webnovel

The Witness

It's about 9 oclock in the evening. Katulad ng nagdaang gabi pumunta ako sa bahay ni Doña Virginia, ang pinakamayaman sa aming baryo. Nakaupo ako sa bakanteng lote katapat ng bahay nya. Patatlong araw ko ng ginagawa ang pagmamanman. Inaamin kong lumaki ako sa hirap pero kahit kelan hindi ako nagnakaw. Patawarin sana ako ng Diyos sa gagawin ko ngayon. Maya maya pa ay isa-isa ng nagpatayan ang ilaw sa bahay hanggang sa wala na akong ilaw na natatanaw maliban sa liwanag ng buwan. Lalo akong kinabahan. Alam kong sa mga oras na iyon ay natutulog na ang Donya at ang kanyang anak na si Raymond pati ang magandang asawa nito. Ang iniintay ko nalang ay ang gabi gabing pagtakas ni Katarina (isa sa mga katulong). Ilang minuto pa ang dumaan ng pumarada ang tricycle ni Manuel (kasintahan ni Katarina). Bumusina ang tricycle ng tatlong beses, pahiwatig na kailangan ng lumabas ni Katarina sa bahay. Natatanaw ko na si Katarina, tumatakbo ito. Binuksan ang lock ng bakal na gate at lumabas. Nag-usap ang dalawa ni Manuel. Maya maya pa ay sumakay na ang malanding katulong sa tricycle. Naiwang bukas ang gate. Napangiti ako, lahat ay umaayon sa plano ko. Pinagmasdan ko muna ang paligid bago ako tuluyang pumasok sa gate. Kabadong kabado ako ng oras n iyon. Sinubukan kong buksan ang pintuan ng bahay ngunit naka lock ito kaya inikot ko ang bahay para makahanap ng mapapasukan. Suwerte ko talaga may bukas na nabintana sa likod ng bahay. Doon ako dumaan. Marahil iyon ang lihim na daanan ni Katarina para walang makaalam ng kanyang pagtakas gabi gabi. Sa wakas nasa loob na ako ng malaking bahay, kinapa ko ang daan patungo sa salas. Mabuti nalang at may dala akong flashlight. Iginala ko ang aking paningin. Sa ikalawang palapag ng bahay naandoon ang tatlong malaking kwarto. Kung hindi ako nagkakamali ang kadulu-duluhang kwarto ang kwarto ni Doña Virginia. Iyon kasi ang pinakamalaki sa tatlong kwarto. Nagkakagulo ang mga daga sa dibdib ko. Parang gusto ko ng bumalik pero sayang naman, ngayon pa na nasa loob nako ng mansion. Ang kailangan ko lang gawin ay pasukin ang kwarto ng Donya, kumuha ng konting alahas at ilang libong pera, siguro naman ay hindi na yun kakulangan sa kayamanan nila. Masyado na siyang mayaman at babawas lang naman ako ng konti. Tumingin ako sa wall clock, 10:30 na pala ng gabi. Bigla kong naalala si Annie. Alas dose ang usapan namin. May isa't kalahating oras pa akong natitira para gawin ang aking binabalak. Ginagawa ko naman ito para kay Annie at sa pinagdadalang tao niya. Nabuntis ko si Annie at ngayong gabi kaming dalwa ay magtatanan, natatakot kasi sya na malaman ng ama niya ang tungkol sa pagdadalang tao nya. Balak kong gamitin ang makukuha kong pera para sa aming dalawa at sa bata sa sinapupunan nya.

Paakyat nako ng hagdan ng biglang bumukas ang pinto ng isang kwarto. Nakita kong lumabas si Samantha (ang magandang asawa ni Raymond). Umiiyak ito at nagtatakbong bumaba ng hagdan. Sa takot ko ay nagtago ako sa ilalim ng malambot na sofa ng salas. Biglang bumukas ang ilaw ng salas. Narinig ko din ang boses ng authistic na si Raymond. Galit na galit ang sira ulong anak ni Doña Virginia. "Hudas kang babae ka! Hindi pa tayo tapos!" sigaw ni Raymond. Nakikinig ko na pababa na din ito ng hagdan. Narinig ko nalang ang sigaw ni Samantha. " Raymond bitawan moko." at ilang malulutong na sampal ang narinig ko. "Raymond ano bang kasalanan ko sayo?" umiiyak na tanong ng babae. "Akala mo kasi maloloko mo ako, alam kong may relasyon kayo ng bestfriend kong si Charlie, hindi ba? Kaya madalas siyang tumatawag sayo!" galit na paliwanag ng authistic. "Baliw ka talaga! Alam mo na business ang pinaguusapan namin." wika ni Samantha. "Sinungaling!" sigaw ni Raymond at isang malakas na suntok ang narinig ko. Sumilip ako at nakita kong napaluhod si Samantha. Galit na galit padin si Raymond. Sinira nya ang suot na sedang pantulog ni Samantha at sinakal niya ito. Hanggang sa unti unti na itong nawalan ng malay. Umalis si Raymond nang bumalik ito ay may hawak itong baril. Walang awang binaril ng authistic ang asawa niya. Halos matuyuan na ako ng lalamunan sa nakita ko. Natigilan si Raymond ng naisip nya na patay na ang asawa nya. Nagtatakbo siya pataas ng kwarto. "Mama! Mama! Tulungan moko!" sigaw nito habang pinagkakatok ang kwarto ni Doña Virginia. Doon nako nakakuha ng pagkakataon para tumakas. Nang makalabas ako ng gate nagtatakbo ako papalayo sa hacienda ni Doña Virginia at ng baliw na anak nito. Umuwi ako sa bahay takot na takot ako hanggang sa nakatulugan ko na ang kaiisip sa nasaksihan ko. Nagising nalang ako ng ginising ako ng kababata kong kapatid na si Anton. Magtatanghali na noon may sulat daw na pinabibigay si Annie ang aking kasintahan. Ito ang nilalaman ng sulat.

Daniel,

Ano bang nangyari sayo? Magdamag kitang inintay kagabi, hindi ka man lang nagpakita. Hindi kita maintindihan. Sinabi ko na kay Papa ang tungkol sa baby. Nagalit si Papa ilalayo daw nya ako sa iyo. Please Daniel magparamdam ka naman.

Annie.

Saka ko lang naalala si Annie may usapan nga pala kami kagabi pero bakit ganon hindi na ako natatakot kahit alam na ng Papa ni Annie ang tungkol sa pagbubuntis nito. Wala na ang takot kong nararamdaman. Lumabas ako ng bahay namin. Nakita ko si Inay nasa may tindahan ito. Lumapit ako. Bumibili si Inay ng sardinas kausap nya ang tindera na si Aling Martha.

"Anong sabi ni Doña Virginia?" tanong ni Inay kay Aling Martha.

"Nagpakamatay daw ang manugang nya." sagot ng tindera.

"Bakit daw nagpakamatay?"

"Ikaw ba naman ang nakapagasawa nga ng mayaman sira ulo naman, baka hindi na nakatagal."

"Diyos ko! Kaawa awang Samantha, patawarin sana ng Diyos." wika ni Inay at nag sign of the cross ito.

"Hindi totoong nagpakamatay si Samantha, si Raymond mismo ang pumatay sa kanya nakita ko ang lahat." sabat ko. Napatingin sakin si Inay, ang tindera at ang mga dumadaan.

FINISH.