webnovel

Chapter 3:

"Ma hindi mo naman ako kailangang ihatid. Kaya ko na po.."Sabi ni Carlisle. Napangiti naman ako dito.

"Nak, minsan ka lang maging bata.. baka sa susunod na araw may magiging girlfriend ka na, tapus hindi na kita pwedeng ganitohin."Nakangiti kong sabi dito.

"Ayaw lang po kitang mapagod pa. Your also a student ma. Mahirap pagsabayin ako at ikaw."Sabi nito.

"Hindi ako mapapagod para sayo nak."

"Ma naman.."

"Hayaan mo akong ganitohin ka. Parang kahapon lang kinakarga pa kita, tapus ngayon ang laki mo na."

"Sige na po. Alis ka na po ma at baka may morning class ka pa."Sabi nito. Napangiti naman ako at niyakap na muna sya bago sumakay nang tricycle at pumunta sa isa pang school.

I was too busy with my classes like the old. Para sa future ito. Para sa amin nang anak ko.

When finally tapus na ang klasse ko, pumunta ako sa library para gawin ang ibang assignment at magbasa na din.

Ilang oras din ang ginugol ko sa pagbabasa na hindi ko na namalayan na subrang tagal ko na pala. Nag madali akong lumabas at sumakay sa tricycle at agad na pumunta sa skwelahan ni Carlisle.

Pero Pag dating ko duon, wala na sya. Nakauwi na. Kaya dali na din akong umalis para makauwi. Pag dating ko sa bahay, nakita ko si Carlisle na nakaupo sa Isang upuan sa sala. Nakikipag kwentuhan kay mama, habang subrang lapad nang ngiti sa mga labi. Masaya naman si mama na nakikinig kay Carlisle. Habang nakikipag kwentuhan.

Parang kailan lang karga ni mama si Carlisle habang maingat na sinasayaw, para makatulog.

"Ma!? Antagal mo naman makauwi, diba hanggang 3pm lang klasse mo?"Pukaw ni Carlisle sa pagbabalik tanaw ko.

"Hindi ko namalayan ang oras. Nasa library kase ako kanina. Nag enjoy ako sa Pag babasa."Sabi ko sabay halik sa nuo ni Carlisle at sa pisngi ni mama. "Bihis lang ako sa taas ma, Carlisle."Nakangiti Kong sabi sabay haplos sa buhok ni Carlisle, at ilang saglit lang ay naglakad na paalis at pumuntang kwarto tsaka nagbihis nang pambahay.

At tulad nang mga nakaraang gabi, masaya kaming nag hapunan at nag-usap usap tungkol sa kung anong nangyari sa araw namin.

LUMIPAS ang mga araw at mamayang hapon din ay ang school fest namin. Walang klasse dahil nga linggo ngayon. At naghahanda na din kami sa kakailanganin namin duon sa school.. at dahil nga subrang laki nang Ventura University kaya kasya ang lahat.

"Ma?!, Kain na muna tayo!"Tawag ni Carlisle sa akin mula sa baba. Agad naman akong tumayo, dahil na din sa kadahilanang gutom na din ako.

Pag baba ko, maraming pagkain sa mesa, parang may birthday.

Carlisle leads the prayer, at nagsimula na din kami sa pagkain. At halata talaga na gutom ako dahil subrang bilis ko sumubo.

"Ayan pa, hinay-hinay lang sa Pag subo, anak."Sabi ni papa..

"Oh bunso, yan pa. Baka mabulunan ito oh tubig.."Kuya Lee..

"Ma! Baka mabulunan ka?"Carlisle, kaya napa tingin ako sa kanya, tyaka sya nginitian at naghinay hinay sa pag nguya.

"Aalis na pala kayo mamaya.."Biglang sabi ni kuya Carlo nung biglang tumahimik at tanging kubyertos at pinggan lang ang tanging nag iingay.

"Tito, uuwi din naman kami ngayong friday afternoon.. mabilis lang yun."

"Nako mamimiss ko kayo.."Kuya Carlo.

"Mag-iingat kayo duon anak at apo.."Sabi ni mama habang nakangiti. "Mamimiss na namin kayo."

"Naman tong mga ito. Akala mo naman kung saan kami pupunta, eh sa school lang naman Yun tyaka pwede naman kayo pumunta duon.."Sabi ko tapus ko lunukin yung pagkain sa bibig ko..

Natahimik naman sila at nagka tinginan pa.. except lang sa aming dalawa ni Carlisle na naiwang clueless..

Kumain kami nang tahimik hanggang sa matapus.

May kanya kanyang ginagawa ang lahat. Pero ako bumalik lang sa pag iimpaki nang gamit. Baka meron kaseng maiwan eh. Dinouble check ko na para sigurado talaga.

Nung natapus, agad din naman kaming sumibad patungo sa school nang anak ko. Hinatid talaga kami nilang lahat. Parang mga Tanga, eh ang lapit lang naman nito sa Bahay.

"Ma, pa, salamat sa pag hatid, mga kuya.."Pagpapasalamat ko sa kanila.

"Sige nak, kain kayo nang Marami.. meron nang pagkain dyan at wag kayo papagutom."Si mama, habang yung tatlo naman ay nakatingin lang sa aming nag-uusap.

"Opo, ma. Salamat ulit. Teka, saan na si Carlisle?"Tanong ko nang mapansin Kong wala ang anak ko sa tabi ko.

"Nauna nang pumasok."Kuya Carlo.

"Hindi man lang nagpaalam sa akin."Mahina Kong Sabi.

"Nagpaalam sya, hindi mo lang narinig."Kuya Lee.

"Sige na po, una na po ako sa inyo."Nakangiti kong saad.

"Mag-iingat kayo. Wag nalabas pag Gabi na, okay?"Si kuya Lee. Tumango lang naman ako bilang sagot.

Naglakad na ako papasok, habang sila ay nakatingin sa akin na pumasok. Nag lakad lang ako papasok hanggang sa makarating sa hallway Hinanap nang mata ko si Carlisle pero Hindi ko sya makita. Nagpatuloy nalang ako sa paglalakad at dederetso nalang sa ka grupo ko.

Nang malapit na akong makarating, biglang sumulpot si Carlisle sa harap ko. Kinuha nya yung bitbit ko at sya nalang daw mag dadala. Kahit talaga kailan, ang sweet nang anak ko.

"Ma duon ka na sa Amin. Sinabihan ko na din naman yung kaibigan ko."Sabi nito.

"Nako nako. Dito nalang ako. Tyaka ayon na Ang ka grupo ko nak. Punta ka nalang dito kapag nagugutom ko--"

"Ma, gusto kitang makasama.."Napangiti naman ako sa sinabi nya. Hinawakan ko ang pisnge nya tyaka nginitian nang matamis.

"Gusto din naman kitang makasama nak, kung pwede ikaw nalang ang dito makitulog sa akin--sa amin. "

"Ma naman, nasabihan ko na yung kaibigan ko eh. "

"Hindi na talaga anak. Dito lang ako.. sige nat' umalis ka na, at magpahinga.. gamit mo iyang bitbit mo anak. Kaya sige na, punta ka na duon sa kaibigan mo."Sabi ko na medyo may patulak pa. Para kaming mag best friend.. syempre best friend ko din naman yan kahit papaano.

"Ma!"

"Sige na nak umali--"

"Hello po tita, ang ganda nyo naman pala talaga.."Sabi nito sabay kuha nang bag ko sa likod. "Ako na po mag dadala nito sa taas. Tara na duon sa taas!"Dagdag nya pa at naunang naglakad. Nako naman.

"Teka, dito lang ako--"Ako

"Ako nga pala si Zalde Ventura..At ikaw naman ang mama ni Carlisle mah friend. Nako tita sa subrang ganda nyo panigurado maraming manliligaw, hehehe.."Nako tong batang toh, hindi naman halatang madaldal. Parang si kuya Carlo lang.

"Nice to meet you Zalde--"

"Nako tita, nice to meet you din. Ano nga pala pangalan nyo tita? Panigurado maganda din yan Kase, maganda kayo eh"Tamo' ang bulero pa.

"Athena. Tyaka Zalde, duon lang ako sa mga ka groupmate ko, sana.."

"Dito ka nalang sa amin tita. Mas makakapag pahinga ka po duon Kase komportable ang higaan. Tyaka tayong tatlo lang naman duon.."Pahayag nito

"Kahit na--"

"Pasok na po kayo!"Masiglang Sabi nito at tinuro pa ang elevator. Iba talaga.

"Ma, wag ka nang pumalag. Hindi yan titigil hanggat Hindi ka pumapayag.."Carlisle. wala naman akong ibang nagawa at pumasok nalang sa elevator. Pupuntaham ko nalang Mamaya ang mga ka grupo ko. Or kaya tawagan ko nalang si Reitz.

Nang makarating kami sa rooftop, which is penthouse pala, dito sa rooftop agad kaming pumasok. At Hindi maipagkakaila ang yayamaning gamit. Malaki ang penthouse at kompleto sa gamit.

Nilibot ko ang paningin ko para pagsawain ang mata ko, pero talagang subrang ganda nito na dahilan Kong bakit hindi nagsasawa tong mata ko sa pagtingintingin. Hanggang sa nakarating ako sa glass wall kung saan makikita ang buong school.

"Subrang ganda.."Hindi ko mapigilang Sabihin. Parang naka glue yung mata ko sa napaka gandang tanawin.

Hanggang sa napalingon ako sa may pinto dahil may biglang pumasok. Nahihiya naman akong lumapit duon sa anak ko at tahimik na nakayuko.

"Andito na yung gamit mo Zalde. Always take good care, son. Tawagan mo kami kapag may kailangan ka. We will miss you (tsup tsup)"Sabi nito sabay halik sa pisnge nang anak nya.

"Salamat ma, pa. Tyaka wag kayong mag-alala, andito naman si Carlisle kaibigan ko at ang mama nya, si tita Athena--"

"This is your friend, son? Good to know--Hello Carlisle and misis--"

"Miss lang po mam, Athena po.."Putol ko sa sasabihin nya.

"Nice to meet you personally miss Athena, and to you Carlisle, I'm so thankful na naging kaibigan ka nya.. he's been a loner since elementary and right now, he became cheerful everytime he came home. I'm so thankful.."Sabi naman nito.

"Nice to meet you din po mam.."Malumanay naman na sabi nang anak ko.

"Call me tita Enid, My name is Enid Zane Ventura. And this is my husband Dilan dale Ventura."

"Nice to meet you din po, sir.."

Nakipag kamay naman ito sa akin at matipid na ngumiti. Pero mararamdaman mo yung sincerity.

"Paano ba yan, mauna na kami sa Inyo, my husband still have meeting to attend to. And miss Athena, I'll trust my son to you."Sabi nya na ikina ngiti ko naman at tumango.

"Wala pong problema iyon ma'am Anid, ako na po ang bahala dito."Naka ngiti ko namang sagot sa kanya.

Bago sila umalis humalik sila sa anak nila at binigyan ako mang huling ngiti at tyaka umalis.

Tinuro ni zalde ang kwarto naming dalawa ni Carlisle. Inayos ko agad ang mga gamit naming dalawa, tyaka nung ma satisfied lumabas ako para maka pag handa sa hapunan..

Nilagay ko sa refrigerator ang mga pagkain na binalot ni mama tyaka nag hanap nang pwedeng lutuin. Nang maka kita agad akong nagluto. Kailangan ko pa din kaseng bumaba kase kailangan Kong mag attendant's duon. Baka sabihin absent ako eh.

Isang putahe lang niluto ko, pakbet. Yun lang walang halong kung ano mang' karne, at puro gulay iyon.

Nung natapus agad Kong nilinis ang kusina at lumabas para bumaba. Nang makalabas nakita ko ang dalawa na nakadungaw sa ibaba.

"Nak, zalde, baba muna ako.. mag aattendants muna ako.."Paalam ko sa kanila. Medyo dumidilim na din.

"Samahan na kita ma.."Sabi ni Carlisle..

"Ako din tita, Sama din ako."Nakangiti na sabi nito.

"Kayo ang bahala.."Sabi ko, tyaka nauna nang naglakad patungo sa elevator. Naka sunod lang naman Silang dalawa sa akin.

"Tita, saan bah pinaglihi si Carlisle? Napaka suplado habang kayo eh sobrang bait, parang anghel na bumaba galing sa langit.."Zalde at umandar na naman ang pagka daldal nya..

"HAHAHA, nako baka sa tatay nya. Salamat sa compliment."Kanda ngiti ako sa pambobola nitong batang toh.

"Pero Seryuso tita, ang suplado nya. Andami ngang umaamin dyan tapus nagpapadala nang sulat pero hindi nya pinapansin.."Zalde.

"Nako, hindi yan na kwento sakin ni Carlisle ah. Andami palang nanliligaw sayo nak, HAHAHAHA."Lingon ko sa kanya.

"Wag Kang maniwala dyan mama."Sabi nito at kumapit sa bewang ko.

Natawa ako sa inakto nya.

Matapus ang kulitan sa elevator, nakararing din kami sa kung saan ang sadya ko. Naka hintay Silang dalawa sa pintuan habang pinagkakaguluhan. Nga naman ang gwapo nang anak ko. Ano lang kaya ang namana nya sa akin. Ang unfair naman, ako yung nag luwal tapus sa iba mag mamana.

"Be early tomorrow, dito ka sa room dumeretso. Kailangan at 6:30 am andito ka na."Sabi ni coach na tinanguan ko.

"Copy po coach. Paano po ba iyan, mauna na muna ako."Naka ngiti Kong paalam Kay coach.

"Teka lang Montenegro. Iyan ba iyong sinasabi mong anak mo? Yang pinagkakaguluhan?"Tanong ni coach na tinanguan ko naman, sabay ngiti. "Ke gwapo naman pala talaga. Nagmana lang sayo. Oh sige na. Mag iingat ka."Coach.

"Sige coach."Huling sabi ko tyaka tumalikod at pinuntahan ang anak ko. Lisa din naman Silang dalawa na lumapit sa akin.

"Ma.."

"Sikat pala kayong dalawa dito.."Asar ko sa kanilang dalawa.

"Nako tita, kung hindi dahil dito Kay Carlisle hindi ako mapapansin nang mga yan."Zalde.

"Bolero, ang gwapo mo kaya. Nako.. Tara na at kumain sa taas. We need to sleep early."

Wala namang salita na lumabas sa bibig nila at sumunod lang sa akin papunta sa penthouse.

(Fast Forward)

KINAUMAGAHAN

4:00am nang magising ako. Dahil na din sa alarm ma sinet ko para magising nang maaga. Kailangan ko pang mag handa nang pagkain, pang umagahan. Tapus Kong mag luto agad akong naligo at nagbihis nang jersey. Kulay white na may logo nang school namin.

Nang tignan ko ang oras, malapit nang mag 6:00am kaya gigisingin ko na si Carlisle.

"Beh, bangon ka na.. beh?"Tawag ko sa kanya. Hinalikan ko sya sa nuo at sa pisnge. Tyaka tinapik ito.

Bumangon naman sya habang nakapikit pa ang mata. Inalalayan ko sya papunta sa banyo at binigay ang toothbrush na hinanda ko para sa kanya.

"Bilisan mo nak at kakain pa nang agahan.. hintayin kita. Ihahanda ko lang ang mesa."Turan ko tyaka pumuntang kusina. Just to find out that someone's eating there. Naka topless pa habang kumakain nang niluto kong chicken adobo.

Parang nag slow motion naman ang paligid nang bigla itong tumaas nang tingin at kumunot ang nuo. Mas lalo akong nahindik dahil, hindi lang ito simpling tao. Sya iyong nang insulto sa akin at the same time. MAY ARI NANG SCHOOL.

"I-I ahm.."

"What are you doing here?!"May pagka teretoryal na sabi nito.

Hindi naman ako makasagot, dahil inaamag ang utak ko. Una naka topless sya, except kina kuya, papa, Carlisle at nang mga naka topless sa TV sya pa lang yung unang nakita ko sa personal na naka ganun plus hindi ko pa sya kadugo. Ang gwapo nya sa Umaga kahit na halatang wala pang hilamos.

"Good morning tita, nagising ako sa Amoy nang ulam.. good morning Tito, andito pala kayo. Dito ko na sila pinatulog kase wala akong kasama. Tyaka nasabihan ko na din naman si mama. Andito sila kahapon."Zalde. Wala namang sagot galing Kay Mr Rhett Ventura.

At ako. Parang nabunutan nang tinik dahil sa biglang pag sulpot ni zalde.

"Kain ka na, zalde. Sabay nalang kami ni Carlisle mamaya, naliligo pa kase sya."Sabi ko at pinagsa walng bahala ko ang hiyamg nararamdaman ko tyaka inisip nalang na wala sya dito. Rhett Ventura.

Nilagyan ko nang pagkain ang Plato ni zalde at tinanong kung anong ulam gusto nya. Bukod kase sa adobo, nag Luto din ako nang hotdog chicken ham at sunny side up egg.

"Anong ulam gusto mo?"Tanong ko

"Lahat po, hehehe."Zalde

"Hahaha."Hindi ko mapigilang tumawa dahil sa hitsura nya. Nilagyan ko sya nang ulam. Lahat nang ulam na meron sa mesa. "Gusto mo bang uminom nang gatas? May dala ako.."Sabi ko Kay zalde..

"Sige po tita, hindi ko yan tatanggihan kase ikaw mag titimpla.."Bolerong Sabi nito. Kumuha naman ako nang dalawamg baso. Para Kay Carlisle at zalde.

"Cold or warm?"Tanong ko.

"Cold po, tita. Thank you."Masiglang Sabi ni zalde tyaka nagpatuloy sa pagkain.

Tinimplahan ko na sila nang gatas at dinala sa mesa. Nang tignan ko si Mr Ventura nag aalangan ako kung tatanungin ko ba sya kung gusto ba nya nang kape or wag nalang.

Pero sa huli..

"A-ah, sir gusto Nyo bah nang kape?"Tanong ko. Napalunok naman ako nang ilang beses ng tumingin sya sa akin.

"No, I'm full."sagot nito tyaka tumayo at kumuha nang tubig sa refrigerator.

Nilagyan ko na nang pagkain ang Plato ni Carlisle at inayos ito.

"After mo kumain zalde, maligo ka na din. Kailangan 6:30 anduon na tayo."Ako

"Okay po tita."

"Ma? Nakita mo ba jersey ko?"Biglang sulpot ni Carlisle sa kusina. Nakatapis pa at tumutulo ang tubig sa buhok nya patungo sa sahig.

"Beh naman, tumutulo yung tubig sa sahig. Hindi mo man lang pinunasan ang buhok mo!"Sabi ko Kay Carlisle at agad syang nilapitan at hinila nang mahina patungo sa kwartong inuukupa namin.

Pinatuyo ko ang buhok nya gamit ang damit na hinubad nya kahapon.

"Ayon damit mo. Isuot mo na yan, at kakain pa tayo."

Agad nya namang sinuot yung jersey nya at tinulungan akong mag ayos nang gamit sa kwarto. Nung natapus. Sabay kaming lumabas para kumain.

Pero habang pabalik, nakasalubong namin si Mr Ventura.

Medyo natigilan pa si Carlisle at tinitigan ang lalaking, natigilan din nang makita sya.

"Nak--"

"Good morning po Mr Ventura.."Matigas ngunit may respeto pa din na Sabi nya.

"M-morning.."Nautal pa na Sabi nito.

He walked passed through us at dumeretso sa kwartong katabe nang inuukupa namin. Bale nasa gitna yung inuukupa nya. Last naman yung sa amin, duon sa sulok, at Kay zalde itong na sa pinaka una.

Sumunod ako Kay Carlisle nang mauna itong mag lakad. Dumeretso sya sa kusina at hintay akong maka upo bago sya kumain. Kumuha naman ako nang pagkain ko at kumain na din. Baka kase ma late pa kami..

Mabilisan akong kumain kase mag hugas pa ako mang pinggan..

Hindi pa natatapus si Carlisle na kumain ay naghugas na ako nang pinggan. Malapit na akong matapus mag hugas nang matapus din si Carlisle na kumain.

Kinuha ko naman sa Kamay nya ang pinggan na hinatid dito sa sink at hinugasan. Mabilisan ang mga kilos ko kase malapit na talaga..

Nung natapus, inayos ko ang sarili ko. At nilagay sa backpack ang mga kakailanganin like pera, pulbo, panyo at iba pang kailangan.

Nung natapus, agad ko na Silang niyayang bumaba para maka pag attendance..