webnovel

The Virgin Mary

-COMPLETED BOOK [1]- NBSB? No boyfriend since birth Oo,yan ang kahulugan sa probinsyanang Katulad ko. Never been touch, Never been kiss. Sabi nga ng NANAY ko sakin. THE BEST GIFT OF A MAN OF HIS WOMAN in THE WEDDING DAY IS THE VIRGINTY. Pero yung iba ginawang Monthsary gift, Anniversarry gift, O kaya birthday gift.. Pero lahat yun nagbago. Kinalimotan ko na ang sinabi ng nanay ko non, yung bagay na kina ingat-ingatan ko ay mawawala nalang bigla at naglaho.. Siguro nagmahal lang ng sobra, Kaya pati kaluluwa binigay na.. Pero isa lang ang bagay ang natutunan ko. VIRGIN ka man o Hindi. Kong mahal ka talaga ng isang tao. Tatang-gapin ka niya ng buong-buo. -VIRGIN MARY- Written by: Mommy_J

Mommy_J · Urban
Not enough ratings
62 Chs

KABANATA 16

Nang sumapit ang gabi ay isa-isa kaming naging busy sa mga trabaho namin. Simula nong pag-uwi ko kanina ay hindi narin nagtanong ang tatlo tungkol sa nangyari kagabi.

Ganon parin ang ginagawa ko. Hinahatid ko ang bawat alak sa bawat mesa. Hindi ko narin nakikita si Rocky, at alam kong busy sya kay Kria. Naalala ko ang sinabi ni Kria na Fiance sya ni Rocky. Magpapakasal na ba talaga sila? Hindi manlamg sinabi sakin ni Rocky.

Naninikip ang dibdib ko pag-iniisip ko iyon.

"Maey pakihatid sa number 5, Please!" Pabor ni Jessica tsaka ko tinanggap ang iilang alak.

Nagtungo ako sa numerong nakasaad. Grupo iyon ng mga kalalakihan at mukhang ka edad ko lang.

"Goodevening,"  Tipid kong bati kaya sabay silang napatingin sakin. Pilit kong kumalma sa titig nila. Sanay na ako sa mga ganitong titig.

"Oh Clark magaganda pala ang waitress ng pinsan mo dito." sabi ng isang lalaki. Dahan-dahan kong inangat ang ulo ko para tignan sila.

Pinsan? Sino kaya ang pinsan ni Clifford dito. Lahat sila ay may itsura at sigurado akong kaibigan niya lahat ito.

"Clifford Standard is high and nothing change." Sagot ng isang lalaki kaya napalingon ako sa kanya.

Naningkit ang mata ko dahil sa pamilyar ang kanyang mukha. Hindi ko alam pero parang nakita ko na sya at hindi ko lang maalala kong saan.

"Hey miss beautiful. May i know your name?" Lumingon ako sa lalaking nakalahad ang kamay kaya agad ko iyong tinanggap na may ngiti. Ayaw kong maging bastos sa harap ng mga kaibigan ni Clifford.

"Mary," Sagot ko at ramdam ko ang himas ng kanyang palad sa palad ko.

"Nice name bagay sayo. Im Jestony and its nice to see you here." Head to toe niyang saad kaya agad kong binawi ang kamay ko pero hinawakan niya ito ng mahigpit.

Nagtawanan silang lahat. Ang kanyang titig ay nasa aking hita. Binaba ko ang damit ko sa may hita dahil sa titig niya mula dun.

"Not here magagalit ang pinsan ko niyan." Pagbabanta nong lalaki kanina tska ako tinignan na may ngiti.

Tumayo ang lakaki habang hawak parin ang kamay ko.

"Easy dude. I want to know this girl lang naman." Saad niya sakin habang kagat niya ang kanyang ibabang labi. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko dahil minsan narin akong nabastos. Binawi ko ang kamay ko ngunit hindi niya iyon binibitawan.

"Stop it Jestony, kong ayaw mong mapahamak." Pagbabanta ulit ng lalake kanina na may iritang tono ng boses.

Nagtawanan ulit sila kaya nagsimula ulit akong matakot.

"I'm not going to make an trouble, I just want to get to know her." Wika niya tsaka hinimas-himas ang kamay ko ulit. Tinatago ko ang takot ko at kaba. Ayaw ko ng gulo kaya ko ito.

"Sir pasensya na po at babalik na ako sa trabaho ko." Mahina kong sabi kaya tinapunan niya lang ako ng ngiti. Isang ngiting malademonyo.

"I can handle, miss. My friend is your boss and nothing to worry about." Malandi niyang sabi kaya pilit ko paring binabawi ang kamay ko.

"Easy dude,"

"Shut up dre. She's a waitress and just look for another woman."

"Clifford will be angry with this."

Isa-isang sabi ng kanyang mga kaibigan pero nag mamatigas parin ito.

"Guys relax wala pa nga akong ginagawa eh. The Girl is already mine." Hambog pa nitong sabi kaya natatakot na ako.

"Pasensya na po sir, pero kailangan ko na talagang bumalik sa trabaho ko." Ulit kong sabi kaya binaling niya ang tingin sakin na may kunot noo.

"How much do you need? How much you are? I can buy you miss so tell me," Hamon niya kaya nakaramdam ako ng pangi'nginit sa katawan. Pangi-nginit sa galit dahil hindi ako isang bayaran.

Sobrang bilis ng pangyayari. May bigla nalang humila sa bewang ko tsaka niya ako itinago sa may likuran niya. Itinulak niya ng malakas si Jestony kaya napahiga ito sa couch na inuupoan ng mga kaibigan niya.

"Don't touch my property, don't should ever touch what is mine." Nagsitayuan ang mga lalaki na kasama nito tsaka hinarangan si Matteo dahil aakma itong susuntokin si Jestony.

Sobrang bilis ng tibok ng puso ko habang niyayakap ang dalang tray. Pilit ko paring pinoproseso ang sinabi ni Matteo sa kanila..

"Dont touch my property!"

"Dont touch my property!"

Paulit-ulit iyong pumapasok sa tenga ko. Hindi ko alam pero ang lakas ng impact sakin sa sinabi niyang iyon.

"Is that your girlfriend Matt?" Turo sakin ni Jestony na para bang diring-diri sakin.

"None of your nonsense business Jestony." Bagsak boses ni Matteo habang itinulak ang mga kaibigan nito na humahawak sa kanya. Kinakabahan na ako sa maaring eksena.

"No I know. She's one of your playtime rght? Why you can't share your blessing dude. Kailan ka pa naging selfish saming magkakaibigan?" sobrang bilis ng pangyayari. Agad syang bumulagta sa sahig dahil sa direktong pag lusob ni Matteo.

Nagkakagulo narin sa mesa kaya naramdaman ko ang hawak ni Ivony sa braso ko. Lumingon ako sa kanya na may bahid na takot. May ibang hindi nakakapansin sa gulo dahil sa malakas na tugtog ng musika.

"Fuck you---Why should I share my woman with you. Ibabaon muna kita sa impyerno." Pag babanta ni Matteo tsaka ito hinawakan ulit ng mga lalaki. Pilit syang pumipiglas sa mga kaibigan niya.

"Dude stop it. He was just drunk at kanina pa namin sya pinag-sasabihan." Pigil sa kanya nong lalaki na ang alam ko ay Clark ang pangalan.

"Dont call me dude your not my brother," Naningkit ang mata ko dahil mag kamukha nga sila. Ilang sandali lang ay nanlaki ang mata ko dahil sya yung kasama ni Venus sa resto.

Naalala ko na.

Hinigit ni Matteo ang kamay ko tsaka tuluyang umalis dun. Naiwan ang mga kaibigan ko na tulala sa eksena.

"How cheap you are Matt,"  Narinig ko pa ang bulyaw ni Jestony kaya may iilang luha ang pumatak sa pisnge ko.

Humikbi ako sa iyak at hindi manlang namalayan na nakapasok na kami sa office ni Clifford. Binitawan niya ang kamay ko tsaka sya humarap sakin. Panay ang tulo ng aking luha kaya dahan-dahan syang lumapit sakin at pinunasan ang bawat botel ng aking luha.

"Im sorry," Dahan-dahan kong inangat ang ulo ko. Sobrang lungkot ng kanyang mata at kita mula dun ang pag-aalala.

"Bakit mo ginawa iyon?" Tanong ko kaya kumunot ang noo niya. Mas inuna ko pa ang katanongan kaysa mag-pasalamat nalang. Gusto ko lang talagang malaman kong bakit.

"Binabastos ka nila, at hindi ko 'yon hahayaan." Matigas niyang tagalog kaya unti-unti kong pinunasan ang luha ko sa mata.

"Sanay na ako, hindi mo naman kailangang awayin ang mga kaibigan mo para sa isang cheap na katulad ko Matteo." Mahina kong sabi kaya umigting ang panga niya sa galit. Kitang-kita ang pabalik-balik na lunok ng kanyang adam's apple dahil sa galit.

"Fuck Mary. They are not my friends, who said that to you?" Tanong niya sa iritang tono. Magkakilala sila at kaibigan parin iyon.

"Dahil kilalang-kilala ka nila at iyon ay nakikita ko sa kanila." Sagot ko kaya pilit niyang kinakalma ang kanyang sarili.

"They dont know who am I. They dont know what im gonna do when im in anger. They dont know who is the real Matt, Mary. They just know my name but not my attitude." Sunod-sunod niyang sabi tsaka sya lumapit sakin at hinawakan ang magkabila kong balikat. "We're friends right? Then im just protecting you, for being a nice friend." dugtong niya pa.

Dahan-dahan kong inintindi ang bawat sinasabi niya. Kaibigan nga kami pero ang hirap paniwalaan dahil  naging kaibigan ko sya. Mayaman sya at hindi ako nababagay bilang kaibigan niya.

Iba si Rocky dahil kababata kami at iba si Matt dahil bago lang kaming magkakilala.

Sabay kaming napalingon sa pintoan ng bumukas iyon. Bumungad samin si Clifford at Robi na may ngiting pang-aasar.

"I hear what happen. Clark told me and I think, kakaiba kana Matteo." Ngiting pang-aasar ni Clifford tsaka binaling ang tingin sakin. Napayuko ako sa kahihiyan!

Nagtungo sila sa desk at sabay umupo sa sofa.

"Babalik na ako sa trabaho sir, Sorry po talaga." Yumuko ako tska tuluyang tatalikod na sana ng mag salita si Clifford.

"No mary, Stay here. Gusto kitang makausap." Dahan-dahan akong lumingon kay Clifford na kinakabahan. Baka tatanggalin na niya ako dahil sa nangyari. Dahil kasalanan ko kong  bakit nag-away silang magkakaibigan.

"Pasensyahan mo na ang kaibigan namin Mary. Lasing lang talaga 'yon." Sambit ni Robi habang naka number four ng upo sa itim na couch.

"Drunk!? thats not an excuse. naging padabog ang boses ni Matteo.

"You know him dude pag nalasing diba?" kibit balikat ni Robi na ikinagalit ni Matteo.

"If drunk you, is the real you. Come on. His definitely a basstard!" Bulyaw ni Matteo. Dali-dali syang lumapit sa isang mesa kong saan merong alak at baso. Nagsalin sya at ininom iyon.

Hard drink? Maglalasing ba sya?

"Relax Matt. You are really worried about my waitress huh? Is that an excuse or baka natamaan kana?" tanong ni Clifford na ikinalingon ni Matteo sakin.

Ramdam ko ang pamumula ng aking pisnge sa sinabi niyang iyon. Umiwas ako ng tingin sa titig ni Matteo.

"Huli ka!" Natatawang singit ni Robi tska ako kinindatan nito.

"Then, what the hell you care?" Bagsak boses ni Matteo kaya sabay tinaas ni Clifford at Robi ang kanilang mga kamay.

"Whooo!" Sabay nilang dalawa na may ngiti.

Humalukip-kip ako ng tayo. Binaling ang tingin sakin ni Matteo na kunot ang noo at tila gustong hulihin ang aking mata. Tinititigan niya ang suot kong damit.

"Kindly please change your waitresses uniform. It's kin'da to much tighty and everyones pale it." Sarkastikong wika ni Matteo kaya lumakas ang tawa ni Clifford sa sinabi niyang iyon.

"This is my bar Matteo and mind your own business. Kailangan nilang magsuot ng ganyang damit at mukhang walang problema naman sa mga waitress ko. Right Mary?" Baling sakin ni Clifford kaya agad akong tumango bilang sagot.

Okay lang sakin ang damit. Hindi ko kailangang magreklamo dahil libre ito. Narinig ko ang muting buntong hininga ni Matteo kaya nag-iwas sya agad ng tingin sakin. Binagsak niya ang baso sa mesa.

"But your waitress is my business."  Seryoso niyang saad kaya sobrang bilis ng tibok ng puso ko. Halos hindi ako makahinga sa sinabi ni Matteo. Anong ibig niyang sabihin----

"Alam na.... Mukhang naging loverboy na itong pinsan natin ah!" Natatawang sambit ni Robi sabay lagok ng alak.

Natahimik si Clifford sa sinabi ni Matteo. Hindi ko mabasa ang ekspresyon ng mukha niya pero parang hindi say sang-ayon sa sinabi ni Matteo.

"Mary pwede mo ba kaming iwan saglit? Kailangan naming kausapin si Matteo ng masin-sinan." Agad akong tumango bilang pasang-ayun. Kailangan ko naring bumalik sa trabaho ko.

"Excuse me," Yumuko ako tsaka sila tuluyang iniwan. Hindi na ako pinigilan ni Matteo at alam kong kailangan niya ring kausapin ang dalawa.

Bago ko pa naisira ang pinto ay narinig ko pa ang usapan nila.

"May gusto ka ba kay Mary? Pano si Venus?"

"Dude, kong gagamitin mo lang sya huwag munang ituloy. Rocky will be definitely angry with it, kaya umiwas ka nalang."

Sumikip ang dibdib ko sa narinig. Dali-dali akong tumalikod. Sobrang bilis ng tibok ng puso sabay ng pagsikip ng dibdib kong halos akong matumba. Hindi ko sila maintindihan at alam kong hindi ko dapat nilalaliman ang sinabi nilang iyon.

Hindi pa kami nagsisimula ni Matteo, at iniisip ko nalang na iyon ang punto nila sa pagpapanggap namin.

Pero bakit ang sakit?