1 CHAPTER 1 ❤️

❄︎ The Transferee

 

"Norie! Nabalitaan mo na ba?" sabi ng humahangos kong classmate at best friend na si Ressa paglapit sa kinauupuan ko.

"Ano 'yun at para kang hinabol ng zombie sa itsura mo."

Sumimangot ito sa tinuran ko, tinawana ko lang ang kanyang reaksyon. Naghalungkat ako sa aking bag.

"Oh! Magsuklay ka, mukha kang bruha."

"Duh! Ikaw na maganda at pinagpala sa lahat Norie."

Sarkastiko nitong ingos sakin na kinuha naman ang suklay sa kamay ko at sinumulang suklayin ang buhok.

"Oo nga pala, muntik ko ng makalimutan. May transferee daw sa section natin."

"Nasa kalagitnaan na tayo ng taon, bakit tumanggap pa rin sila ng bagong estudyante?"

Nagtatakang akong pumunta sa bintana ng classroom namin. Tinanaw ko ang mga estudyante sa hallway na nag-uumpukan malapit sa teacher's room. Hindi ko makita ang loob niyon dahil ang dami nila sa labas.

"Oo nga e, at ang sabi pa bully daw 'yun sa dating school na pinapasukan niya. Lahat pinagtitripan niya. Nakakatakot siya diba."

Napalingon ako sa gawi ni Ressa na abala pa rin sa pagsusuklay.

"Bruha ka! Ba't ang dami mong alam? Napakachismosa mo talaga." sabi ko rito na bumalik sa upuan ko.

"Hoy babae! Hindi ako chismosa no, napadaan lang ako sa kabilang section at saktong narinig ko ang pinag-uusapan nila."

"Oo na lang Ressa!"

Natatawang sabi ko sa kanya na kinuha na lang ang isang notebook ko sa bag para magreview. Panigurado may quiz na naman kami sa Math at ayokong makakuha ng mababang score lagot ako nila mama.

"Ay naku Norie, magrereview ka na naman? kakareview mo lang kanina e, masyado kang conscious sa grades mo." ingos nito sakin.

"Ayokong madisappoint sakin sila mama kapag mababa ang nakuha kong score."

"Here we go again. Norie the good daughter." ani pa niya na tumirik pa ang mga mata sa kisame.

Hindi ko na siya pinansin pa at nagconcentrate na lang sa pagrereview.

Fourth year high school na kami this year at graduating na kaya naman sobrang nakakapressure. Kailangan kong ma-maintain ang matataas na grades ko or much better kung perfect grades ang makuha ko.

Dali-daling bumalik sa kanya-kanyang upuan ang mga kaklase ko ng pumasok sa loob ang adviser namin. Tumigil muna ako sa aking ginagawa at tumingin sa unahan.

"Okay class I have an announcement please be quiet."

Tumahimik naman ang lahat at hinintay ang sasabihin ng aming guro.

"Hindi naman siguro lingid sa kaalamn ninyo na may bago kayong magiging kaklase."

"Yes Ms."

Sabay sabay naman na sagot ng mga classmates ko saka nagbulungan.

"Okay Iho, come here at magpakilala ka sa mga magiging kaklase mo."

Sabi pa ni Ma'am na sinenyasan ang nasa labas. Unti-unti namang pumasok ang tinawag ni Ma'am.

"I'm Luegi Marcos at your service." anito na kumindat pa.

Nagsihiyawan naman ang mga babaeng kaklase ko kasama na roon ang best friend ko na si Ressa. Napa-roll eyes na lang ako sa mga reactions nila. Kung titingnan siya may itsura nga, okay gwapo siya! Pero hindi ko siya type, napakangas niyang tingnan at halatang babaero. Hindi pangkaraniwan ang tangkad siya, pwede siyang sumali sa basketball team. Ang buhok niyang hindi yata nasasayaran ng suklay dahil may pagka messy iyon. May bilugang mga mata at may malalantik na pilik. Matangos din ang kanyang ilong na bumagay sa pangahan niyang mukha. Napatingin naman ako sa kanang teynga niya na may hikaw na kulay itim. Mukha siyang gangster na rakista na ewan. Ang mga labi naman niya ay mamasa-masa at mamula mula na para bang napaka-kissable niyon.

Napatitig ako sa labi niya na nakangisi ngayon. Napakurap ako at tiningnan siya sa mga mata. Nagulat ako kasi sa'kin siya nakatingin ngayon habang nakangisi. Kinabahan ako sa paraan ng pagtitig niya. I have this feeling na dapat ko siyang iwasan. I don't know pero pakiramdam ko delikado siyang lapitan.

Napakunot ang noo ko. Anong problema niya? Inalis ko ang mga mata sa kanya at bumalik sa pagrereview.

"Mr. Luegi Marcos, doon ka na lang sa dulo katabi ni Ms. Norie Ramirez. Iyon na lamang kasi ang bakanteng upuan sa ngayon."

Napa-angat ang ulo ko at tumingin muli sa harapan ng marinig ang sinabi ng teacher namin. And again nakatingin pa rin siyang nakangisi sakin. May sapak yata sa ulo ang lalakeng 'to.

Matapos niyang ipakilala si Luegi, umalis na rin ang adviser namin dahil may tuturuan pa siyang ibang section. Mamaya pa kasi siya magtuturo samin dahil siya ay pangatlong subject pa namin.

Napasimangot ako dahil ako pa ang makakatabi ng lalakeng pinaglihi pa yata sa pagngisi. Sa totoo lang nakaka-asar ang mga tingin niya at pagngisi kahit na ang gwapo niya sa part na iyon, hindi ko pa rin siya type. Mas gwapo pa rin ang boyfriend ko sa kanya.

Inalis ko ang bag ko na nakalagay sa kabilang bangko na uupuan niya. Naiinis ako kasi nasanay akong walang katabi pero heto at may maangas na akong makakatabi and worst may sapak pa yata sa ulo. Napabuntong hininga na lang ako ng umupo na siya sa katabing upuan ko.

Napatingin ako sa gawi ni Ressa malapit sa unahan na may kakaibang ngiti sa mga labi. Problema ng bruha na 'yun? Pinanlakihan ko lamang siya ng mga mata at umayos na ng upo.

"Hey!"

Hindi ko pinansin ang bagong katabi at patuloy pa rin na nagfocus sa pagrereview. Ilang minuto na lang kasi darating na ang math teacher namin.

"Bakit ba ang sungit mo."

So what? Hindi ko pa rin siya pinansin.

"Hindi mo ba alam na masama ang hindi mamansin sa mga taong nakikipagkaibigan lamang."

Napupuno na ako sa lalakeng 'to. Hindi ako mapagreview ng maayos. Sa pangatlong pagkakataon hindi ko pa rin siya pinansin kahit na naiinis na ako dahil ang daldal niy.

Nagulat na lang ako ng bigla niyang kunin sa'kin ang notebook ko. What the heck?

"Ano bang ginagawa mo?"

Hindi ko na napigilan tumayo ako at nasigawan ko siya. Rumihistro ang pagkagulat sa kanyang mukha dahil sa ginawa ko pero saglit lamang iyon dahil bumalik sa pagkakangisi ang mukha niya.

"Ms. Ramirez what are you doing?"

Napalingon ako sa unahan at nakitang naroroon na ang math teacher namin. Bigla akong nahiya sa ginawa ko. Maging ang mga classmates ko mababakas ang pagtataka sa inakto ko.

"I'm sorry Ms. hindi na po mauulit."

Humingi na lang ako ng pasensya at umupo na muli. Nakita ko na nasa table ko na ulit ang notebook ko. Tiningnan ko ng masama ang may kagagawan ng lahat. Bwesit na lalake na 'to nakakaasar. Hindi ko mapigilan ang kumulo ang dugo sa kanya, nakakagigil siya. Unang araw pa lang niya dito nambe-bwesit na siya. Nagkibit balikat lang ito sa'kin at ngumisi.

Tama nga yata ang sinabi ni Ressa na bully ito kaya napaalis sa dating school na pinapasukan nito noon. At ako yata ang unang prospect niya dito. Letse!

May araw din sa'kin ang lalakeng 'to. Arggg!

 

❤︎❤︎❤︎

avataravatar
Next chapter