webnovel

THE TYPICAL HEARTBREAKER

The typical Heartbreaker SYNOPSIS His known as the Typical Heartbreaker, Whenerver someone will try to confess their Feelings to him , he typically reject them and will alaways say his not so famous line "Get lost!" . His reason behind of being a Typical heartbreaker? He once fall inlove but left him hanging-the girl leave him without bidding goodbye and without any explaination. He became a typical heartbreaker, in behalf of that girl, He break every girls heart, he wants to take revenge by breaking their hearts. But, not until he met this girl-she's not his usual ideal type of a girl, she's not even pretty compared to his Exes, -But she got his attention because of her simplicity and good personality- He fall in love again. -

kookielicious21 · Teen
Not enough ratings
4 Chs

PROLOGUE

                                   PROLOGUE

I love her but she left me.

I gave everything so that she'll stay, but still not enough.

She still leave me without saying her reasons.

I've got hurt–really hurt. I was a mess when she left me, then I realize, it's not the end I will take my revenge to her. In behalf of her, I broke every girls who decide to confess their feelings to me. I made them fall and left them hanging just like what she did to me. I'll break their hearts just how she break mine.

I will be the Typical heartbreaker from now on.

_______________________________________________________

Xavier POV

Nagkakagulo ngayon dito sa locker dahil meron isang babae ang humarang sa dinadaan namin at bigla na lang sinampal si Nathaniel.

"YOU !ASSHOLE!!*PAK* YOU'RE A JERK!  A TYPICAL HEARTBREAKER! *PAK*" sabi nung babae kay Nathaniel at pinagsasampal. Hindi ko alam kung matatawa ba ako dahil hindi naman na bago ang ganitong eksena, halos araw araw na lang ata may humaharang sa amin na biglang mananampal kay Athan o hindi kaya ay may biglang aamin sa kanya, later on susulpot na lang ulit ang mga ito at mumurahin siya.

"Get lost. " walang ganang sabi ni Athan sa babae sabay tinalikuran na ito at naglakad palayo.

"You–you played my f-feelings... You're heartless Nathaniel.. " umiiyak na sabi ng babae. Napailing na lang ako at sumunod na kay Nathaniel .Hindi pa man kami nakakalayo ay nagsalita muli ang babae. Na ikanatigil naming dalawa ni Athan.

"Someday, you'll regret this Nathaniel... For breaking my heart–for breaking every girls heart.. You'll regret that. Someday, someone's will  come and she'll break you heart... Just like how you break our hearts... " sabi ng babae, nakakatakot ang tono ng boses nito, hindi nagbabanta or what pero mararamdaman mo yung sinseridad sa tono nito.

Napatingin ako kay Nathaniel na may ibinubulong sa hangin, umiiling iling pa ang sira'ulo.Nababaliw na ata to dahil sa sampal nung babae kanina haha.

Nagpatuloy na kami sa paglalakad at pumunta sa Practice Room na naka laan talaga para sa aming Banda. Yes, tumutogtog kami dito sa School at lumalaban din sa iba't - ibang skwelahan. Our Band name is NXK-AS(Nayk-AS), it's our Name's Initial; Nathaniel, Xavier(that's me),Kib ,Axielle ,and Sebastian .

Pagbukas pa lang ng pinto ay dinig na agad ang ingay ng mga kupal, nagtatawanan ito. Natigil lang nang mapansin nilang nakapasok na kami sa loob.

"Brad! Andiyan na pala kayo–Aray naman Seb! Bakit ka ba nangbabatok hah? " angal ni Kib kay Seb dahil binatukan. Tumawa lang si Seb at inayos na ang drum stick niya. Tsk! Mga siraulo talaga haha. Dumeretso na ako sa kinalalagyan ng gitara ko, ganon din si Athan.

"Tan, balita na naman yung nangyari kanina sa locker area ah! " Sabi ni Seb kay Athan.

"Don't mind it seb, parang hindi naman tayo sanay sa ganong balita. " sabi ko nang hindi sumagot si Athan kay Seb.

"Alam niyo naman ang dahilan kung bakit naging ganito ako. " walang ganang sabi ni Athan.

"Pero brad, hinay- hinay naman sa pagpapaiyak ng babae. Hindi naman nila kasalanan yung nangyari sayo. " sabat ni Axielle. "Naiintindihan ka naman namin brad na nasaktan ka pero sobra naman na ata yang ginagawa mo. Masyado ka nang nakakasakit ng damdamin ng tao. " si Kib naman ngayon ang nagsasalita.

Sa mga ganitong sitwasiyon, ako yung naiipit dahil ako lang ang mas nakakaintidi kay Athan, lahat sila against sa pagbabagong nangyari simula nung araw na yun.

"Tama na nga ang drama mga brad! Mag praktis na tayo para sa event sa susunod na linggo. " agaw ko sa atensyon nila at para mawala na din ang tensyon na bumabalot sa buong practice room.

Isa isa na nilang inayos ang mga instrumento nila, si Seb sa Drums, si Axielle sa Base guitar, ako sa Electric guitar, Si Athan ang sa Acoustic Guitar at si Kib ang Vocalist. Nag simula na kami at nagsimula na ring kumanta si Kib.

Ilang sandali lang ay natapos na ang praktis ,kaniya kaniyang ligpit ng mga gamit, inayos ko nadin ang gitara ko at ibinalik sa pinaglalagyan nito. Naunang natapos sa pag aayos si Athan kaya dumiretso na ito sa pinto at tumigil don' para mag paalam sa amin.

"Una na ko mga brad, may lakad pa ko. " sabi niya at tumingin sakin, tumango ako at ganun din sila. "Ingat ka diyan brad, baka may humarang na naman sayo at bigla kang  sampalin na naman hahaha. " pagbibiro ni Kib,  na ikinatawa namin.

"Sira na ulo mo Kib ,hahaha! Una na ko mga brad, pa check niyo yang si Kib baka may sira na ulo niyan haha" Nagtawanan kami sa Huling sinabi ni Athan bago lumabas. See? Okay na agad ang barkada, hindi naman tumatagal ang away naming magkakaibigan.

"Tarantad* to si Athan, ako pa ang sira'ulo eh siya nga itong bigla biglang nagbabago, daig pa babae kung mag mood swings HAHAHA.. " reklamo ni Kib ."Arayyy!! Bakit ka ba nambabatok Xav? " sigaw ni Kib sakin dahil binatukan ko.

"Wag mo nang pansinin kasi ang pagbabago kay Athan, brad. Masanay na tayo mahigit isang taon na niya yang ginagawa. At isa pa alam natin ang pinagdaanan nun, masyadong masakit yun para sa kaniya kaya intindihin na lang natin. " mahabang lintanya ko sa kanila.

Napa tango-tango yung dalawa habang si Seb naman ay umiiling at napapabuntong hininga. Tsk! 'Di na naman  sang-ayon ang isang to. Hayst!

"Teka!! " napasigaw ako nang may maalala ako.

"Bakit ka na naman sumisigaw Xav? " Si Axielle

"Tss.. Yan ata ang sira ang ulo eh. " tinignan ko nang masama si Kib dahil sa sinabi niya, nag peace sign lang ang loko.

"Hindi pa ko nasisiraan ng ulo Kib, may naalala lang ako. Kanina ko pa to sasabihin sa inyo, nakalimutan ko lang. " sabi ko.

"Oh kelan ka pa naging tsismoso Brad? "Asar na naman ni Kib, isa pa talaga babatukan ko na to e.

"Ano ba sasabihin mo Xav ?" Tanong ni Seb, siya lang talaga yung matinong kausap dito e.

"Kanina kasi pagkatapos nung eksena dun sa locker, may sinabi pa yung babaeng iniwan na naman ni Athan, na nakapag-patayo ng mga balahibo ko, shett brad! Kinilabutan talaga ko. " sabi ko habang inaalala yung sinabi kung babae.

"Oh? Ano nga sabi nung babae? Daming kuwento, hindi mo na lang deretsohin. " iritang sabi ni Axielle.

"Ito na, ito na, sabi nung babae.. Someday daw pag sisisihan ni Athan na sinaktan niya yung babaeng yun at ang iba pang mga babae, darating daw yung panahon na may isang babaeng ipaparamdam kay Athan lahat ng ginawa niya sa kanila. " kuwento ko.

"Tss..kung may dadating man na babaeng ganon', dumating na sana siya para matigil na ang kahibangan ni Nathaniel. " sabi ni Seb na isinuksok sa bag ang drum stick at dumeretso sa pintuan at lumabas.

"Ang creepy kaya non'. "  sabi ko, tinapik naman ako ni Axielle sa likod kaya napatingin ako sa kaniya.

"Agree ako kay Seb, kung may dadating man, dumating na sana siya. " sabi niya at tinatapik parin ang likod ko sabay senyas na aalis na din siya, tumango lang si Kib sa kanya.

Tumingin ako kay Kib,  binigyan niya ako ng nagtatanong na tingin."Ano may sasabihin ka din ba? "  tanong ko sa kaniya. Umiling lang ang loko at natawa. "Wala na akong sasabihin brad, dalawa na silang agree, ayuko nang may kinakampihan ako,dahil kaibigan ko din si Athan, ayukong maipit balang araw. "  sabi niya na ikinatulala ko. Tinapik niya ako sa balikat dahil mag papa alam na din.

"Una na din ako brad, ikaw na bahala dito. Isarado mong mabuti ang pinto. Wag mo na rin  isipin yung mga pinagsasabi nung dalawa baka mabaliw ka lang HAHAHA.. " sabi niya bago isinara ang pinto. Napa iling na lang ako dahil sa kalokohan ni Kib, sa aming lima siya ang pinakamaloko at si Seb ang pinaka matino at matured sa aming mag-isip,mala dagat sa lalim ng mga sinasabi. Si Axielle  naman ang tahimik pero maloko din gaya ni Kib, silang dalawa ang magkasundo pagdating sa kalokohan, si Athan siya yung Tahimik samin DATI, oo dati tahimik talaga yun, Introvert person din yun. Kami lang ang naging close niyang kaibigan at sa amin lang din siya madaldal.

Pero nag bago nung dumating siya, si Atheana, ang babaeng naging dahilan kung bakit nakaganyan si Nathaniel, kung bakit ang dating introvert ay ngayon ay isa na sa napakalokong tao, he played the girls heart and he will break it kapag naramdaman na niyang nahuhulog na ito sa kaniya.

Gustohin ko mang mag kuwento sa inyo, hindi maari dahil una sa lahat wala akong karapatan, kaibigan lang niya ako at isa pa hindi ko yun kuwento. Hahaha. Tama na nga to. Ang dami ko nang nasabi pero Hindi pa ko nagpapakilala sa inyo hahaha. Btw,   l'm Xavier Dela Cruz, 17 at ang pinaka gwapo saming mag kakaibigan haha.

Konting ayos lang ay lumabas na rin ako sa practice room. Ini-lock ko nang mabuti ang pintuan. Maglalakad na sana ako ng may marining akong kaluskos sa isang bakanteng klassroom dito.

Tinignan ko ang wrist watch ko, pero ala-singko pa lang ng hapon, masyadong maaga pa para magkaroon ng  multo. Sa kuryusidad ko ay sinilip ko ang bintanang naka bukas. Nagulat ako at namangha sa nakita ko. Isang babaeng sumasayaw sa kantang hindi ko maitindihan.

Pinagmasdan ko ang babae na sumayaw, nakakahanga dahil ang galing niya sumayaw, malambot at may pitik ang bawat step na ginagawa niya. Hindi ko namalayan na natapos na pala ang kanta at tumigil na siya sa pagsayaw.

Napakurap-kurap ako ng tumingin siya sa gawi ko, at bakas sa kaniya ang pagkakagulat. Kahit ako ay nagulat dahil hindi ko inaasahan ang paglingon niya.

Nakita kong inaayos na niya ang mga gamit niya at nagmamadaling lumabas sa pintuan pero bago pa siya maka-labas ng tuluyan ay humarang na ako sa daraanan niya.

"A-ahm... " shit! bakit ako nauutal? Tumingin siya sa akin na may nagtatanong. Shit.shit. ang ganda ng mga mata niya kahit makapal ang salamin nito. Dadaan na dapat siya pero hinarang ko ulit. Kalma lang Xav, hinga ng malalim.

"Ahm, pansensiya ka na tinitigan kita kanina, namangha lang kasi ako sa pagsasayaw mo, napaka galing. " kinakabahan man ay pinilit kong hindi mautal at nginitian siya. Tumingin lang siya sakin at tumango .

Iniwan niya lang ako doon nang wala man lang sinabi, kaya hinabol ko siya at sinabayang maglakad.

"Ahm. S-sabay na tayo palabas. " sabi ko pero hindi pa rin siya tumitingin sa akin kaya nag salita ulit ako."a-ah, ngayon lang kita nakita diyan sa bakanteng room, lagi kasi ako este kami ng mga kaibigan ko dun  sa may kabilang room, na-nag papractice. Bago ka lang ba dito? " tanong ko sa kaniya at sa wakas napansin na rin niya ako.

Tumingin siya sakin na para bang nagtataka na kung ano ang ginagawa ko sa tabi niya. Parang ngayon lang niya narealize na kasama niya ako sa tabi niya.

"Bago ka lang ba dito? " ulit ko sa tanong ko kanina.

"Pero–" pinutol niya ang dapat sasabihin ko.

"I'm not new here, but I am new to that room. " sabi niya at nagmadaling lumabas ng building. Sinundan ko ulit siya.

Nasa parking lot na kami ng mapansin kong dumeretso na siya sa gate, wala siyang sasakyan dahil sasakyan ko na lang ang nandito sa parking lot, quarter to six na rin, wala nang studyante at papalubog na ang araw. Kaya nag pag siya akong lapitan siya, para sana tanungin kung may sundo ba siya. Kasi masiyado nang delikado dito.

"Ahm, miss may sundo ka ba? Kung meron samahan na muna kita dito ,magdidilim na kasi , delikado pag mag isa ka lang habang hinihintay ang sundo mo. " tumingin lang siya sakin at nag kibit balikat.

Maya-maya pa ay may huminto nang sasakyan sa tapat namin, lumabas doon ang isang matandang lalaki at pinagbuksan siya ng pinto. Tinignan ko lang siya nagbabakasakaling mag salita siya at sabihin ang pangalan niya haha.

"T-thank you. " sabi niya ng hindi nakatingin sa akin.

"Welcome, btw I'm Xavier, you can call me Xav. " sabi ko at inilahad ang kamay ko sa kanya. Nagbabakasakaling abutin din niya.

"Andrea. " sabi niya sabay abot ng kamay ko at nakipag shake hands. Nagulat man ako dahil hindi ko inaasahang makikipag kilala siya sa akin, nginitian ko na lang siya.

Tinanggal na niya ang pagkakahawak sa kamay ko at pumasok sa loob ng sasakyan pero bago pa man maisara ang pintuan ay nakita kong ngumiti siya ng bahagya sa akin at kumaway.

Natulala ako sa ngiti niyang yun, at kung hindi pa ako tinawag ni manong guard ay hindi pa ako aalis sa kinatatayuan ko. Alasais na nung  sumakay ako sa kotse ko at pinaandar pauwi sa bahay nang may malaking ngiti sa aking labi.

haystt.. Na love at first sight ata ako hahaha.

to be continue...

_______________________________________________________

Thank you for reading, I hope you enjoyed it. And hope you'll support my works and give some feedbacks. Don't forget to vote also. 😊Thank you.

~kookielicious21