ang nangyari kanina. Hinapit niya kasi ang bewang ko bigla at agad niyang tinitigan ang mga mata ko. Arg!

I admit, bumibilis ang tibok ng puso ko no'n.

Arg! Stop thinking alexandria! Nababaliw ka na.

"Nandito na tayo, lady.." turan niya na nakapagpabalik sa'kin sa katinuan.

Nang sinabi niya 'yon ay agad akong tumakbo papuntang kwarto ko upang maligo at magbihis ulit. Naisipan ko kasing maglakad-lakad ngayon hapon dahil wala akong magawa dito sa palasyo.

Natapos na akong magbihis at maligo balak ko ng lumabas. Ngunit hindi kalayuan ay nakita ko si zeus parang may hinihintay.

Jusko! Sana hindi niya ako makita dahil paniguradong bubuntot na namin sa'kin 'tong lalaking to. Kahit naman magkaibigan na-- wait, magkaibigan nga ba talaga kami? Arg basta di'ko alam status namin.

'Asan naba 'yon,'

Napako ako sa aking kinatatayuan ng marinig ko ang boses sa isip ko.

'hali ka na,'

'jusko!'

'Ano na bang ginagawa nito?'

'ha?'

"Aaaaaaaaaaaaaaahhhh!"

Napasigaw ako ng sari-saring boses ang naghalo-halo sa utak ko.

Hinawakan ko ang ulo ko  upang pukpukin ito at baka sakaling tumino na ulit ito. Huminto ako saglit at ng marinig ko na naman ang mga boses ng mga tao sa paligid ko na nasa utak ko ay sumigaw na ako ng mas malakas na alam kong maririnig ni zeus.

Rinig ko ang yapak ng mga pagtakbo niya. Hingal na hingal na ako dahil  hindi ko kayang macontrol ang boses sa loob ng ulo ko.

"Anong nangyari sa'yo?" Nag-aalalang saad niya habang hinagod-hagod ang likuran ko.

"May mga iba't-ibang boses sa utak ko.." Turan ko, ramdam kong napahinto siya saglit ngunit kita ko ang pagngiti sa mga labi niya.

"So you're the one," sambit niya sabay tango tango pa.

"Ha?" Hindi ko kasi marinig sinsabi niya kanina.

"Ahh wala, hali ka. Tulungan kitang kontrolin 'yan" Napanatag naman ang loob ko ng sabihin na nyan.

SOMEONE's P.O.V

"Nakita na ba siya?" The emperor said habang nakatingin sa malayo.

"Oo, emperor. Nasa bahay siya ng mga kanlurang anghel" Sabi ko, ramdam kong nakuntento siya sa sinabi ko ngunit kumunot ang nuo niya.

"Dalhin mo sya rito, hindi siya pwedeng mapalapit sa lalaking 'yon!" Rinig kong wika niya at tinanguan ko na lang ito.

Napailing na lang ako. Tadhana nga talaga sa'yo ang maparito sa paraisong ito dahil kahit ilang libo ka'pang pabalik-balik rito ay ilang libo na ring naghahangad ang emperor sa'yo.

Ngunit palagi siyang natatalo.

---

ALEXANDRIA's P.O.V

 

Let me be the one to break it up~

So you won't have to make excuses~

We just have to say our love was true~

And it's now become a lie~

Siya ang nagkanta niyan ha! Natapos niya na kasi akong turuan at masasabi kong wala na akong naririnig na mga boses sa ulo ko, pwera na lang kung gusto kong marinig ang thoughts ng isang tao.

At eto kami ngayon, papunta kami sa bayan para  kumain ng mga pandesal at habang naglalakad kami ay kinakanta nya niyan.

Naalaa ko tuloy 'yong palaging nagte-text sa'kin. Kamusta na kaya siya?

"Aah yon! Okay lang 'yon" Biglaang salita niya.

Shit! Isa pa 'to. Nagconcentrate ako at ni lock ko ng maayos ang isip ko. Para bang mag-iimagine ka ng isang lock tapos napaka-higpit  dapat daw gano'n para talaga hindi mabasa. Pero balik sa topic, Nahihiya ako sa sinasabi niya kanina, No'ng unang tapak ko pa lang daw rito ay naririnig na niya ang thoughts ko. Shit! Sana naman hindi lahat no? Privacy rin amp.

"Ay locked!" Saad niya sabay simangot at may patadyak-tadyak pa.

"Hoy! Teka nga! Ba't mo nasabing okay lang 'yong nag text sa'kin, siguro ikaw 'yon no?" Tukso ko sa kaniya.

"Hindi no!"

"Ikaw eh, nako ha! Stalker ka pala."

"Hindi nga ako 'yon. Amp!"

"Ikaw eh! Ayieee!"

"Gusto mong malaman 'yong totoo?" Bigla siyang sumeryoso habang sinasabi 'yan. Saglit akong napahinto dahil nabigla ako sa inaasta niya.

"Oo, ako 'yon" Hindi ko namalayang napahinto na pala ako sa paglalakad dahil sa sinabi niya.

"Oh? Tara na! Gusto mong malaman ang totoo diba? Ako nga'yong ka text mo. At ako 'yong nabangga mo sa hallway no'ng isang araw na late ka," Sambit niya saka bumalik sa'kin ang lahat ng mga 'yon.

Jusko! Hindi ako makapaniwala!

'Zeus, sino ka ba talaga?'

To be continued.....