webnovel

The truth of Alehandra

CasterH0gwarts · Fantasy
Not enough ratings
28 Chs

Chapter 19- Don’t Give up

Hera's Pov

Nagsimula ang pageensayo ko pagkatapos ng araw na iyon. madaling araw nang magsimula kaming mag ensayo ni clarissa. she is serious when teaching me some of her skils. marami din kaming gamit para sa mga gusto niyang ipagawa sa akin. Nang matapos ang tatlong oras sa physical combat ay agad namang dumating si fatima na seryosong nakatingin sa akin. kumunot ang noo ko. masyado ba nilang sineseryoso ang ganito? Isip ko.

"Yes hera. Dapat nating pagtuunan ng pansin ang pageensayo mo. Akala mo siguro hindi ko napapasok isip mo ha." napairap naman ako sa sinabi ni fatima. Pumunta siya sa table kung na saan ang libro na kailangan niyang basahin para turuan ako. si clarissa naman ay lumabas muna para pagsabihan ang kasambahay na magdala ng pagkain sa training room.

Umupo ako sa harap ni fatima habang seryoso siyang nagbabasa. Ako naman parang tuta na naghihintay na makainom ng gatas. Kanina pa ako nauuhaw pero sabi ni clarissa dapat manatili ang lakas ko habang nakikipag-away. Tumikhim si fatima dahilan para mapatingin ako sa kanya.

"Tuturuan kita kung paano mo ilalabas ang water element hera" nagulat ako sa sinabi niya.

"P-pero nakalimutan mo na ba na muntik ko nang bahain ang kwarto ko nang sinubukan kong gawin iyon." Umikot naman ang mata niya.

"That's why i'm here to teach you hera.." seryosong sabi niya. Pilit niya lang tinatago ang tawa niya dahil siguro sa itchura ko ngayon. Sumeryoso nalang ako para may matutunan.

Iginaya ako ni fatima na pumunta sa gitna ng training room at ginawan ng barrier. Huminga ako ng malalim at sinunod ang mga sinabi ni fatima.

"Mabilis lang ito hera. Isipin mo lang na makapag labas ka ng kapangyarihang tubig at kontrolin mo lang na makapag gawa ka ng Bolang tubig at iba pang bagay na pwedeng gawin sa tubig." Sabi niya sa akin. Tumango naman ako at pinikit ang mga mata.

Naramdaman ko naman na parang may lumalabas na tubig sa aking kamay kaya idinilat ko ang aking mata. Nanlaki ang mata ko nang lumalaki ito nang hindi ko masyado na kokontrol. Narinig ko pang sumisigaw si fatima sa labas na kontrolin ko daw. napailing ako sa kanya. napasapo naman siya ng kanyang noo hindi alam ang gagawin sa akin.

Nang tumingin ulit ako sa tubig. Bumalik ang alaala ko na kasama ko si zegundo sa dalampasigan. Nakaupo ako at tinatanaw ang malawak na karagatan. Nakatayo naman si zegundo malapit sa akin pero nakatingin din siya sa malayo.

"Aalis ka na mamaya?" Tanong ko sa kanya. Tumingin naman siya sakin. I can see in his eyes Frustration and guilt. Ngumiti ako sa kanya.

"I'm sorry" parang ihip ng hangin nang sabihin niya ang salita sa harapan ko. "I'm so sorry hera—"

Umiling ako. "don't be sorry. Wala kang kasalanan. alam mo naman diba na ang sorry ay sinasabi lang kapag hindi sinasadya." napayuko naman siya. Tumayo ako at tumingin uli sa tahimik na umaalon na mga tubig.

"Minsan sa buhay natin, Kailangan nating magparaya. Kailangan nating isintabi ang nararamdaman para lang sa iba. And that's what i'm doing now zegundo. Alam ko na ang lahat. Wag kang magalala hinding hindi ko siya gagambalain katulad ng sabi mo"

In a blink of an eye. Nakikita ko nalang ang sariling repleksyon ko sa ginawa ko . naging espada ito na gawa sa tubig. Pumalakpak naman si fatima sa ginawa ko.

"Now, ibalik mo na sa dati." Sabi niya. Tumango ako at ginawa ang utos ni fatima. Bumalik naman agad sa dati ang tubig at bigla nalang nawala na parang bula ang tubig sa kamay ko. napaupo nalang ako sa uhaw at gutom na naramdaman o sa nakita kong alaala na kausap si zegundo?

Umalis na si fatima hindi man lang ako tinanong kung okay paba ako. Tsk! seryoso talaga sila sa pageensayo sa akin. nabuhay naman kaloob-looban ko nang pumasok ang kasambahay na may dalang tray na may juice, sandwich at cookies.

Dali-dali naman akong pumunta doon at kinuha lahat ng cookies at nilamon . Parang asong hindi pinakain ng ilang araw. Umalis naman ang kasambahay at pumasok nanaman ulit si fatima na may dalang juice din sa kamay. nagulat pa siya sa itchura ko. Tatawa na sana siya pero pinigilan niya lang iyon. Tinaasan ko siya ng kilay knowing that na nagpapanggap lang siya na magseryoso. Pulang-pula na nga yung mukha niya eh. umiling nalang ako sa kaabnuyan ni fatima.

"Pwede ka na ng tumawa fatima" i said in a warning tone. tumingin siya sa akin na gulat ang mukha. then... she laugh.. really really Hard.. Grrr. Weird friends.

"HAHAHAHAHAHAHAHA... ayaw ko na hindi ko na kay- HAHAHAHAHAHAHA ayaw ko na talaga.. pfftt. HAHAHAHA" Tawang sabi niya habang hawak ang tiyan. Hindi ko nalang siya pinansin. agad akong uminom ng juice at nagpahinga sa sulok.

Pumikit ako sandali. Ayaw kong pakinggan ang mga kaabnuyan ni fatima sa harap ko. Ang gusto ko lang ngayon ay pahinga. pero sa pagpikit ko nakita ko nanaman ang imahe ko na kasama si zengundo. My eyes is full of love. But his eyes is full of sadness. Ang inaakala ko, kakilala lang natin sa pinamumunuan mong karagatan. Pero bakit kasama ka sa nakaraan ko na unti-unti din itong bumabalik sa isipan ko. Ano ka sa buhay ko...

Zegundo?

Fatima's Pov

Tumigil ako sa kakatawa nang mapansin si hera na tahimik sa dulo ng training room at nakapikit pa. Aba't naisipan pang matolog ng babaeng tu! Yari ka sakin ngayon. Whahahahaha...

Nakangisi akong lumapit sa kanya pero napawi agad iyon nang nakita ko siya tila may pinapanaginip na masama. hinawakan ko ang balikat niya niyugyog siya. Pero hindi siya nagigising patuloy lang din ang pagtulo ng kanyang luha.

"Heraa.... Gumising ka." Sabi ko at tinapik ang kanyang mukha. pero hindi siya natinag. "Hera.. si fatima tu.. gumising ka. nananaginip ka.." sabi ko sa kanya na tila'y naririnig niya ang sinasabi ko. Napangiti lang ako ng maliit nang unting-unti nang dumilat ang kanyang mata. Nagulat pa siya sakin.

"f-fatima... magsisimula na ba tayo ulit?" Tanong niya sa akin na parang walang nangyari sa panaginip niya. ngumiti ako sa kanya. Tinulungan ko na din siyang tumayo at inalayan pa upo malapit sa mesa na ginagamit ko kanina.

"Magpahinga ka nalang muna. Nawalan ka siguro ng lakas dahil sa ginawa niyo ni clarissa or sa paglabas ng kapangyarihan mo kanina." Sabi ko at binigyan siya ng juice. Naguguluhan naman siyang tumingin sa akin.

"Hindi ka na tatawa?" Seryosong tanong niya. Natatawa na sana ako. Pero tumikhim siya. Kinagat ko ang labi ko para pigilan ang matawa. Nang maka recover ako bumuntong hininga ako at tumingin sa kanya ng seryoso.

"Hindi na promise. Pero gusto kong maging tagumpay tayo dito sa plano natin. Ayaw namin na mapahamak ka. Kahit na sayo na ang lahat ng kapangyarihan sa mundo. Kailangan mo parin ng ensayo. Hera, Walang may makapapigil sa iyo. Sariling buhay mo to. Sariling palasyo. Sariling tauhan. Sariling mundo. Pero wag na wag mong kalimutan na nandito kami para sayo para tulungan ka kahit ano man mangyari." Seryosong sabi ko. Pero siya naman yung natatawa.

"Ang tanong ko lang naman ay kung hindi kana tatawa pero dami mo pang sinabi!." Sabi niya at tumawa. ako naman yung umirap sa kanya.

"Bahala ka jan. Susumbong kita kay hema." Sabi ko at tinalikuran siya. Pero napatigil ako nang magsalita si hera.

"Maybe, they are right. Hindi ako karapat-dapat bilang reyna ng alehandra. Walang kaalaman sa iba kong kapangyarihan at hindi ko makaya ang emosyon ko kung sakaling may masamang mangyari sa inyo." Malungkot na sabi ni hera. Tumingin ako sa kanya at nagsalita.

"That's why were here for you hera. Were here to help you. please... Don't Give up" sabi ko sa kanya at niyakap siya.

Don't worry hera. Bibigay namin lahat ang atensyon sayo para lang makita ng iba kung gaano ka karapat-dapat na irespeto bilang reyna.