webnovel

THE WOMAN WHO SLEPT FOR 20 YEARS

There was once a happy-go-lucky-girl Not until, Pinabayaan na siya ng mga magulang niya ng dahil sa business. She became a brat. Hindi na kagaya noon ang ugalit at pag-iisip niya. Ngunit ang isang pangyayari ang nagpabago ng buhay niya. Isang pangyayari kung saan doon niya nakatagpo ang inaakala niyang may totoong magmamahal na sa kaniya. Ano kaya ang kahahantungan ng lahat ng kaniyang ginagawa, makabuluhan nga ba ito?

mystra_08 · Fantasy
Not enough ratings
17 Chs

CHAPTER 10

Chapter 10:  zeus

_______________________

ZEUS P.O.V

Habang lumilipas ang mga araw, mas lalong lumalakas ang tibok ng puso ko 'pag magkasama kami.

I am her guardian angel.

Simula pagkasilang niya pa lang ay palagi na akong nasa tabi niya. Saksi ako sa mga pangyayaring masaya sa buhay niya. Saksi rin ako sa mga pangyayaring nag-iba na siya.

I always care for her from a far.

Simula nang makaapak siya sa mundong 'to ang gaan-gaan ng pakiramdam ko sa kaniya pero mas nangingibabaw ang pagkamuhi ko.

I don't know pero nang nakaapak siya sa mundong 'to, parang kilalang-kilala ko siya at pumaibabaw ang pagkamuhi ko sa kaniya. Pero kahit na gano'n, nandito pa rin sa puso ko na gusto ko siya.

'Ang gwapo niya'

Rinig kong saad niya sa isip niya no'ng nasa falls kami. Napangiti ako ng pasekreto sa iniisip niya.

Nabigla talaga ako nang sabihin niya sa'kin isang araw na nakakarinig siya ng mga boses sa isip niya.

'Diba ordinaryong tao ka lang, alexandria?'

Gusto kong itanong sa kaniya yan ngunit kapag kaharap ko siya ay parang may bumabara sa lalamunan ko. Bumibilis ang pintig ng puso ko.

Siguro dahil lang 'to sa kaba.

Pero mas lumaki ang hinala ko sa nasaksihan ko kanina.

Puti lahat ang mga mata niya.

Nanginginig akong tumakbo palabas ng kwarto niya dahil sa nakita ko.

'Ordinaryong tao ka nga lang ba talaga, alexandria?'

Isa na lang. Isa na lang ang kailangan mong patunayan para masigurado kong ikaw na nga 'yon.

Masakit man, pero kailangan kong tanggapin 'pag may napatunayan ka pang isa.

---

ALEXANDRIA's P.O.V

Lumipas ang maraming umaga at maraming gabi. Hindi ko pa rin alam kung anong oras, araw, linggo, buwan at taon na.

Sana ayos lang ang pamilya ko.

Simula rin ng araw na may nangyayari sa'kin no'n ay wala ng sumunod sa makalipas na mahabang panahon.

Buti na naman.

Sa mga nagdaang araw ay mas lalo akong napapalapit kay zeus.

"Hoy! Kain kana , lady.." Sabi niya.

Nandito pala kami ngayon sa kwarto ko dahil pinapagising niya ako ngunit ayaw kong maglakad kasi tinatamad ako.

"Ahhh! Hindi ka tatayo ah!"

Maya-maya'y tumahimik ang paligid kaya parang lumabas na si zeus, matutulog sana ulit ako pero ramdam kong nakalutang na ako. Kinarga niya pala ako!

"Waaaaah! Ibaba mo'ko zeus! Aaack!"

Sigaw ko sabay sapak sa kaniya ngunit parang wala lang ito.

"Ibaba mo nga kasi ako! Amp!" Papout kong saad.

"H'wag kang malikot! HAHAHAAH" Tawa niya.

Natahimik ako nang napagtanto ko kung anong ginagawa namin. Maya-maya'y ramdam kong tumahimik rin siya. Tumingin ako sa mukha niya at gano'n nalang ang gulat ko ng makitang tinitigan niya ako.

Shit! Ba't ang bilis ng kabog ng dibdib ko?

Kinakabahan ba ako? Shit. Ilang dangkal na lang ang layo namin sa isa't-isa. Gusto ko ng ipikit ang mga mata ko para damhin ang halik---  shit!

"Bastos!"

Dali-dali akong bumaba at isinigaw 'yan sa kaniya. Tumakbo ako papunta sa banyo at doon nagkulong.

Jusko alexandria! Anong kabalastugan ang ginawa mo!? Arg!

Pero hindi talaga mawala sa isip ko ang mukha niya. Nakaramdam ako ng panghihinayang, huhu sana nagpahalik na lang ako sa gwapong 'yon! Pero syempre may pahabol na charot 'yon. Baka ma sapak ko pa siya ng wala sa oras. Amp!

Naligo na muna ako sa loob.

Maya-maya'y napagdesisyunan ko ng lumabas, inawang ko muna ang pinto at tiningnan kung nasa kwarto pa ba siya.

Nakahinga ako ng maluwag ng makitang wala na sya ro'n kaya lumabas na ako ng banyo.

"Bulaga!!!"

"Ay pisteng inahak!"

Kinginaaaaa! Wala akong suot na kahit ano!!

To be continued...