webnovel

Mundo ng Brotick

Sa malawak na kalawakan, may isang planeta na kung tawagin ay "Brotick"

Isang planeta na kung saan may nakatirang mga tao na gumagamit ng mahika.

Sa kabilang banda may isang lugar sa planetang Brotick na sikat sa mundo ng mahika, at ita ang bayan ng "Bokata" ang bayan kung saan may isang bata na naiiba.

Sya si "Pero" isang mahiwagang bata ngunit di nya ito alam, lahat ng nakatira sa mundo ng Brotick ay may taglay na mahika ngunit bakit si Pero ay wala?

Isa syang ulilang bata, noong sanggol palamang sya ay iniwan na sya sa harap ng bahay ampunan, kaya sa pagtanda walang nagturo sakanya na gumamit ng mahika.

Dahil di mo maaring turuan ang hindi mo kadugo o kahit turuan mo ang isang tao na dimo kadugo di nya parin magagamit ito, dahil ang kadugo mo lamang amg syang makapag tuturo sayo.

Meron naman syang kaibigan si "Kret". Si Kret ay isang batang mahusay sa pag gamit ng mahika, magkasing idad lang sila ni Pero na labing walong taong gulang.

Ang kanyang ama ay ang pinaka mahusay sa pag gamit ng mahika sa mundo ng Brotick, at sya si "Lox".

(Kaya mahusay sa paggamit ng mahika si kret)

Nabubuhay ang mga tao sa paggamit ng mahika. Sa pagtatanim ng mga gulay, prutas at sa paghuhuli ng mga hayop na pwedeng kainin.

Kaya kung wala kang tinataglay na mahika? "Dika nababagay sa mundo ng Brotick!!" yan ang sabi ni Lox ang ama ng kaibigan ni Pero

Ngunit pano nga kaya nabubuhay si Pero? E wala syang alam na mahika? Ano kaya ang mangyayare sa kanya?