webnovel

The truth of Alehandra

CasterH0gwarts · Fantasy
Not enough ratings
28 Chs

Chapter 27- Hierarchy

Clover's Pov

nakasuot na ako ng suit at pinapatulog ko pa si muffle. Habang nagpapatulog ako kay muffle ay may kumatok sa pintuan ng kwarto ko. pumunta naman ako doon at binuksan. Lumuwa ang isang babae na malaki ang ngiti sa akin. tumingin ako sa suot niya at nakasuot siya ng long gown.

"Anong ginagawa mo dito? May pupuntahan kaba?" Tanong ko sa kanya na nagtataka. Sumimangot naman siya. Binuksan ko ang pintuan para makapasok siya. Ako naman ay bumalik ako sa pagpatolog kay muffle.

"Sasama ako sa inyo. Wala naman akong gagawin dito eh.."nakangusong sabi niya at natawa naman ako.

"Oo na... pero wag mo nang uulitin ulit iyon ha?" Mahinang sabi ko. nakita ko namang tumango siya.

"Hindi ko naman alam na seseryosohin pala nilang lahat eh... atsaka, wala namang gusto si ate hera sayo." Sabi niya kaya sinamaan ko siya ng tingin.

"Ikaw! Ang daldal mo talaga katherine!" Sigaw ko kaya biglang nagising si muffle. Tumawa naman si katherine at nagpagulong-gulong sa higaan ko.

And yes! Katherine is not my fiancé. Hindi ko lang masabi kay hera kasi galit pa din ako! Also, kathy is my Cousin. Iba ang gusto ko! Alam niyo naman kung sino diba.

"Kuya! Sasabihin mo na bang magpinsan lang tayo? Ano ang regalo mo kay ate hera? Hindi kana ba galit sa kanya?" Sunod-sunod na tanong ni Kathy. Napatigil ako sa pagpatolog kay muffle at tumingin sa kanya.

"Yes. I have a gift for hera, Again. and No, hindi na ako galit sa kanya." Sabi ko at lumabas na ng kwarto. Sumunod naman siya at sinarhan niya naman ang pintuan.

"Eehh... kuyaaa... It means may unang regalo kana sa kanya? Ano yun? At ano ang pangalawa?" Excited na tanong ni kathy pero hindi ko siya sinagot. Ang ginawa ko ay pumunta ako kay daddy na umiinom ng kape sa sala. Ngumiti siya sa akin at tumayo na siya. Kasabay nun ang pagbaba ni cleve sa Hagdan.

Umalis naman kaagad kami. Pero si kathy ay walang sawa ang pangungulit niya sa akin. I told her to annoy cleve also but she refuse. Suplado daw ang kuya cleve niya hindi tulad ko hahaha yah! I know that.

Pagdating namin sa palasyo nila hera ay kami ang unang pumasok. Nakita ko naman si fatima na siya ang nagpapasok ng mga bisita. Winelcome niya kami at tumango lang kami sa kanya. And fatima can't directly talk or even smile at me kasi naman kathy are clinging on my arm. Tsk!

Minutes passed. Narinig kong may pinaguusapan ang katabi naming mga babae kaya tumingin ako kung sino ang tinitignan nila. Is that an appropriate dress? For fucking sake, this is a Birthday not a Masculine Photograph. All boys are wearing White long sleeve and those unbutton sleeves made the girls droll. Even kathy is drolling beside me. Tsk! This little girl.

The last one who enter the Hall wearing a suit with design of waves. And the last thing i know is that he is the king of Water.

He looked at me with his cold eyes.

Sinamaan ko siya ng tingin pero nakatingin na siya sa harapan at maliit na ngumiti.

Tumingin ako sa harapan at nakita kong kakatawag lang kay hera.

The door in the entrance open and hera is smiling like she is very happy. Well, that's my girl. Dahan-dahan siyang bumaba and i was like. Wow! Is that my crush?

She is so beautiful and Smart. That's why i like her.

Nang umupo na siya sa kanyang trono ay ganun nalang ang pagkabigla naming lahat nang may sumabog sa labas. Destroyers!

~~~

nang sumabog ulit sa labas ng palasyo ay kaagad kaming naalerto. Marami kami ang nasa loob para proteksyunan ang sarili. ikalawang pagsabog ay natumba kaming lahat at kasabay nun ang pagpasok ng mga destroyer. agad akong pumagitna pero hindi lang ako kundi ang lalaki na kulay asul ang buhok at ang isa ay si Broze carson na pinsan ni hera.

Sumugod ang mga destroyer sa amin kaya nilabas ko ang kapangyarihan ko.

"Fire blades!" Sigaw ko at tinapon sa direksyon nilang lahat. At Nawala na parang bula ang mga destroyers at tumingin ako sa paligid dahil masyadong mausok.

"Nawawala ang reyna!" Sigaw ng mga kawal. Agad akong naestatwa sa kinatatayuan ko. Tumingin ako kay kathy na umiiyak dahil sa sobrang takot. I forgot to say kathy is a mortal. binigay ko siya kay cleve, tumango naman si cleve sa akin at alam na kung ano ang gagawin ko.

Tumakbo ako palabas ng palasyo. Agad kong nakita ang mga kawal na napuruhan at ang iba ay wala ng buhay.

Napatingin ako sa itaas nang may sumigaw na kung ano. White dragon. It was hema who introduced to me months ago. That she is the protector of hera.

Lumapag siya sa lupa at biglang bumalik sa pagiging tao.

"Hema! Did you saw hera?" Kinakabahang tanong ko. nagulat naman siya sa tanong ko.

"What happened to Queen hera?" Naguguluhang sabi niya. At alam kong hindi niya alam na nawala ang kanilang reyna.

"Hera is gone. And I don't know where she is.someone said that hera disappear." Frustated na sabi ko. Humawak ako sa ulo ko nang hindi ko man lang na protectahan si hera. I'm sorry hera...

~~~

Umaga na pero hindi namin alam kung saan hahanapin si hera. Katabi ko si Cleve,fatima and Clarissa sa meeting room. Nandito padin kami sa kaharian ni hera. All the Council are here too. Were planning on how to get hera in the hands of the dark king.

Nagsimulang magsalita ang lalaking kulay asul ang buhok. The king of Water. and also, Broze carson are here. he reminds me of someone. magkatabi silang dalawa ng asul na buhok and i don't care.

The king of water said that 'hindi tayo magpadalos-dalos dahil baka tayo pa ang mapuruhan.'

Agad namang tumango si Council Sysmeton. and then he looked at me.

"Yes he's right. Wag tayong mag padalos-dalos. Kailangan nating mag plano kung pano kunin si hera mga kamay ng dark king. kailangan nating mag-isip ng paraan.. ng magandang paraan." Sabi ko at tumango naman ulit si Council Sysmeton.

"These two young man are correct. Pero wag tayong mag akasya ng oras baka mapuruhan ang apo ko." Seryosong sabi ni council sysmeton. ngayon niya lang tinawag na apo si hera. I didn't know that he is worried to his granddaughter.

Matapos magplano ang lahat ng council pati kami kasama ang dalawang kaibigan ni hera na kanina pa tahimik sa pagpulong. kanina pa din umiiyak si fatima. and cleve was annoyed already. napailing nalang ako.

Tatayo na sana ako nang may humarang sa daan ko. Nakangisi si Broze sa akin at ang lalaki na kulay asul ang buhok ay nakatingin lamang sakin.

"What?" Nakakunot na tanong ko. Napataas naman ng kamay si broze.

"Magkasama tayong tatlo kaya magpakilala kayo sa isa't isa." Sabi ni broze at umalis na sa harapan ko na may ngisi sa labi. napabaling naman ako sa lalaking nakatingin lamang sa akin.

Naglahad siya ng kamay sa harap ko.

"I'm Zegundo." Malamig na sabi niya. tumango ako at nakipag-kamay sa kanya.

"My name is Clover." sabi ko. Tumango naman siya at umalis na din agad. bumuntong hininga ako at tumingin sa tatlong kasama ko. Nakatingin lang sila sa akin.

Si fatima ay tapos nang umiyak. Si clarissa ay seryoso lamang nakatingin sa akin. Si cleve ay nakasimangot pa din.

Nauna akong lumabas kaya sumunod naman sila kaagad.

Napatingin ako sa labas ng malaking bintana na nadaanan namin.

Hera.. please wait for me.

~~~

Hera's Pov

Isang buwan na ang nakalipas ay wala paring dumating para sagipin ako. Nakakatawa lang isipin na umaasa ako sa mga taong alam nila na kaya ko naman ang sarili pero nakadepende lamang ako sa kanila, masakit man ay sa palagay ko ay walang pakialam ang lahat sa akin. Totoo nga ba ang sinabi ng matandang babae na yun na gusto nilang kunin ang kaharian ko kaya't pinabayaan nalang nila na kunin ako ng mga masasamang tao? naiiyak ako habang iniisip iyun.

Alam kong hindi magagawa ng mga kaibigan ko ang tratuhin akong basura. ang lasunin ang inumin ko. ang traidurin ako.hindi nila gagawin iyun dahil simula bata palang kami ay kilala ko na sila at palagi silang nasa tabi ko.

Napabaling ako sa pintuan nang bumukas ito. pumasok si Rica. Yes, alam ko na ang pangalan niya. nagpakilala siya sa akin nang makita kong nilalagyan niya ako ng bimpo sa noo. nagulat pa ko nun dahil hindi ko man lang maalala ang nangyari nang makita ko ang Hari ng Kadiliman.

Ang naalala ko lang ay sumakit ang ulo at parang may lalabas sa katawan ko.

Ngumiti si rica sa akin at may dala nana man siyang tray na may lamang pagkain. nilapag niya sa mesa na katabi ng higaan at tumabi sa akin na tinatanaw ang paligid sa malaking bintana.

"Kamusta na ang pakiramdam niyo Kamahalan?" Tanong niya sa akin. Hindi ko man sasabihin ay napapalapit na ako sa kanya. ngumiti naman ako.

"Medyo nahihilo pa ako." Sabi ko at tumingin sa kanya. Nakatingin din siya sa akin.

"Kamahalan. Wala po ba kayong may natatandaan?" Tanong ni rica sa akin kaya napakunot ang noo ko.

"Wala naman bakit dapat ba meron akong matandaan na importante?" Taka kong tanong. Umiling naman kaagad siya.

Tumahimik naman si rica sa tabi ko at nagsimula nalang akong kumain. umalis naman siya kaagad dahil may gagawin pa daw siya sa bayan nila. Pagkalabas niya ay tinapon ko ang pagkain sa kung saan. Nagsimulang tumulo ang aking mga luha dahil sa nararamdaman.

Alam ko... alam ko kung ano ang nangyayari sa akin. umaga hanggang hapon ay ako si hera pero pag gabi ay hindi ko macontrol ang aking katawan dahil sa may gumagamit dito. Hindi gumagana ang araw dito pero alam ko kung umaga na o gabi dahil may orasan naman. nakikilabutan ako sa mga pinanggagawa ko sa mga tauhan ni conrad na nagpakilala sa akin na tito ko. Pinapatay ko lahat kung sino ang magkakamali sa mga inuutos ko.

I didn't know that i have this side of personality. 

a killer!

At ang mas kinakatakutan ko pa ay gumagana lang ang apoy na kapangyarihan ko kung nandito ako sa dark world.

~~~

Fatima's Pov

Iyak ako ng iyak dahil hindi man lang namin na pagtanggol ang aming kaibigan na si hera. Naiirita na nga si clarissa sa akin dahil wala daw may magagawa ang pagiyak ko sa nawawalang tao. Che! As if pa siya. Ehh.. nakakiyak naman talaga na wala si hera sa tabi namin tapos isang buwan na ang nakalipas hindi parin mahanap nila clover ang daan papunta sa Dark world. Bakit pa kasi may kuntrabida pa eh! Nakakainis naman ehh..

Kung tinatanong niyo kung na saan si hema ay hindi namin nakita simula noong nawala si hera. Nawala na nga si hera, nawala din si hema. at sa pagkakaalam ko ay tungkulin niya ang protektahan si hera. Pero bakit wala siya?! Bakit wala siya dito? nakakainis.

"Oh! Pagagalitan ka ni hera pag nalaman niyang ikaw ang sumisira ng kanyang mga halaman at bulaklak diyan." Natigilan ako nang may nagsalita sa likuran ko. tumingin ako sa kanya ng masama ano bang ginagawa ng isang tu dito?! Natawa naman siya sa pinakita kong tingin sa kanya. Umirap ako at tumingin nalang ulit sa kalawakan.

"Anong ginagawa mo dito? Bakit hindi ka dun sa fiancé mo?!" Singhal ko sa kanya. Tumawa lang siya at tumabi sa akin.

"Katherine is not my fiancé." Sabi niya sa akin. Napakunot naman ang noo ko sa sinabi niya.

"Eh ano mo siya asawa na?" sabi ko at binatukan siya.

"Aray! Hindi ko nga siya fiancé or asawa. Actually she's my cousin." Sabi niya na nakangisi sa akin.

"Wag mokong maloko-loko ha...sinabi ni hera sa akin ang tungkol diyan na mismo si katherine ang nagpakilala sa harapan niya. Nako... ikaw clover bata na ang target mo ngayon." sabi ko at babatukan siya ulit sana pero pinigilan niya na ang kamay ko.

"Nakaisa kana fatima!" Sigaw niya kaya ako naman ang natawa sa itchura niya ngayon.

Si clover ay hindi siya katulad sa ibang lalaki na manloloko. Walang pakialam sa mundo. Hindi tulad sa iba diyan! che!

"I miss your friend." Mahinang sabi ni clover sa tabi kaya napatingin ako sa kanya. Nakatingin lang siya sa kalawakan at malungkot na ngumiti.

"Also me. namimiss ko na din ang kaibigan ko." Malungkot na sabi ko at naiiyak nanaman.

Hera was my friend since i'm not that close to my family. Then Clarissa came to our circles of friends. Magkasama kaming tatlo mag-aral sa Circus academy. at doon din namin natagpuan si clover na anak pala ni King kendrick. We thought aawayin din kami ni clover but instead of bullying us. He became our friend. We were so happy the four of us back then. Walang problema at walang nasasaktan.

Pero ngayon, iba na ang buhay namin. Meron na kaming tungkulin na dapat tapusin at ang nakakalungkot pa ay nawala ang kaibigan namin. noon nawala ang pamilya ni hera, she's always crying. Walang tigil ang pagiyak niya dahil namimiss niya ang kanyang mom and dad. Kaya ganun nalang ang pag-asikaso namin sa kanya. Hindi namin siya pinabayaan.

simula nang dumating sa buhay namin si hera ay parang kapatid na namin siya. Kaya parang nawalan lang kami ng buhay nang mawala siya. :(

"Oo nga pala.. aalis na kami bukas para sagipin si hera.." biglang sabi ni clover. Kaya nanlaki ang mata ko sa narinig. Tumango naman siya sa akin at ginulo ang buhok ko. sinamaan ko siya ng tingin.

"Hindi ako bata para ganyanin mo clover ha!" Singhal ko sa kanya. Natawa naman siya at tumayo na.

"Kain na tayo.. kanina kapa hinahanap ni cleve." Nakangiting sabi ni clover. Kaya biglang bumilis ang tibok ng puso ko at naramdaman kong namula ang mukha ko sa sinabi ng lalaking to... t

"Hahahaha.. so epic! Umuwi na si cleve kanina pa. Sabihin ko daw sayo.. mamimiss ka daw niya... hahahaha." Tawa-tawang sabi niya at tumakbo ng mabilis. Hindi pa nga ako nakarecover sa sinabi niya nung una tapos may ikalawa nanaman ulit.

Dumilim ang mata ko at tumayo ng may masamang tingin kay clover. Malapit na siya sa pintuan ng palasyo. kaya binilisan ko ang takbo ko. Speed ability.. haha yari ka ngayon sa akin clover...

Pero yari ang puso ko!

Umasa ako sis eh. Feel niyo?

~~~

Broze Carson's Pov

We were heading at the train to Daglinan. I know exactly where hera is, because i heard kuya Silver talking to someone that hera is in the Daglinan where the dark world is. Also, i'm with these two kings. King of water and King of Circus. i forgot to say these. It's so boring to team up with them you know -.-

When we reach the train using the Carriage from the kingdom of Aleha. Actually, Hindi ako kakampi ni kuya and also dad. Dad is the Dark king and Lolo knows that. Also, he knows that kuya silver is in the side of Dad. at alam kong napilitan lang si kuya sa mga pinapagawa ni daddy sa kanya.

nang makapasok kami sa tren ay hinatid naman kami ng isang staff kung saan malaki ang kwarto na para sa amin. Not bad. humiga naman ako sa malaking higaan at pumikit.

Narinig ko namang sumara ang pintuan hudyat na kakapasok lang din naman ng dalawa. Limang oras ang byahe papunta sa Daglinan. kaya matolog nalang muna ako. I was tired on training these past few days.

Nagising ako sa kalampag ng pintuan. Agad akong bumangon para makita kung ano ang nangyayari. nang makita kong mahimbing na natotolog ang dalawa ay dumungaw ako sa bintana ng tren. One destroyer sa labas tapos dalawa ang sa loob. How come na tatlo lang ang ipinadala ni dad? and I thought going to daglinan is 5 hours pero bakit nag 3 hours lang?

Ginising ko ang dalawa at sumenyas na wag maingay. Mag sasalita pa sana ang dalawa pero agad kaming bumaling sa pintuan na bubukas na. May narinig din kaming naguusap.

"Bilisan mo. Yari tayo kung makita tayo dito." Mahinang sabi ng tao sa labas. Hah! Those freaks! They think malulusutan nila kami? no other way cowards. But that voice. I heard from somewhere. So, familiar.

Nagplano kaming magtolog tologan ng tatlo kaya bumalik ako sa higaan nang mabuksan na nila ang pintuan. Matatawa na sana ako kasi narinig kong humihilik si clover. Like wtf dude! Hahaha

Narinig ko ang mga yapak ng mga tao na naguusap sa labas kanina na papunta na sa amin. Palihim ko namang nilabas ang thunder sword ko. Madilim naman sa loob ng tren kung saan ang kwarto namin kaya okay lang na buksan ko ang isa kong mata, and i was like!

"What are you doing here?!" Sigaw ko sa kanila kaya nanlaki ang mata nila na nakatingin sa akin. Napahawak pa ng dibdib ang isang babae dahil siguro sa gulat.

"Pisteng yawa ka oy! Nagulat ako dong!" sigaw pabalik ng babae sa akin na may dalang malaking bag.

bumango naman bigla sila clover at Zegundo dahil sa narinig at nagulat din sila sa nakita.

"Fatima? Clarissa? What are you doing here?!" Gulat na tanong ni clover. Nag explain naman kaagad ang dalawa kaya pumunta nalang ako sa bintana para tignan kung nasaan kami. Tahimik nalang din si zegundo na kumikinig sa kanila. Kaya lumayo nalang ako. They are friends! And i'm not belong to their circle of friends. Like as if i care!

Akala ko destroyer na talaga sila. nakasuot kasi sila ng itim na balabal kaya napagkaalaman ko kaagad na kaaway sila. and oh, i forgot diba may kasama sila? Tumingin ako sa tatlong naguusap. Tumikhim ako. Napatingin naman sila sa akin even zegundo looked at me.

"Diba may kasama pa kayong isa? Where is she?" Tanong ko. Gulat naman nakatingin ang isang babae sa akin. Tsk! Wala na ba siyang gagawin kundi ay gulat nalang palagi ang ipapakita niyang expression sa akin?

"Alam mong may kasama pa kami?" Tanong niya kaya tumango ako. napakamot naman siya ng ulo. "Eh.. sabi niya kase sa labas nalang siya maghintay. Atsaka..." naputol ang sasabihin niya ng tumingin siya kay zegundo. "Basta! Kaya niya naman ang sarili niya eh." Sabi ng babae at uminom ng tubig na binigay kanina ni clover.

Tumingin nalang ako sa bintana at tinignan ang orasan. isang oras nalang makukuha na namin si hera at magagalit ang daddy ko sa akin.

Hindi ko sila tinutulungan dahil pinsan ko si hera. Hindi nga ako tumutulong sa ama ko sa pinsan ko pa kaya. Pero pinapili kasi ako ni lolo sysmeton. kaya ang rasun ko ngayon ay.. sasagipin ko si hera.

Para sa buhay ng mama ko..

~~~

Clarissa's Pov

Maaga akong nagising para kausapin si fatima sa plano namin. Tinapik ko ang pisngi ni fatima at dahan-dahan naman siyang namulat at tumingin sa akin na humikab pa.

"Oh?" Antok na sabi niya. binatukan ko naman siya. Sisigaw na sana siya pero tinakpan ko ang bibig niya at nang hindi na siya nagsalita ay kinuha ko ang kamay ko sa bibig niya.

"Aalis tayo ngayon tapos nandiyan kapa tolog na tolog!" Singhal ko. Kaya nanlaki ang mata niya sa narinig. dali dali naman siyang tumayo at dinala ang bag niya.

"Alis na tayo?" Nakangiting sabi niya. Napasapo nalang ako ng noo sa kabaliwan ni fatima. Dahan dahan kaming lumabas sa kwarto.

Agad kaming napahinto nang makita namin si hema na may kausap ang kanang-kamay. Nagkatinginan kami ni fatima at nagtago sa malaking vase dito.

Nandito na si hema? Kailan pa? Nawala na siya noon nang mawala si hera akala namin gumagawa na din siya ng paraan. Wala din siya sa pagpulong kasama ang mga counselor. Pero nandito na siya at ang nakakapagtaka pa ay madaling umaga na tapos makikita namin siya na kausap ang kanang-kamay ni hera. May wala ba kaming alam?

Nakinig kami sa usapan ng dalawa hanggang sa tawagin siyang 'shine' ng kanang kamay. Nagkatingin kami ni fatima na nanlalaki ang mga mata. Ang pagkakaalam ko shine is the Sister of hera. Pero matagal nang patay iyun dahil sa nangyaring incident . Is it possible na buhay pa si shine and that is hema? O_O

Lumapit pa kami para malaman kung ano ang nangyayari at kung ano ang dapat naming malaman.

Nakatalikod si hema sa amin dahil sa mahaba niyang buhok at mataas siya sa kanang kamay ay hindi kami makita ng kanang-kamay kahit nasa likod na kami ni hema.

"Shine, wag mo nang itago sa kanya. alam mo naman kung ano ang ugali niya noon diba na hindi niya macontrol ang kanyang emosyon." Sabi ng kanang-kamay. Kumunot namana ang noo ko. si hera ba ang pinag-uusapan nila?

"No.. not now. Masasaktan lang siya kung sasabihin ko na ang totoo. I love her with all my life Divine." So divine is her name?

"Then tell her that she is your sister!" Then that was it.

Aalis na sana kami ni fatima nang mabunggo si fatima sa vase kaya nakagawa iyun ng ingay. Binatukan ko si fatima dahil sa kaabnuyan niya kaya ayan kita na kami.

"Clarissa? Fatima?" tawag sa amin ni hema . Napakamot ako ng ulo dahil sa inis . Si fatima naman ay pilit na ngumiti sa harap ni hema. "Kanina pa kayo?" Tanong niya.

"N-ngayo—"

"Yes. We heard everything." Seryosong sabi ko. Siniko naman ako ni fatima. tumango lang si hema sa amin at ngumiti.

At Hindi ko inaasahan na magkwekwento siya.

~~~

At yun nga kinuwento niya sa amin na noong nawala siya ay kinuha siya ng mga destroyer na kagagawan pala ng tito nila. at ang akala ng mga destroyer ay siya si hera pero ang nakuha pala nila ay si hema. sinabi niya din ang totoong pangalan niya. She is Hema Shine Estacolino. tinanong namin siya kung bakit naging dragon siya. Ginawa siyang dragon ng tito nila dahil sa galit niya sa mga destroyer ay pati siya dinala sa sumpa.

noong nawala ang ate ni hera na si hema pala ay nabagok ang ulo niya sa malaking bato kaya nagka-amnesia siya. kahit healer ay hindi magamot ang kanyang sakit dahil baka maging malala pa ito kung pipilitin na gamutin si hera. Sinabi din ng mommy niya sa amin na wag na wag mag sabi tungkol sa ate niya dahil sasakit lang ang ulo ni hera. Takot na takot kami sa mangyayari kay hera.

At ang mas kinakatakutan ko pa ang huling sinabi ni hema sa amin.

"Umalis ako nang mawala si hera dahil hindi ko na kayang makita pa siyang nasasaktan dahil sa kamay ni Conrad. Isang buwan akong namalagi sa kung saan may kakilala akong tao na pwede akong tulungan. Natatakot ako na babalik ang totoong ugali ni hera. Natatakot akong bumalik ang alala niya na siya...

Siya ang pumatay sa mom and dad namin."

~~~

Matapos ikwento ni hema sa namin ang tungkol sa kanya ay tahimik na si fatima at ako naman ay natulala sa mga nalaman. ano nalang ang mararamdaman ni hera kung malaman niya na ang totoo.

on our way to Daglinan. Hindi kami sumakay sa carriage dahil isang oras pa ang byahe namin para mabilis lang ang byahe napagdesisyunan naming si hema nalang ang sasakyan namin. takot na takot pa so fatima pero kalaunan ay naging okay na siya.

Nang makarating kami sa tren ay agad na kaming pumunta kung nasaan ang kwarto ng tatlo. si hema ay sa labas lang daw muna siya.

At yun nga ang nangyari sa amin. biglang sumigaw ang pinsan ni hera kaya nagulat kami sa kanya. plano to ni fatima. paiba-iba talaga ang mood ng isang tu. Bakit ko nga ba sila naging kaibigan? Hayys.

nagkatinginan kaming lahat nang tumunog ang tren siguro nandito na kami kung saan ang pupuntahan namin. kung saan ang lugar ng Dark king. na kung tawagin ay si Conrad cane.

Nakasuot kaming lahat ng itim na balabal kung saan pareho sa mga taong tinatawag na slave kunbaga. pagkalabas namin sa tren ay nakita naming naghihintay na si hema sa amin. nakita ko din kung pano nagulat si zegundo na nandito din siya. nang tumingin ako sa kanya ay bigla siyang nagseryoso.

Nang umalis ang tren ay nakita ko kaagad ang paligid kung na saan may mga lumilipad na destroyers. Patay na mga puno at bulaklak. Itim na itim ang paligid at malamig ang simoy ng hangin.  Ang pagkakaalam ko ay hindi gumagana ang sinag ng araw dito kundi ay puro kadiliman lang ang makikita mo.

Nagsimula kaming maglakad nang magsalita si broze sa likuran ko.

"Wag kayong magpahalata kung malapit na tayo sa bayan. Dahil kahit isa sa ating kapangyarihan ay hindi gagana sa dark world." Seryosong sabi ni broze. Kaya tumango kaming lahat. nauna siyang maglakad para masundan namin siya. ang sabi ni clover siya ang may alam tungkol sa daglinan kung saan ang pasikot-sikot na daan.

Kung hindi gagana ang aming kapangyarihan. Ano nalang ang gagawin namin kung magiging palpak ang plano namin. paano na si hera? At paano na kaming lahat kung makukuha din kami ng dark king. Tsk! Ang sabi nga ni broze wag magpahalata.

"Problema mo?" Nagulat ako sa pagsulpot ni fatima sa tabi ko. kanina lang nandoon siya sa tabi ni clover ngayon eto nanaman siya sa akin. Umiling naman ako sa kanya.

"Ano nga kaseeeee?" Pilit niyang tanong sa akin. kaya napabuntong hininga ako. Naghihintay naman siya sa sasabihin ko.

"Ano nalang ang gagawin natin kung hindi gagana ang kapangyarihan natin dito sa dark wolrd? Pano natin makuha si hera ?" frustrated kong tanong sa kanya. nalungkot din siya sa sinabi ko.

"Oo nga eh. Pero dapat hindi talaga tayo magpahalata para hindi tayo ma kilala ng mga kaaway." sabi niya kaya binatukan ko siya.

"Eh bakit mo pa kase ako kinakausap dito? Dapat hindi tayo magpansinan dahil kontrolado ang mundo nato." Singhal ko sa kanya. Ngumuso naman siya at hinimas ang kanyang ulo kung saan ko siya binatukan.

"Dami na ang batok mo sa akin clarissa ha! diyan ka na nga. Magiingat ka na lang kung saan man tayo naka assign." Sabi niya at bumalik sa likuran.

Tama ang sinabi niya. Kung malapit na kaming papasok ay bigyan na kami ng assignment kung saan kami maglilinis o di kaya ay mag babantay. ganito ang buhay sa dark wolrd kaya nagpapasalamat ako na hindi ako taga dark wolrd.

Nang makapasok kami ay yun nga ang nangyari sa aming lahat. Kasama ko ang pinsan ni hera. Samantala sila ni hema at Fatima ang mag kasama. Si clover naman at si zegundo ang magkasama.

pagpasok namin sa loob ng palasyo ay binigyan kaagad kami ng mga pang-linis. sabi ng babae sa amin na maputla ay linisin namin ang dapat linisin.

Kasama ko si Broze na naglilinis din nga mga vase na halata sa kanya na hindi siya sanay. Napatingin naman siya sa direksyon kaya umiwas ako ng tingin.

tahimik lang kaming naglilinis hanggang sa may lumabas sa pintuan na isang lalaki na pamilyar. nanlaki ang mata ko na siya ang kaaway noon ni Clover na sabi din ni hera na pinsan niya daw. yumuko kaagad ako baka makita niya ang mukha ko. Lagot kaming lahat kung ganoon.

Nang lumampas siya sa amin ay nagkatinginan kami ni broze at napabuntong hininga na lamang kami. sumenyas siya na doon naman kami sa malapit kung saan ang isang malaking pintuan at may dalawang kawal na nakatayo. Nakayuko lamang ako habang nakasunod kay broze na kung saan nanaman kami ulit maglilinis.

Akala ko sa malalaking picture frame kami pupunta pero pumunta siya sa harap ng pintuan at agad naman siyang pinigilan ng mga kawal.

"Bawal pumasok ang mga katulad niyo dito." Kahit ang boses ng mga kawal ay napakalalim.

"Inutusan kami ng mahal na hari." Nauutal na sabi ni broze. hindi ko alam kung sinasadya nga ba niya iyun?

nakumbinsi naman agad ni broze agad dalawa at binuksan ang pintuan ng kwarto. Bumungad sa akin kulay puti na kwarto at ang malaking higaan at kung na saan may taong mahimbing ang tolog. pamilyar kaya hindi ako nagkakamali na si.....

Hera?!

tatakbo na sana ako nang pigilan ako ni broze at umling siya. Taka naman akong tumingin sa kanya. nginuso niya ang pintuan kung hindi ako nagkakamali ay iyon ang CR. dali-dali naman kaming nag-pwesto sa dapat linisin nang may lumabas na babae at lumuwa sa akin ang mukha niya na siya din ang kasambahay nila hera.

Taka naman siyang tumingin sa amin.

"Sino kayo?" Tanong niya sa amin na kunot ang kanyang noo.

"Sabi ng mayordama ay lilinisin na daw namin ang kwartong ito." Sabi ni broze sa kanya. Kahit nagtataka siya ay hindi nalang siya ulit nagtanong. umupo lang siya malapit sa bintana. kaya nagsimula kaming maglinis.

Habang naglilinis kami ay nagulat ako nang mahulog ang isang pinggan sa lamesa kaya naka gawa ito ng ingay. napasigaw ang babae na abo ang mata at ang mas ikinagulat ko ay may papuntang Fire ball sa direksyon ko. natulala ako habang papalapit ang fire ball kaya agad akong hinawakan sa kamay ni broze at nailagan ko ang fire ball kung saan sabog na ang CR.

Nanlaki ang mata ko na napatingin sa kay hera na gising na. malamig ang kanyang mga tingin at walang emosyon ang kanyang mukha. Nakakakilabot. nakakasakal. Nakakapanghina.

Ngayon ko lang siya nakita na ganito. nakatingin lang siya sa akin habang ako ay tulala pa din sa kanyang ginawa. Hindi niya ba ako nakikilala? Hindi na ba siya si hera? Ito na ba ang sinasabi ni Hema sa amin?

At ang mas ikinagulat ko pa ay ang sinabing pangalan ng babae sa kanya.

"Bumalik ka nalang sa pagtolog mo. Ako na ang bahala sa kanila, Hierarchy."

Parang biglang bumagsak ang mundo sa kinakatayuan ko nang marinig ko ang pangalan na iyon.

Anong ginawa niyo sa kaibigan ko?