webnovel

Chapter II

Anim na taon na ang nakalipas pero pilit parin akong bina balik balikan ng mga ala alang pilit kong kinalimutan.

Tumayo ako at pumunta sa bintana ng aking silid.

Mag uumaga na ngunit nariyan parin ang bilog na bilog na buwan, tanging lampara at sinag ng buwan lang ang nagsisilbing ilaw sa aking silid.

Anim na taon na ang nakalipas ngunit hindi parin ako tinantanan ng mga nangyari, ang pagkamatay ni Ina ng dahil saakin.

Gamit ang aking kamay inalis ko ang mainit na likidong nasa aking pisnge habang naka tingin sa kalangitan.

Magdamag akong nakatingin sa kalangitan hanggang sa mag uumaga na hindi na ako nakatulog dahil baka maulit na naman ang aking panaginip.

Maaga akong umalis sa bahay na aking tinitirahan para tumungo sa kabilang bayan upang mamili ng aking pagkain.

Suot ang balabal at sa ilalim nito ay isang damit na may mataas na manggas ay agad akong lumabas sa di kalakihang bahay at tinahak ang daan palabas.

Agad kong hinawi ang halamang nagsilbing pintuan at lumabas na, ang daanang ito ay sa puno gaya ng sabi saakin ng matanda.

Agad kong inayos ang aking balabal para matabunan ang mukha ko upang walang makakakita at umalis na.

Habang naglalakad sumagi sa aking isipan ang nangyari anim na taon ang makalipas, ani ng babaeng kagaya ko ay nasaakin ang puting sumpa.

Marami akong nabasang mga libro tungkol sa puting sumpa ngunit ang huling pahina ay blanko.

Mahaba haba ang aking nilakad kaya ng makarating ako sa pamilihan ay binili ko na ang aking dapat bilhin hindi ako nag tagal sa pamilihan dahil baka maulit na naman ang nangyari, sa aking pag uwi dinalaw ako ng antok kaya napagpasyahan kong tumigil muna.

Nahiga ako sa ilalim ng malaking puno habang ang aking pinamili naman ay nasa aking gilid, bumibigat na ang aking talukap dahilan upang ako ay nakatulog sa ilalim ng puno.

"Kay gandang dalaga mahal na prinsipe."

"Tumahimik ka riyan puting pusa hindi mo na ginagalang ang pagtulog ng binibini."

Nagising ako dahil sa ingay na nasa aking paligid, pagkamulat na pagkamulat agad na tumambad saakin ang isang lalaki sa aking nakikita isa itong maharlika at isang puting pusa na dinidilaan ang kamay.

Napatayo ako sa gulat lalo na ng marinig kong nagsasalita ang isang pusa.

"Sino kayo?! At bakit ang pusang iyan ay nagsasalita?!"

"Kumalma ka binibini nadaan ka lang namin ng aking pusa kanina sa paglilibot"

"Kung gayon anong ginagawa niyo sa masukal na kagubatang ito?"

"Malapit ng kumagat ang dilim siguro'y napa himbing ang iyong pagtulog marahil malayo ang iyong nilakad, hindi ka namin maaring iwan lamang ritong nag iisa at kasasabi mo lang na masukal ang gubat na ito kaya't anong gina gawa ng magandang binibini sa ganitong lugar."

Natahimik ako sa kaniyang sinabi nilibot ko ang aking tingin at napansing malapit ng kumagat ang dilim.

"Mahal na prinsipe hindi kaya ay isa siyang mangkukulam? Kalat na kalat ang balita sa bayan ng paglaganap ng mga mangkukulam."

"Kay ganda niya namang mangkukulam."

"H-hindi ako mangkukulam na inyong sinasabi taga rito ako kaya't alam ko ang aking ginagawa mas mabuti pang umalis na kayo baka abutan kayo ng gabi rito."

Napatayo ako at laking gulat ko nalang na kanina pa lantad ang aking mukha dali dali kong inayos ang balabal ngunit napahinto ako ng may biglang nag salita.

"Kanina pa naka lantad ang iyong mukha sa iyong pagtulog bakit mo tinatakpan ng balabal ang iyong mukha napaka ganda mo para itago ang iyong mukha."

Napatigil ako sa pag aayos.

Oo nga naman pero hindi maari baka may makakita saakin at patayin ako.

"Hindi hahayaan ng isang prinsipeng mamatay ang isang magandang dalaga sa kaniyang kamay binibini."

Napa igtad ako sa kaniyang sinabi, hindi naman ako nag salita kanina ngunit bakit niya alam ang aking iniisip.

"Bakit alam mo ang nasa aking isipan?"

"Isang maliit na bagay binibini."

Kinuha ko ang aking pinamili sa pamilihan kanina ng matapos kong ayusin ang aking sarili.

"Uuwi na ako salamat sa pag babantay saakin kanina maari na rin kayong umalis paalam."

Agad akong umalis at tinungo ang daan patungo sa bahay na aking tinitirahan ito ang naging tahanan ko sa loob ng anim na taon.

Papasok ako sa loob ng bahay ng napansin kong parang may matang naka tingin saakin ngunit di ko iyon pinansin baka mga ligaw na hayop lamang iyon.

Agad kong sinindihan ang lampara at hinanda na ang sangkap na aking pinamili kanina.

Habang naghihiwa ng mga sangkap sumagi saaking isipan kanina ang lalaki at ang kaniyang pusa.

Bihira lamang pumunta ang mga tao rito sa kagubatan dahil sa mga kwentong sabi sabi ngunit bakit parang nasisiyahan pa ang lalaki kanina.

Niluto ko na ang aking kakainin at ng maluto ito ay agad kong hinanda sa mesa ang aking kakainan.

Habang kumakain ay napansin kong parang may pares na matang nakatingin sakin agad kong nilipat ang aking tingin sa bintana ngunit tanging kurtina lamang na sumasayaw dahil sa hangin ang aking nakita.

Dali dali kong tinapos ang aking pagkain at tumungo na sa aking silid para maligo ulit dahil malagkit na ang aking pakiramdam.

Matapos ang pagligo ay agad akong tumungo sa tukador at umupo habang marahang sinusuklay ang aking basang puting buhok.

Nakatingin ako sa salamin ng tukador ng bigla nalang nagsitaasan ang aking balahibo sa aking batok ng nakita ko ang lalaki kanina na hinahaplos ang aking basang buhok.

"P-paano ka naka pasok rito." Mahinahon kong ani at hindi pinakita sa kaniya ang natatakot na ekspresyon.

"Hindi na mahalaga iyon nais lamang kitang bisitahin at alamin kung ikaw ay ligtas na naka uwi."

"Ligtas akong mamaka uwi rito at paano mo nalaman na dito ang aking tahan?"

Natahimik siya saaking tanong batid kong itong misteryusong lalaking ito ay may mga kakayahan na ayaw ipabatid nino man.

"Ako'y ligtas maari ka ng umalis."

"Sa muli nating pagkikita paalam, Illythria Vixen." Aniya at bigla nalang nalo ng parang bula dali dali akong tumayo at sinuyod ang paligid, ngunit wala ng aninong nagpakita sa akin.

Kumalma ako at humiga na sa aking napakalambot na higaan.

Napapikit ako habang inaalala ang misteryusong lalaki kanina, ang kaniyang kakaibang mata ay napaka ganda, ang ilong niyang matangos, ang kaniyang pilik matang napaka itim na mahaba, ang labi niyang kasing pula ng mansanas sa isang salita napaka gwapo niya hindi man siya kasing puti ko pero tumingkayad ang kaniyang kagwapusan sa porselana niyang kutis.

Napabangon ako ng biglang maalala ang tawag sa kaniya ng puting pusa kanina nanlaki ang aking mata ng maalalang prinsipe ito.

Napaka bastos mo, Illy wala kang galang

Napa kamot nalang ako sa aking ulo at bumalik sa pagka higa.

Bumibigat na ang aking talukap at nakatulog ako ng may ngiti saaking labi.

"Je t'aime ma chère"

--