1 Simula

Ang mga tao ay bulag.

Nasisilaw sa pisikal na kagandahan kaya hindi napapansin ang pangit na katotohanan. Para silang mga paru-parong naaakit sa isang maganda ngunit nakalalasong bulaklak.

Ilalagay ka sa pedestal kapag maganda ka. Halos lahat ay pumapabor sa iyo, kahit ang atensiyon ng mga masasamang tao. Mga taong nilukob at nagpalamon sa makamundong kasalanan.

Ang mga tao sa mundo ay makasalanan. Kung iisipin mo, ito ay dulot ng ideya ng "kagandahan". Napaka ganda ng pera at kapangyarihan sa paningin ng mga sakim at gahaman. Napaka ganda ng pisikal na anyo at laman ng isang tao para sa mga taong may pagnanasa. Napaka ganda ng paghihiganti para sa mga taong may galit sa puso. Napaka ganda sa mata ng mga taong may inggit ang kabiguan ng ibang tao. Wala nang mas gaganda pa kesa sa kanilang sarili at napaka baba ng iba para sa mga taong mayabang. Napaka ganda at nakakaakit ang pagkain para sa mga taong labis sa katakawan. Napaka ganda ng hindi paggawa ng kahit ano para sa mga tamad.

Bulag ang mga tao dahil sa nakasisilaw na ideyang tinatawag na "kagandahan"-iyan ang natanto ko sa ilang taon kong pagmamasid sa mga tao. Huminga ako ng malalim at nilanghap ang hangin na punung-puno ng polusyon. Madalas akong maupo rito. Sa rooftop ng isang mid-rise apartment sa gitna ng lungsod. Pinagmamasdan ang panggabing ilaw ng mga gusali, kabahayan at mga establisyemento. Pinanonood ang mga tao.

"Piece of shit." Bulong ko habang pinanonood ang isang lalake habang nananamantala ng isang babae. Nasa isang madilim na eskinita sila sa 'di kalayuan. Sa ayos pa lang nila ay halata nang pilit na pinagsasamantalahan ng lalake ang babae. Hinahawakan nito ag maseselang bahagi ng katawan ng babae at pilit hinahalikan.

Sa isang iglap ay nakababa na ako malapit sa nagaganap na pananamantala. Tunog lamang ng aking takong at ang impit na daing ng takot ang maririnig sa tahimik na gabing iyon.

"Ouch!" daing ko bilang parte ng pagkukunwaring natapilok ako. Nakuha ko naman kaagad ag atensiyon ng lalaking desperado at hayok sa laman. Maging ang babaeng sinasamantala nito ay nakatingin sa akin, puno ng takot ang mga mata.

Hinawi ko ang mahaba at alon-alon kong buhok upang mahantad sa paningin ng lalake ang cleavage ko. Unti-unti nitong binitawan ang braso ng babae na agad kumaripas ng takbo. Sapo ko ang aking bukong-bukong na kunyari ay nasaktan. Lumapit sa akin ag lalake na mukhang nasa mid-twenties. Disente kung titignan ngunit amoy alak ang hininga kaya siguro nagkaroon ng lakas ng loob na bumigay sa tawag ng laman. Kulay blue ang dominanteng kulay ng kaniyang kaluluwa. Kulay ng pagnanasa-isa sa Sekkatis o tinatawag ng mga tao na "Seven Deadly Sins".

"Miss, okay ka lang?" Tanong niya ng makalapit sa akin. Ang mga mata ay nakatuon sa aking dibdib at hita. Tumingala ako at tinitigan siya.

"Uhm... masakit ang paa ko." Daing ko habang minamasahe ang aking bukong-bukong,

"Halika, tulungan na kita."

Inilahad niya ang kanyang kamay. At doon naman nabaling ang tingin ko.

'Ilang babae na kaya ang napagsamantalahan ng mga kamay na ito?'

Inabot ko iyon at hinawakan ng mahigpit. Ito ang mga kamay na gustong-gusto kong hawakan. Mga kamay ng isang makasalanan. Kunwaring hirap na hirap tumayo kaya inalalayan niya ako sa bewang. Dumausdos ang kamay niya patungo sa gilid ng aking dibdib.

Nang makatayo na ay tuluyan niya nang nasapo ang isa sa aking mga dibdib.

"Jackpot! Sobrang ganda at sexy mo, Miss. Siguradong mag-eenjoy tayo." Bulong ng lalake sa aking tenga na naghatid ng kilabot sa akin. Kilabot na hindi dahil sa takot. Hindi rin sa pandidiri at mas lalong hindi sa pagnanasa.

Natural na tugon ng aming katawan sa mga sekswal na aksyon na para sa amin naka tuon ang pangingilabot. Hindi ko mapipigilan ang ganitong pakiramdam. Ipinanganak ako para umakit ng mga tao, makipagtalik sa kanila at ubusin ang kanilang enerhiya na nagdudulot ng paghina ng kanilang kalusugang pisikal, emosyonal, mental, at ispiritwal.

Ako si Alessia Bella.

Isa akong succubus,

Isang birheng succubus.

avataravatar
Next chapter