webnovel

The truth of Alehandra

CasterH0gwarts · Fantasy
Not enough ratings
28 Chs

Chapter 14- King Clover

Clarissa Pov

napatigil sa pagbabangayan ang dalawa ng i-announce na magsisimula na ang Royal ball. Hindi alam ni hera na may pasabog pa ulit kami. plano yan ni clover wag kayo! Eh kasi naman itong si hera. Masarap tirisin napaka manhid kasi eh.

Nakita naman naming tatlo si Clover na papunta na siya sa gawi ni hera kaya tahimik kaming umalis sa mesa at sumiksik sa madaming tao. Oo tama kayo! Magkasabwat kaming apat. Hindi naman literal na apat talaga kasi napilitan lang si hema. Haha.

Sumiksik pa kami sa mga tao at nakita ko naman na parang shunga si hera pa linga-linga sa paligid. Nang pumunta na si hera at clover sa gitna para sumayaw. Nauna nang umalis si fatima at hema. Hindi man lang ako hinintay.

Maglalakad na sana ako ng matapakan ko ang laylayan ng gown ko at na out of balance pero ganun nalang ang gulat ko nang may sumalo sakin. Black hair and red eyes. Matangos ang ilong. Makinis ang kutis at maputi. Gulp! Dali-dali naman akong umayos ng tayo at tumingin sa kanya. Walang emosyon siyang tumingin sakin.

"U-uhm thank you" nauutal ko pang sabi. tumango naman siya at umalis na sa harapan ko. For judging his looks. He is like a prince. Napailing nalang ako at bumalik na din kung nasaan sila fatima at hera. tulalang umupo ako sa mesa na katabi ni fatima. Kunot-noo naman siyang bumaling sakin.

"Any problem?" Takang tanong ni fatima kaya umiling naman agad ako. Nagkibit-balikat naman siya at nagsimula nanamang kumain. Kahit kailan talaga takaw gutom si fatima. Tsk.

Tumingin nalang ako sa sumasayaw na si clover at hera na. At halatang may pinaguusapan kasi tawa lang sila ng tawa. meant to be talaga ang dalawang Abnoy nayan! Si hera nalang ang kulang. Alam niyo na manhid.

Magkaklase na kaming apat noon paman. Magkasama sa tawanan at bangayan. Na tandaan ko pa noong bata kami umamin si clover samin na may gusto siya kay hera kaya noon paman 'Clora' love team na kami. Napangiti naman ako sa alaala na yun.

I know both of them will be happy until the end.

Hera's Pov

Mga walang modo kong kaibigan hindi man lang ako sinabihan na may Royal ball pa pala. Ang mas lala pa kasabwat sila. Alam ko yun! Ramdam ko! Gulat na gulat pa nga ako ng ayain kong sumayaw ni Clover.

"May i have this dance my Queen?" Tanong ni clover at naglahad ng kamay sa harap ko. Padabog kong kinuha ang kamay niya at ako na mismo ang humatak sa kanya sa gitna. natawa pa siya sa ginawa ko. Ugh! Nakakairita na talaga si clover ano?! Sarap pigain.

"Hindi ko alam na atat ka na palang makasayaw ako Hera?" Ngising sabi niya. Umirap naman ako. Kinuha niya ang kanang kamay ko at ipinatong sa kaliwang kamay niya at ang kaliwang kamay ko naman nasa balikat niya at ang kanang kamay niya nasa bewang ko kaya Royal Dance talaga ang isasayaw namin.

"Excuse me mister! Unang'una ayaw kitang makasayaw. Napilitan lang ako." Simangot kong sabi niya. ngumiti naman siya napailing. Nagsimula kaming sumayaw at inikot niya pa ako kaya naka talikod na ako sa mga bisita.

"Oh! I forgot. Actually plano ko ang mag fake fiancé tayo para walang may makalapit saking iba. You know what i mean" sabi niya at napagulong nalang ako ng mata. "And.. about the fake fiancé thingy.. pwede ko bang totohanin yun?" Tanong niya na ikinatigil ko sa pagsayaw. Pati siya napatigil. "I-i mean ahm never mind. Just don't mind it" sabi niya at yumuko. Napangiti naman ako. hinawakan ko ang baba niya para tignan niya ako. Nakita ko naman kung ano ka haba ng nguso niya. Haha ang cute niya talaga.

"Clover. Alam mong hindi pa pwede. Your just a prince and i'm a Queen already." Sabi ko at ngumiti sa kanya. napabuntong hininga naman siya at hinalikan ako ng mabilisan sa noo.

"I respect the rules hera. But now, trust me." seryosong sabi niya at kinabahan naman agad ako.

"What do you me—" magsasalita na sana ako ng hawakan niya ang bibig ko gamit ang hintuturo niya.

"Please let me love you hera. my feelings for you is true and sincere. I want you to be my Queen." Pagkasabi niya yun sakin bigla niyang binitawan ang kamay ko at kasabay nun ang pagpatay lahat ng ilaw. Grabi yun kaba sa dibdib ko hindi sa takot kundi sa ramdam mo ang tuwa sa kaloob-looban mo.

Kahit i-deny ko pa na wala akong nararamdaman ky clover magpapakamatay nalang ako de joke lang. haha tsk. natigil ako sa pagiisip ng bumukas ang ilaw kung nasaan nakatayo ang daddy ni Clover kasama si Cleve na naka simangot.

"Goodevening ladies and gentlemen. Tonight, i would like to greet my son a happy birthday" ngumiti naman sa kawalan si tito kendrick. "As a king of Circus kingdom, It's been a hella coaster ride ang pagsubok na nalampasan ko. And i think about it years ago what if ibibigay ko na ang pagsubok na natapos ko sa aking anak na si clover? Is it a good idea right. " Sabi niya sa lahat. Tahimik ang buong social hall ng sinabi ito ni tito kendrick. Hindi pa nagsisink-in. Ilang minuto nanlalaki ang mga mata ko ng mapagtanto ang sinabi niya.

"Oh my god!" Bulong ko at napahawak pa sa bibig. Narinig ko na din ang palakpakan at kasiyahan ng mga tao dito. Kasabay nun ang pagbukas lahat ng ilaw at nakita ko si clover naka poker face sa tabi ni cleve at may suot na korona!

Sh*t! He's now a king.

"I know my son can survive this." Sabi ni tito at nagkamayan sa anak niya. Sumimangot naman ang kupal. Kahit kailan talaga.

Pagkatapos ipakilala ni tito kendrick na si clover na ang bagong Hari ng circus ganun nalang ang pangamba ko ng biglang may sumabog sa labas ng palasyo.