webnovel

The Virgin Mary

-COMPLETED BOOK [1]- NBSB? No boyfriend since birth Oo,yan ang kahulugan sa probinsyanang Katulad ko. Never been touch, Never been kiss. Sabi nga ng NANAY ko sakin. THE BEST GIFT OF A MAN OF HIS WOMAN in THE WEDDING DAY IS THE VIRGINTY. Pero yung iba ginawang Monthsary gift, Anniversarry gift, O kaya birthday gift.. Pero lahat yun nagbago. Kinalimotan ko na ang sinabi ng nanay ko non, yung bagay na kina ingat-ingatan ko ay mawawala nalang bigla at naglaho.. Siguro nagmahal lang ng sobra, Kaya pati kaluluwa binigay na.. Pero isa lang ang bagay ang natutunan ko. VIRGIN ka man o Hindi. Kong mahal ka talaga ng isang tao. Tatang-gapin ka niya ng buong-buo. -VIRGIN MARY- Written by: Mommy_J

Mommy_J · Urban
Not enough ratings
62 Chs

KABANATA 33

Sabay ng sigaw ng mga kaibigan ko ang sigaw ng mga tao sa paligid. Hindi ko aakalain na may manunuod sa tatlong ito.

Noong una ay kami lang ang nandito sa gym pero ng tumagal ay isa-isang nagsilapitan ang mga tao. Kumuha ng kasamahan sina Matteo na taga rito lang sa syudad. Dalawang team ang sumalang sa laro. Nasa kabilang team si Clifford at Robi, at si Matteo naman ay humiwalay sa kanilang team. Bawat team ay may limang tao.

May sariling court ang mag pinsan at hindi ko alam kong bakit napagpasyahan nilang dito maglaro sa public, siguro ay mas gusto nilang expose sa larong to. Natatawa nga ako dahil buong akala ko ay maglalaban si Clifford at Robi, yon pala mas interesado ang dalawa na talonin si Matteo.

Nagsimula ng pumito ang referee. Nasa team ni Clifford ang bola. Bawat galaw ni Clifford ay hinaharangan ng kasamahan ni Matteo. Binabantayan naman ni Robi si Matteo sa dulo. Tumakbo si Clifford habang dinidribol ang bola, hinabol sya ng mga ka team ni Matteo dahil nakalusot ito. Tumalon ng mataas si Clifford at ipinasok ang bola gamit ang isang kamay lang.

"Kyaaaaaaaaaah."

"Oh my gosh. Ang hot niya. Ang gwapo-gwapo pa. I love you naka black,"

"Go go go naka black. Ang gwapo-gwapo mo."

Sigaw ng mga kababaehan sa kabilang bench ng gym. Isa silang grupo ng magaganda at sexy at mukhang type si Clifford. Ang kanilang dibdib na kulang nalang ay pumutok dahil sa suot, ang sobrang ikling short na halos kita ang pwetan. Kumaway si Clifford sa kanila kaya mas lalong nag-ingay ang mga babae. Tila nag tatalon-talon na parang nanalo ng lotto.

"Kumaway sya satin. Kyaaaaaaaaah---! I love you poge."

"Waaaa! Ang hot ng ngiti niya."

"Type ng mga bruha si sir Clifford ko." busangot ni Grace na crush na crush si Clifford. Sobrang tahimik nila simula nong na angatan sila ng mga babae sa kabila.

"Ede, ipaglalaban natin ang crush mo." Taas kilay ni Jessica kaya tumayo sya sa upoan ng bench bago ito sumigaw ng malakas.

"Sir Clifford galingan nyo po. Kyaah go go go go sir, we love you... Grace loves you. Go sir." Nanlaki ang mata ni Grace sa sinabi ni Jessica kaya hinila sya paupo nito. Kumaway si sir Clifford samin kaya mas lalong sumigaw si Jeesica. "Yaaaaaaaaaaaaaaaa! We love you sir." Sobrang laki ng ngiti ni Grace, Ivony at Erika sa eksena.

"Kyah.... Go poge."

Sigawan sa kabila kaya kita sa mukha ni Grace ang iritasyon. Hindi ko aakalain na tatayo si Grace at tumalon-talon ng pumasok ulit ang bola sa team nila Clifford.

"I love you sir Clifford. Go with the G with the O with the O. Goo! Goo! Goo sir." sigaw ni Grace na may halong sayaw.

Lamang ng dalawang puntos ang team ni Clifford. Napad-pad ang tingin ko kay Matteo na sobrang laki ng mga pawis. Ang kanyang kulay puting suot ay nabasa kaya kitang-kita ang maumbok nyang dibdib. Tumingin sya sakin kaya sumimangot ako. Alam kong pagod na pagod na sya at hindi ko pa magawang mag cheer.

Nagsimula ulit ang laro, nasa kabilang team ulit ang bola. Pinasa ni Robi ang bola sa kasamahan niya tska ito nagsimulang mag dribol. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko dahil binabantayan ni Clifford si Matteo. Halos pareho lang sila ng tindig at laki ng katawan. Hinarangan ng mga kasamahan ni Matteo ang lalaking may hawak ng bola. Bawat galaw nito ay sinusundan nila para hindi tuluyang makawala. Ilang minuto nalang ang natitira kaya panay ang bantay ni Clifford kay Matteo. Nakalusot ang lalake tska tumalon para ipasok ang bola sabay ng pagtalon ni Matteo mula sa harap niya. Nanlaki ang mata ni Clifford dahil nakawala si Matteo sa paningin niya.

"Boooom panis." Sigaw ng mga kaibigan ko habang tumalon-talon.

"Pancit haneeep woooooo." Sigaw ni Jessica.

Naagaw ni Matteo ang bola kaya nasa kanya ang bola ngayon. Nakagat ko ang labi ko dahil sa bawat dribol niya ng bola ay sinusulyapan niya ako bago kindatan. Panay ang tili ng mga babae sa kabila at mukhang type rin nila ang boyfriend ko.

Yes! Boyfriend ko iyan.

Nanlaki ang mata ko dahil huminto muna si Matteo habang pinapatalon ang bola. Nakatuon ang tingin niya sakin bago sya bumulong at basang-basa ko iyon mula sa bibig niya.

"I love you baby" Saad niya tsaka tumalon ng mataas at ini'dunk ang bola sa isang kamay lang. Halos tumalon ang puso ko dahil sa mangha ng ginawa niya. Sobrang lakas ng sigawan ng mga tao sa gym sabay ng pintig ng puso ko. Pagkatapos niyang ma ipasok ay ang pag kindat niya sakin ulit.

Kinilig ako. Oo inaamin ko kinikilig ako.

"Omy god. Alam ko iyon, alam na alam ko iyon. Waaaaa... Para yun kay Maey eh, para yun sayo Maey." Niyug-yog ako ng mga kaibigan ko dahil sa kilig. Nakakabingi na ang kanilang sigawan sabayan mo pa sa panay hampas nila sa balikat ko.

Ang sakit kong makahampas lang para akong kutson.

"Go sir Matteo---- Ang galing mo sir, ang gwapo-gwapo mo sir. Kyaaah!" Sigaw ng mga kaibigan ko. Nakagat ko ang labi ko dahil mas lalo kong napatunayan sa sarili ko na tuluyan na nga akong nahulog kay Matteo.

"Gosh Cherry ang gwapo niya mukhang type na type ka."

"Yes alam ko. Mamaya saakin ang bagsak niyan."

"Ikaw na talaga Cherry."

"Go naka white. I love you so much.. Ang hot hot mo."

Nakaramdam ako ng pangi-nginit sa buong katawan. Ang bawat salita nila ay nababasa ko kahit na malayo lang ang distansya namin.

"Ano ba yan ang lalandi. Hoy mga bruha pagmamay-ari yan ng kaibigan namin. Tong mga to ang lalandi." Sigaw ni Ivony  sa tabi ko kaya pinigilan ko sya. Sobrang sama ng tingin ng mga babae samin at tila pinapatay kami sa isip nila. Tinulak-tulak nila yung Cherry daw ang pangalan para mapansin ni Matteo.

Mas lalo akong nakaramdam ng galit dahil binigyan ito ng ngiti ni Matteo rason kong bakit mas lalo silang nagsigawan sa kilig.

"Parang mga danggit sa dagat." Sigaw na pabulong ni Grace kaya nagtawanan sina Ivony. Napatawa ako sa sinabi niya ngunit nagseselos parin ako.

Nagsimula ulit ang laro. Hawak ni Matteo ang bola kaya seryosong nakaharang si Clifford dito. Bawat talon ng bola ay ang pag alindog ng braso niya. Ang kanyang basang buhok na nagpapalinis ng kanyang mukha. Sobrang higpit ng hawak ko sa dibdib dahil sa kaba. Kaliwa kanan syang tumatakbo para ilagan si Clifford. Panay ang sigaw ng mga tao sa gym dahil sa kisig at bilis ni Matteo. Binahagi ni Clifford ang kanyang kamay para hindi makadaan si Matteo. Pero umikot lang si Matteo tsaka tumalon ng  mataas at ipinasok ang bola nang matuwid.

Isang pasok isang sigaw.

"Waaaa! Sir Matteo ang galing-galing mo..Waaaaaaa go sir." Sigaw ng mga kaibigan ko sa gilid. Nagtatalon ang mga babae sa kabila at tila tinulak-tulak ulit si Cherry ang babaeng sobrang ikli ng short.

"Omy gulay.... Ang galing mo naka puti. Ang poge-poge mo pa."

"Kyaaah girls ngumiti sya satin."

Nahuli kong ngumiti si Matteo sa mga babae. Sinulyapan ko sya at tinaasan ng kilay pero bumusangot lang ito. May pa ngiti-ngiti ka pa sa iba huh? Humanda ka talaga sakin mamaya.

"Hoy Maey, kailangan mong e'cheer ang boyfriend mo, kong ayaw mo ma share sya sa iba." Bulyaw ni Grace kaya natahimik ako. Kita sa mukha ni Matteo ang pagod nito. "Nangangailangan ng inspirasyon yong tao oh," dugtong niya pa.

Hingal na hingal na sya sa laro. Nahihiya akong sumigaw at tumalon-talon. Dahil sa probinsya ay normal lang naman akong nanunuod ng ganito. Lalo na kay Rocky at sobrang galing non maglaro ng basketball.

Nagsimula ulit ang laro. Katulad ni Matteo ay sobrang pawis narin ni Clifford at Robi. Hingal na hingal narin sila dahil sa kakatakbo. Hawak ng kasamahan ni Matteo ang bola, panay ang bantay ni Clifford kay Matteo. Habang hinaharangan ni Robi ang lalakeng may hawak ng bola. Pilit niya iyong kinukuha pero umiilag lang ang lalake. Sobrang tangkad din ni Robi tulad ng magpinsan kaya, kaya niyang palakan ang kalaban ni Matteo. Pinasa ng lalake ang bola sa kasamahan nito, sumigaw ang mga tao sa gym dahil sa pagtalon ng lalake ay agad naman naabot ni Robi ang bola. Nakuha ni Robi ang bola tska tuluyang tumakbo sa ring nila. Sabay ng sigaw ng mga tao ang pagpasok ng bola sa ring.

"Omg I love you naka gray. Ang cute mo. Kyaaaah!"

"Ang galing mo my baby boy."

Sigawan ulit ng mga babae sa kabila. Kita sa mukha ni Ivony ang iritasyon dahil crush na crush niya si Robi. Mas lalo syang nairita dahil nag flying kiss si Robi sa mga babae kaya halos mag kagulo sa gym dahil sa tilian nila.

"Kyaaaaaaaah"

"Akin iyong halik"

"Hindi akin yun noh.."

"Sakin sya ng flying kiss girl. Kaya huwag kayong assumera."

Halos mag away-away sila sa pag aagawan sa binitawang halik ni Robi.

"Waa... Sir Robi.. I love you sobra-sobra... Go sir Robi ang galing-galing mo." Biglang tumayo si Ivony tska sumigaw ng malakas. Nagulat kami sa ginawa niya. Halos lumingon sa direksyon namin ang iilang manunuod. "Sir, ang galing mong shumot. Waa..... Napasok mo sa isang tira lang sir ang hanep.." Halos mabaliw si Ivony sa kakasigaw. Natahimik ang mga kaibigan ko sa ginawa niya. Mas lalong nabaliw si Ivony ng nagbitaw ng halik si Robi. Halos hindi makagalaw si Ivony pagkatapos saluin ang flying kiss ni Robi. Dahan-dahan syang humarap samin na namilog ang magkabilang mata.

"Nag flying kiss sya sakin. Waaa... nag flying kiss sya sakin." Agad niyang hinalik-halikan ang kanyang kamay na nakakuyom. Iyong kamay na gamit niya kanina sa pagsalo.

"Hay naku ang flying kiss parang imahinasyon. Hanggang dun lang." Asar na ngiti ni Jessica kaya umawang ang labi ni Ivony.

"Minsan kasi may mga bagay na mahirap abotin, kaya dinadaan nalang sa imahinasyon." Dugtong ni Grace kaya mas lalong sumimangot si Ivony.

"Bakit si Maey naging sila ni sir Matteo? May mga bagay ding hindi dinadaan sa imahinasyon, kasi may mga bagay na masilang mangyari na hindi mo ini'expect. Unexpected ba kamo." Maarteng sagot ni Ivony. "Basta ako crush, crush lang, bawal ma fall." Irap niya samin tska kami tinalikuran. "Waaaaa go sir Robi." Nagsimula ulit syang mag cheer kaya humagik-ik kami sa likuran..

Naisip ko ang sinabi niya. Crush lang bawal ma fall?

Pero hindi ko naging crush si Matteo. Bigla lang akong nahulog sa kanya ng hindi ko alam.

Time out, saad ng referee. Napatingin sakin si Matteo na nakasimangot parin. Siguro ay gusto niya ng supporta mula sakin. Ano ba itong gi agawa ko kailangan niya ako.

"Maey puntahan mona at punasan mo ang mga pawis ni sir Matteo." Tinulak-tulak ako ni Jessica sa balikat. Nasa akin ang tingin ni Matteo habang pinupunasan ang kanyang mga pawis.

"Ano ka ba Maey. Baka maunahan ka ng mga babaeng kabote sa kabila. Naku! Naku! gusto mo bang maagawan ng boyfriend?" Bulyaw sakin ni Grace kaya sumimangot ako. Akin lang si Matteo, akin lang sya. Tinaas ko ang noo ko tska nagsimulang lumapit sa kanya.

Hindi pa ako nakakalayo sa mga kaibigan ko ay isa-isa ng lumapit ang mga babae kanina sa direksyon nila Matteo. Umatras ako ng bahagya kaya nakita iyon ni Matteo. Lalapit na sana sya sakin ng hinarangan sya ng mga babae. May dala itong towelya at tubig at nag uunahan pang magbigay ng towalya. Bagsak ang magkabila kong balikat ng bumalik kina Ivony.

Madali ka talagang maagawan kong palagi kang huli.

"Yan na nga sinasabi ko eh. Dapat bakuran mo si sir, nang sa ganon ay walang zombie'ng makakalapit." Pagmamaktol ni Grace. Umupo kami saglit habang hindi pa nagsisimula ang laro.

"Sa susunod na time out. Dapat dumiretso kana sa jowa mo. Naku Maey, ikaw dapat ang pumupunas ng pawis ni sir." si Jessica.

"Oo nga, tignan mo nga yan oh. Sobrang chansing ng mga zombie. May pa hawak-hawak pa sa dibdib ni sir." si grace.

"Ang sarap haitan ng mga kilay na mukhang nike." Si Ivony.

Sumimangot ako dahil sa pinalilibotan sya ng mga babae. Siguro ay kulang ako sa lakas ng loob. Gwapo si Matteo, mabait, maalaga bakit hindi ko magawa sa kanya ito ngayon? Kailangan ni Matteo ang supporta ko para manalo sa laro kaya ibibigay ko iyon. Sumulyap ulit ako sa kanya at panay kilig parin ng mga babae.

Yang lalakeng kinikiligan nyo ay boyfriend ko. Kaya, ako lang dapat kikiligin sa lalakeng sinasamantalahan nyo.

Nagsimula ulit ang laro kaya sabay kaming tumayo. Panay cheer ng mga kaibigan ko at sinisigaw ang pangalan ni Robi at Clifford. Gusto kong isigaw ang pangalan ni Matteo. Gusto kong ipag sigawan na mahal na mahal ko sya.

Nasa gitna ang referee para simulan ang rebound. Itinaas niya ang bola habang nakaabang si Clifford at Matteo sa gilid niya. Tumunog ang pito sabay tapon niya ng bola sa itaas. Tumalon si Clifford at Matteo pero napalakan lang si Clifford ni Matteo. Hawak-hawak ni Matteo ang bola habang pilit itong inaagaw ni Clifford. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko dahil lamang sina Matteo ng isang punto. Pag maipasok niya ito ay panalo na sila.

"Kyaaaaah go papa Matt."

"Waaaaa ang poge. Papa Matt i shot muna ang ball."

"Waaa papa Matteo. Huwag monang tagalin pa i shot muna ang ball."

"Ipasok mona aah!"

Sigaw nila na may halong landi. Naikuyom ko ang kamao ko sa galit. Bawat bigkas nila ay may konektado kaya masilang iyong paking'gan.

"Aba ang landi mga besh. Tapunan kaya natin ng granada ang mga yan." Iritasyon na sambit ni Grace.

Malapit na ang oras kaya kailangan ng ipasok ni Matteo ang bola. Huminga ako ng malalim. Ang tibok ng puso ko ay mas malakas sa sigawan ng mga tao.

"Go babyloves. Kaya mo yan. I love you sobra sobra babyloves. Waaaaa i shot mona baby. Kailangan mong manalo kundi wala kang regalo."

Sigaw ko ng malakas rason kong bakit napalingon sya. Kita mula sa gilid ng mata ko kong pano nalalag-lag ang panga ng mga kaibigan ko.

"I love you! I love you! I love you! Babyloves. Maipapasok mo yan. Gogogogogo. Go my boyfriend." sigaw ko pa mas lalo kaya literal na nagulat ang mga babae sa kabila.

"Hala girls boyfriend daw!" saad ng mga babae sa kabila.

"Gogogoogogoogo my boyfriend!" Inulit ko para malaman ng mga zombie girls na ako ang girlfriend. Sobrang lapad ng ngiti ni Matteo. Nagbitaw ulit sya ng salitang nagpapa antig ng puso ko.

"I love you too baby," Saad niya bago tumalon kahit malayo ang ring. Sobrang lakas ng sigawan ng mga tao dahil sa umikot-ikot ang bola sa ire. Palapit ng palapit iyon sa ring kaya mas lalong nagyanig ang gym.

Sobrang higpit ng hawak ko sa dibdib ng magsimulang umikot-ikot ang bola mula sa gilid ng ring. Bawat ikot nito ay nagpapakaba sa mga manunuod. Lahat nakanga-nga sabay ng pag tunog ng pito at pagpasok ng bola nito.

Halos mabali ang braso ko sa kakatalon dahil napasok ang bola. Ang mga babae na kaninay nangi-babaw ang sigaw ngayon ay nalampasan namin. Dali-dali kaming bumaba tska nagtungo sa direksyon nila Matteo. Hindi ko na makilala ang sarili ko dahil sa pagtalon ko at niyakap sya ng mahigpit.

Wala na akong pakialam kong mabasa man ako sa pawis niya. Yakap-yakap ko parin sya at niyakap niya rin ako pabalik. Ang bango niya kahit naliligo na sya sa pawis.

"Wow te, parang pelikula lang ang peg? " Humiwalay kami sa yakap dahil sa tawanan ng aking mga kaibigan sa gilid. Sinamaan ko sila ng tingin kaya agad silang humalukip-kip.

"Pano ba yan talo tayo ni Matteo." Saad ni Robi habang kinakati ang batok.

"Puta mukhang ikakasal na ako nito ah." Iling na sabi ni Clifford. Totohanin ba talaga nila yong sinabi ni Matteo?

"Deal is deal." Sambit ni Matteo sa gilid ko.

"Eh sino ba yang ipapakasal mo samin dude? Tang'ina yung hot at sexy huh?" Pagmamaktol ni Robi. Tumawa ng mahina si Matteo tsaka hinarap ang dalawa.

"This is not just an ordinary deal." Kumunot ang noo ni Clifford at Robi.

"What do you mean dude?" Taas kilay ni Clifford. Sa mga ngiti ni Matteo ay may balak syang naiisip.

"Simple lang naman ito. Matanda man o bata ay may libring kiss sainyong dalawa." Nanlaki ang mata ni Clifford at Robi.

"Putang'ina dude. Okay na sana eh, bakit may matanda pa?" Pagmamaktol ni Clifford.

"Remember, hindi lahat ng costumer sa bar mo ay bata meron ding matatanda. And I change my mind. Every costumer na papasok sayong bar ay may libreng kiss at hug. Even the waitresses." Nanlaki ang mata ng apat kong kaibigan. Nahuli ko silang nagkukurotan sa likod nila dahil sa kilig.

"Ang dali lang pala eh." Cool na sagot ni Robi. Umawang ang labi ni Matteo dahil mukhang may naiisip ulit ito.

"Not to Easy. You will do that for up to a week." Dugtong niya kaya mas lalong lumapad ang ngiti ng apat. Isang linggo silang may libreng hug at kiss sa dalawa kaya mas lalo silang mababaliw.

"Fuck dude. Are you serious with this?" Bulyaw ni Robi.

"Okay lets go back to my first plan. Pipili akong ng papakasalan nyo." ani ulit ni Matteo.

"Ah okay na ako sa pangalawang deal. Kong gusto mo nga eh, simulan na namin ni Clifford ngayon." Dali-daling sagot ni Robi bago umakbay kay Clifford.

"Fine..... gagawin namin yan." Marahan na sagot ni Clifford. "Sinong gustong mauna sainyo girls?" Direktong tanong ni Clifford kaya halos matumba ang apat sa kinatatayuan nila.

Tawa ako ng tawa kaya hinila ako ni Matteo sa palapulsohan para bigyan sila ng daanan. Titig na titig si Matteo saking mata at parang pusa ulit ng nang-hihingi ng pagkain.

"Now, lets go back to our deal. I won and I own you this night." Direkto niyang sabi kaya uminit ang magkabila kong pisnge. Kinuha ko ang towel sa balikat niya tsaka sya dahan-dahang pinunasan sa mukha.

Ang sarap sa mata. Ang kanyang perpektong mukha ay palagi kong nahahawakan. Akin na ba talaga ang lalaking to? Ako na ba talaga ang may nag mamay-ari nito? Hindi ko alam, dahil girlfriend lang ako.

Nakagat ko ang labi ko dahil napadpad ang tingin ko sa labi niya. Hinuli niya ang kamay ko tksa iyon hinalikan. Nagsimula ulit lumipad ang iilang paru-paro sa dibdib ko. Lumapit sya sakin tska ako hinila sa magkabilang bewang. Isinub-sob niya ang kanyang mukha sa leeg ko kaya halos matumba ako sa nginig ng aking tuhod.

"Lets go home baby, Im tired and I need medicine from you." Saad niya na ikinatindig ng balahibo ko. Ang init ng kanyang hininga ay dumampi sa balat ko.

Sobrang pagod si Matteo at kailangan ko yata syang alagaan.